Paminsan-minsan na lang ‘to…

Hindi ko alam kung kelan ang huling panahon na nagtatatakbo ako sa labas para maligo sa ulan. Siguro mga 100 years na yata ang nakalipas. (Exajs siempre!)

Sobrang lakas ng ulan kahapon, hindi namin (ako, mga pamangkin ko at mga julaylay) mapigilan ang lumabas ng bahay para maligo. Tamang-tama hindi pa ako naliligo at naka-magic black kamison pa ako na pang-meme ko.

image034.jpg

Wahaha! Unahan kami sa tapat ng kapitbahay namin kasi dun mas malakas ang tulo ng ulan mula sa bubong nila. Astang mga hindi pa nakakatikim ng shower sa banyo sa buong buhay ang ginawa namin. Tulakan! Tawanan! Hiyawan! Buti hindi kami sinita ni Manong sa ingay namin sa may gate nila.

Napapalingon yung mga traysikel na napapadaan sa tapat namin, hiyawan kami eh. Tsura lang ng mga batang wala pang malay sa kamunduhan este mundo.

I swear nami-miss ko ang ganito, ang sadyang maligo sa ulan. Naaalala ko ang kabataan ko nung panahon ni MacArthur (exajs ulit)… lagi namin dinadalangin ng mga kalaro ko ang umulan para makapagtampisaw kami. Kaya kahit bumabagyo noon, arya kami!

image036.jpg

Siempre nung mga bata pa kami, hubo’t hubad kaming nagtatakbuhan…nagpapatintero sa daan. Ewan ko lang kung nagagawa pa yan ng mga bata ngayon lalo na yung mga girls – yung maligo sa ulan ng hubo’t hubad o naka-funtee lang. Dati kasi hindi pinapansin ng mga tao ang mga ganun at hindi gaya ngayon na ibang-iba na ang panahon.

Ngayon, beybi pa lang ang mga babae eh kelangan wag na iwanan o ipagkatiwala sa kung sinu-sino lang at baka mamolestiya. Aguuyyy! Tsaka ngayon, pag lumalakas ang ulan…kaba na ang namamayani sa dibdib ng mga bata sa ibang lugar kasi baka bumaha na o kaya magkaroon na naman ng landslide. Tsk tsk!

image031.jpg

Kaya ang mga anak ko nung maliliit pa dun sa probinsya namin…hinahayaan ko talaga ang maligo sa ulan — kahit papano safe naman dun sa amin. Ibang tuwa talaga makipaglaro, maligo sa ulan at gusto ko hindi ma-miss ng kabataan nila ang saya na yun.

Alam ko sa mga susunod na taon pa…baka malabo na akong makapagtampisaw ulit sa ulan at baka may arthritis na ako nun. Ayayay! Kaya ngayon…pag may pagkakataon — maliligo at maliligo ako sa ulan. Kever kung sino ang nakakakita. Paminsan-minsan na lang ‘to. Kayo, kelan ang huling tampisaw nyo sa ulan?

“I shall pass this way but once, therefore any happiness I can get, let me get it now for I shall not pass this way again”.

Related Posts with Thumbnails

36 comments

  1. LyziusNo Gravatar says:

    waw naman at talagang naka magic camison…ahihihi..wish ko rin makatakbo ako sa kalsada ng nakaganyan kaso pag nangyari yun iisipin ng mga tao sa paligid na gunaw na ng mundo…ahihihi

    Lyzius’s last blog post..Oceans Park Adbentyur

    [Reply]

  2. Jon CabronNo Gravatar says:

    “Napapalingon yung mga traysikel na napapadaan sa tapat namin”
    - at ‘yan ang dahilan kung bakit mahaba ang pila ng pasahero sa traysikilan kinagabihan.. at nagkanda ubos ang mga pain reliever sa mga tindahan dahil sa mga namamagang kanang kamay ng mga traysikel draybers.
    tsk! tignan mo nga ‘yang ginawa mo!

