May 29, 2008 | In: Inner-self, Inner-thoughts

May Wastong Lugar Ang Mga Bagay-bagay…

May email subscription ako sa isang Yahoogroup na itatago na lang natin sa pangalan na Lovenotes. Yup, member nga ako ng Yahoogroup na Lovenotes dahil idol ko na talaga mula pa nung 80′s si Dear Joe (Joe D’ Mango) at hindi si Dear Jones. Paminsan-minsan, ginagawa kong aliwan ang pagbabasa ng mga emails tungkol sa mga hinaing sa puso ng ibang tao kasabay na rin ang pag hingi nila ng advices sa members ng grupo. Pero ni minsan hindi ako nakisabat sa mga balitaktakan nila sa kadahilanan na halos 95% ng paraan ng mga nagsusulat ay text lingo ang gamit.

Eto ang sampol ng isang member na humihingi ng payo:

capture3.jpg

Matagal na ako nagtitimpi. Hindi naman sa nang-aanu ako. Pasintabi lang po sa mga tatamaan wag po sanang magagalit dahil sa ganang akin po lamang itetch. Pero may tamang oras at wastong lugar ang lahat ng bagay.

Kung sa selpon ko matatanggap ang ganitong klaseng pananalita ay ok lang at hindi ko na kelangan ipaliwanag kung bakit. Naiintindihan natin lahat na kelangan magbawas ng vowel sa mga words na ite-text.

Pero dun sa mga bagong pautot na pagta tayp ng salita, ay! di ko talaga keri. Di ko pa rin maiwasan ang mapakamot ng ulo tuwing nagbabasa ng mga imbentong shortcut. Iniisip ko kasi na mas nakakabobo ang ganun kasi makakasanayan natin ang mali. Kahit sa mga anak ko…gusto ko silang sitahin at itama ang pag ti-text nila at nag aaalala ako na makasanayan nila ang ganun at madala hanggang sa iskul. Paano na lang pag pinagsulat sila ng isang “formal theme” sa Pilipino subject nila? Nag-aalala ako sa MAKAKASANAYAN.

Iko-kowt ko ang sabi ng isang kaibigan sa selpon ko:

“wala naman turo na panitikan pilipino na ang “ako” at “ko” ay pwedeng “q” ang kapalit. ang totoo nyan, di nga kabilang ang letrang “q” sa alpabetong pilipino.”

Koreeeeek!

Ok, sabihin na natin na yan ang uso at isang epekto na dala ng makabagong paggamit ng technology. Pero sana nga lang piliin natin at sumunod sa uso kung saan tama at nakakabuti rin. Sa chat, tamad ako mag reply sa mga nagmi-message sa akin pero mas lalo akong tamad sumagot pag nakikita ko na nagta type na text lingo ang gamit. Hindi talaga kaaya-aya basahin at never ko matatanggap na “cool” ang ganitong messaging sa chat o email.

 

P.S.

Miney dear, abswelto ka sa entry ko na to dahil sa simpleng rason na – labs kita at tanggap kita. Lols.

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
Related Posts with Thumbnails
  • Share/Bookmark

9 Responses to May Wastong Lugar Ang Mga Bagay-bagay…

Avatar

defpotecNo Gravatar

May 29th, 2008 at 9:58 am

mamambabato ng bato sa langit, sabay bibigyan ng shield ang tatamaan para di magalit.. ano kaya yun!!??

defpotec’s last blog post..ew…ew…ew….

Reply

Avatar

MaruNo Gravatar

May 29th, 2008 at 10:01 am

nanggatong amp! bahala ka sa buhay mo!

mine, pis tayo. hehehe

Reply

Avatar

mineNo Gravatar

May 29th, 2008 at 12:50 pm

di na kukuha ng abogado, abswelto na daw ako eh :P

Reply

Avatar

defpotecNo Gravatar

May 29th, 2008 at 4:29 pm

plastiks

defpotec’s last blog post..ew…ew…ew….

Reply

Avatar

TaroogsNo Gravatar

May 29th, 2008 at 6:24 pm

eksakli! dapat i-abswelto si mine kasi siya’y mabait… mapagbigay (ng cookies)… at nagmamay-ari ng isang gabuhat-araw sa kaasteegan na bisikleta! :-)

Taroogs’s last blog post..Five degrees of happy :-)

Reply

Avatar

coolwaterworksNo Gravatar

May 29th, 2008 at 7:20 pm

Hahaha!

I agree, may tamang oras at wastong lugar ang lahat ng bagay.

Reply

Avatar

jojitahNo Gravatar

May 29th, 2008 at 7:35 pm

wer n u? d2 nq. lol!

oi goddess wag mokong akusahang hindi pumunta dito ha! sabunutan kita sa baba! hahahaha..

Reply

Avatar

KotsengkubaNo Gravatar

June 3rd, 2008 at 1:25 pm

i agree, sa cellphone pwede talaga silang pagbigyan dahil patipiran nga sa pagtetext pero kapag sa computer na na malapad pa sa mukha mo ang keyboard, there’s no more reason para magtipid. ilang bytes ba ang nacoconsume ng pag-gamit ng vowels, kahit nga naka-GRPS connection ka e hindi parin appropriate na magtipid sa letra.

[insert text here na binura ko nalang dahil hindi ko naman to blog at opinyon ko naman to at hindi sa'yo]. pero ganun talaga tingin ko sa mga ganun magtype, no exemptions. hahaha

at [insert adjective here] rin ako dahil hindi ako gumagamit ng capital letters sa simula ng pangungusap.

Kotsengkuba’s last blog post..Bring your own grocery bags, or else…

Reply

Avatar

bryanNo Gravatar

November 12th, 2008 at 11:44 am

it can be successful

bryans last blog post..SMS Jokes 11.12.08 (Wednesday)

Reply

Comment Form

Wine Clubs

Search

Recent Comments

  • Ben Griffiths: i was home schooled and it is quite satisfactory when providing basic education,.~
  • a.r.d.y.e.y.: naimagine ko yung dialogue nyo ng bagets mo, natawa ko. hahaha.
  • zaizai: iba talaga pag sikat hot mama maru..andaming fans, mga taong di mo kilala pero kilalang...
  • ph1l1p: txt jk ko po… Cp# trivia: mga ngccmla sa.. 0916: kuripot, swit, bolera/ro 0926:...
  • Fortune: d q pansin plastic surgery u. ang napansin q ay ung words blog u. cguro talagang gnyn...
  • Fortune: para d u mahirapan sa pgahahanda ng herbal kelangan instant. herbal health and beauty...
  • Fortune: kelan kaya aq magkabahay at asAWA. 09072640076 greenfortune@ymail.com
  • Fortune: massage therapist aq at curios ako ventosa sinusugatan b yun. 09072640076...
  • MARU: On the contrary…pagod na ako. Lol.
  • argie: naka2relate aq..haha,.anyway’s, just keep loving.dont get tired..

Archives


Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home/maruismc/public_html/wp-content/plugins/tumblr-recent-photo-widget/widget_tumblr_recent_photos.php on line 95

My Tumblr


My Tweets


Join Me On Facebook

Recommended Sites

Maytag parts

Blog Stats

site statistics

Add to Technorati Favorites

Pinoy-Blogs.com

Family Blogs - BlogCatalog Blog Directory

Saan Galing Power Ko?

MARUISM is powered by

360_hostingphil_banner

Subscribe to M A R U I S M by Email

Sell text links on your site

Text links