Ubo, sipon at sunburn – yan ang pinagdudusahan ko ngayon. Sa gabi hindi ako makatulog ng maayos dahil kahol ako ng kahol. Sa araw naman may tulo ako. I mean, tumutulo ang sipon ko. Hindi na talaga nakayanan ng katawan ko ang paiba-ibang temperature ng panahon. Nakadagdag pa ang sunburn ko sa balikat dahil nag swimming kami sa Bulacan last sunday at kahit hindi ako mahilig mag swimming…na-engganyo ako maligo sa pool dahil makulimlim ang panahon. Ayoko kasi yung maliligo ng maaraw dahil walang palya na masusunog balat ko kahit magpahid pa ako ng sunblock cream. May bagyo sa may Zambales noong weekend kaya hindi ko akalain na iinit ang araw bandang ala-una ng hapon. Kaya ayun, super-dusa ako sa hapdi ng balat ko. Mas lalo naman ang pamangkin kong si Tweetums…naknampating, halos nalitson ang balat ng ka-berks kong pamangkin. Sabi ko nga, yung kulay nya ay parang pinaghalong brazilian at kenyan. Hahaha!
Ipinapakilala ko nga pala ang ka-berks kong pamangkin. Siya si Tweetums. Noong isang gabi at habang natutulog, napagmasdan ko sya. Sabi ko, dalagang-dalaga na nga sya. Naalala ko kasi noong nineteen-forgotten, noong maliit pa sya eh akay-akay namin sya kasama ang panganay kong si Kevin sa mga biyahe namin ng ate ko noon sa Cebu. Ambilis talaga ng panahon…ngayon ganap na syang dalaga at sya lang naman kabarkada ko ngayon sa bakasyon ko dito sa Metro Manila. Sarap sa pakiramdam pag kasundong-kasundo mo ang mga pamangkin mo. Feeling ko tuloy bagets na bagets pa ako.








sana rin di mo kinalimutan ipaalala sa madlang magbabasa mo na hindi ikaw ang gf ko kngdi si TWEETUMS!!
defpotec’s last blog post..pakinggan mo…..
Reply
Naalala ko si Twitters este Tweetums pala sa aming duet noong EB natin hehehe. Kagandang bata. Kung bata bata pa ako di makakawala sa akin yan hahahahaha.
Ambo’s last blog post..David Archuleta Wins American Idol
Reply
aw..aw.. miss maru get well soon..
ang mala sutla mong kutis ay nasunog pala.. tsktsk…
paputi ka ulit kagad and pagaling.. hehehe
marian’s last blog post..for a change
Reply
ang ganda ng swimsuit mo ah. parang nakita ko ganyan din suot nung sexy kong kaibigan. sa palawan ata yun. hahaha. ang ganda ng ka-berks mo. promise. artistahin. hehehe.
antuken’s last blog post..meeting HRH and my stupidity
Reply
ay ganda pala ni tweetums hehehe. ganda nya mana sa tita???
hhaha may question mark heheh
pagaling ka mami
popoy’s last blog post..Mahalin ang trabaho
Reply
wow!! mukha ka talagang bagets!!
linglingbells’s last blog post..anong meron sa bulacan?
Reply
wow ang cute pala ni pamangkin mo ha. sayang di sya kasama dun sa post mong naliligo sa ulan. =D
R.J.’s last blog post..Labis na naiinip, nayayamot sa bawat saglit
Reply
yaan mo mareKo, sa opposite direction ng bulacan ay sinasabayan kitang kumahol. di ko alam mahilig ka palang makipag-duet sakin. magaling ka na? ako heto, pumuputok pa din. hehe mali na naman yang iniisip mo. ung putok na ano. hehe.
badoodles’s last blog post..Daddylicious
Reply
inday, kaghuhusay daw niyo!!!! seksi pa guid. mwahhhhh
chuvaness’s last blog post..Chuvachienes’ Happy Birthday Celebration
Reply
[...] last weekend, lumabas kami ng bago kong gerpren of the week.. malamang kilala nyo sya bilang si tweet, ang pamangkin ni superduperovermegahyper good buddy kong si moo (oks ba?)… gerpren ko sya [...]
hehehe! sobrang secret naman ng love affair nyo…ikaw lang ang nakaalam sa magsyota kau.
Reply
haha, so gf ka na pala ni moo sexy mama?
antuken’s last blog post..meeting HRH and my stupidity
Reply
honga! galing din kasi ng boses mo. aliw nga ako na nakinig sa inyo. ano ka ba naman ambolicious…matanda ka na ba? lols.
Reply
mwah! maraming salamat marian pie! sweet naman. musta ka na uy!
Reply
hahaha! uu nga! gusto ko nga pala magpasalamat sa sponsor/donor ng kasuutan kong tupis sa 8waves. itatago ko na lang ang kaibigan kong to sa pangalan na chona a.k.a. antuken! aylabyu!
Reply
sa dami ng syota ni Moo…malilito ka talaga. ako lang ang hindi pumapatol dyan eh. bwahahaha!
Reply
maganda parin ms. maru… hahahahahaha
marian’s last blog post..for a change
Reply
pinuputol ko na pagkakaibigan natin mula ngayon. (taas-kilay)
Reply
siguro naman ay alam mo na ngayon kung bakit malapit ka sa puso ko, ling.
Reply
kasama ko sya nung naligo. di ko na isinama ang pic nya kasi mas mahalay tingnan yung pangtulog nyang satin shorts. bumakat ang funtee. hehehe! maaagawan ako ng eksena. hahaha!
Reply
ay sayang! harang pla sa pix! lols
pero di bale.. sulit na sulit na din sa mga pix, ka swerte nmn ng mga naka sabay nyo nag swim!
Reply
ang galing mo magpaputok. asintadong-asintado. ayun at magiging tatay ka na nga! weeeeee!
Reply
basta waray – mahusay! hahaha!
Reply