    Jon Cabron’s last blog post..salamat

    [Reply]

  3. R.J.No Gravatar says:

    wahahaha! wet look. pero parang mas bagay ata ang puting kamison. ewan ko lang.

    huling ligo ko ata sa ulan noong 1999 pa, freshman sa college at inabutan ng delubyong bagyo at naglakad sa ulan at baha na hanggang brip ang lalim. counted ba as ligo iyon? hehehe

    R.J.’s last blog post..the lion sleeps tonight

    [Reply]

  4. zoul1380No Gravatar says:

    hehehe more pix please haha… kakaingit naman gusto ko rin maligo sa ulan

    zoul1380′s last blog post..Game 6 : Boston Celtics vs Cleaveland Cavaliers and La Lakers vs Utah Jazz

    [Reply]

  5. ako din, gustong-gusto kong maligo sa ulan.. ang last ko ay last year.. hehehe!!!

    nung nasa baguio nga ako (two years ago), nilibot namin (ako at mga boardmates ko) ang session road habang naliligo sa ulan at nag-trip pa kami, pumasok kami sa isang restaurant at kumain.. hahaha! ang saya!!!

    linglingbells’s last blog post..pag oras mo na, oras mo na…

    [Reply]

  6. PryssNo Gravatar says:

    hehehe last week lang…as in ang lakas ng ulan dito sa min,naka-daster lang ako…buti na lang subdivision dito at walang tao hehehehe…

    [Reply]

  7. BananaNo Gravatar says:

    ginagawa ko yan kada uwi ko sa probinsiyaaaaaaaaaa ang saraaaaaaaappp. pero suot ko puting kamison shempre walang bra. :lol:

    Banana’s last blog post..Ang Pangyayari sa Hatta.. tsk..

    [Reply]

  8. GabrielNo Gravatar says:

    nakakarimarim na panoorin… hahaha joke… nice to meet you po last night.. :D

    Gabriel’s last blog post..Stranded at Matnog, Sorsogon

    [Reply]

  9. antukenNo Gravatar says:

    hitad! hahaha. kasya ba yung bigay ko? feeling ko maliit yung top. hahaha.

    antuken’s last blog post..FF#8 (feast 190)

    [Reply]

  10. TaroogsNo Gravatar says:

    ngayong nakalipat na kami sa nova, malamang magiging gimik na din ng anak ko yung pagpaligo sa ulan. ako? pass muna… di kasi bagay sakin yung naka-itim na kamison (masagwa tingnan. pramis) hehehe

    Taroogs’s last blog post..Befores and Afters…

    [Reply]

  11. popoyNo Gravatar says:

    hindi ko na din maalala mami.

    ginawin kasi ako eh.

    kaya pag naligo sa ulan sandali lang.

    pero masaya dati nung naligo kami nugn bagyo naalala ko, muntik na kami matamaan ng lumilipad na yero. sayang!! tsk tsk hehehe

    popoy’s last blog post..Ang Plastik Mo!!!

    [Reply]

  12. defpotecNo Gravatar says:

    at syempre.. di kumpleto ang araw ko ng di nagcocomment.. moo.. halatang pinaghahandaan mo ang baha… ang ganda ng mala BAPOR mong tsinelas.. siguradong lulutang ka nyan pagilakad mo sa tubig… wag ka lang babangga sa bato, dahil siguradong mala ‘titanic’ din ang pag lunod mo kung mangyari yun…

    defpotec’s last blog post..ang susunod kong sasakyan…

    [Reply]

  13. iyaNo Gravatar says:

    HUWAW! :D ahlavet1

    much as gusto kong gumaya, hindi ko magawa dahil may ubo pa ren ako hanggang ngayon. baka mapuruhan ako.

    iya’s last blog post..Tingin, Punit, at Tapon

    [Reply]

  14. mineNo Gravatar says:

    bat ba inde ako namasada nyan! Lols :lol:

    hanef, ala bang banggaan jan sa inyo? driving hazard ka mamaru!

    [Reply]

  15. kengkayNo Gravatar says:

    yan, gusto ko rin yan gawin ulit! type din ng mga little kengkays kaso mo ambon lang inabot nila sa pinas e-

    kengkay’s last blog post..Maganda sa Anawangin Beach pero mag-ingat kayo

    [Reply]

  16. AmboNo Gravatar says:

    Hanef ang lufet anong sinabi ni Osang sa mga posing na yan! hahahaha. Nice meeting you momski! Muah!

    Ambo’s last blog post..Blogospheres Weekend Review (5)

    [Reply]

  17. reyna elenaNo Gravatar says:

    hahahaha! KILALA NA KITAAA!!! ikaw na ikaw talaga yung last pic! nabubuang pa rin ako seyoooo HAHAHAH

    [Reply]

  18. jackNo Gravatar says:

    Haaayyyy, miss ko na rin yan maligo sa ulan. dito kasi madalas nga ang ulan, super lamig naman.
    enjoy ang panoorin ang mga kasabay kong girls sa ulan nun, kasi wet look hehe, bakat lahat hehe. isang natutunan ko ay di masyadong bakat pag itim ang suot. buti na lang nakaputi sila lagi hehe.
    bukod sa boso, nagbabasketball din kami sa ulan, gumagawa ng toy banka from leaves and pinapaalon sa canal hehe, nanghuhuli ng dapia na pakain sa pet fish, and discovering the principles of hydro-physics in action.

    [Reply]

  19. AmboNo Gravatar says:

    Bakit iba na ang avatar mo Reyns? I-cow ba yan? hehehe

    Ambo’s last blog post..Pag Malakas ang Turismo Marami ang Trabaho

    [Reply]

  20. MaruNo Gravatar says:

    hahaha! at last nakita ko rin ang kontrobersyal mong kagandahan! maraming salamat talaga – for everything! mabuhay ang mga social climber! lols.

    [Reply]

  21. MaruNo Gravatar says:

    sus ano ka ba? wag ka na ma-shy. paminsan-minsan kelangan natin balikan ang mga dating ginagawa natin nung kabataan. try mo, i swear – masaya!

    [Reply]

  22. MaruNo Gravatar says:

    nyahahaha! saltik amp!

    [Reply]

  23. MaruNo Gravatar says:

    korek! hindi ko isinuot ang puting kamison at baka ma-discover ako ni Mother Lily ng Regal Films. Lahat ng pinagsout nya noon ng puting kamison sa mga produced sexy films niya – sumikat. Lols.
    pero yaan mo, sa susunod na umulan…siguraduhin ko na nakaputi ako. hahaha!

    [Reply]

  24. MaruNo Gravatar says:

    more pix ka jan! hehehe!

    [Reply]

  25. MaruNo Gravatar says:

    nyay! nakayanan nyo maligo sa ulan sa baguio? di ko yata kaya yun. lamig kaya dun. mahina ako sa lamig…tumitigas agad ang ut*ng ko. hehehe

    [Reply]

  26. MaruNo Gravatar says:

    hi pryss! salamat sa dalaw.

    subdivision din naman dito at kokonti lang din ang mga dumadaan na tao. natyempuhan lang talaga noon na sunod sunod ang daan ng mga traysikel kasi nga umuulan.

    [Reply]

  27. MaruNo Gravatar says:

    piktyur naman diyannnnnnnnnn! lols.

    [Reply]

  28. MaruNo Gravatar says:

    hi gab! likewise, nice meeting you. hindi ko akalain na mami-meet kita in person. daldal mo rin pala. hehehe

    [Reply]

  29. MaruNo Gravatar says:

    haynaku! kasyang-kasya noh! di naman ganun kalakihan ang boobies ko. :D

    [Reply]

  30. MaruNo Gravatar says:

    “pass muna… di kasi bagay sakin yung naka-itim na kamison (masagwa tingnan. pramis)” —bwahaha! parang di ko yata type ang makita kitang naliligo sa ulan ng — naka-kamison.

    [Reply]

  31. MaruNo Gravatar says:

    ay! sayang ngaaa!!!!

    [Reply]

  32. MaruNo Gravatar says:

    “at syempre.. di kumpleto ang araw ko ng di nagcocomment” — Tseee! akala mo naman palagi kang bumibisita ng blog ko.

    re: tsinelas. hindi yan malaki. at kung malaki man yan, gusto mo umangkas sa likod ko? basta ba wag mo ko aanuhin sa likod ha?

    [Reply]

  33. MaruNo Gravatar says:

    piktyur ha? pag naligo ka sa ulan. aabangan ko na ba ang pag galing ng ubo mo?

    [Reply]

  34. MaruNo Gravatar says:

    at kelan ka pa naging drayber ng traysikel ha?

    [Reply]

  35. MaruNo Gravatar says:

    mamikeng, sa susunod na umuwi kayo dito sa pinas..itaon nyo na summer kasi tag ulan na dito pag summer. hanudaw? hehehe

    [Reply]

  36. MaruNo Gravatar says:

    Amboooooo! di ko akalain na makikita o makakasama kita in person. suplado mo kasi eh. joke! ako rin, nice meeting u talaga. looking forward ako na makasama ko kayo ulit nina reynz, malen at iba pa.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge