Buhay-buhay

  • Balik 5:30 eyem na naman ang gising ko para sa mga estudyante ko. At malamang mga 4 piyem ko pa maririnig ulit ang boses ko dahil yun ang oras ng uwi nila. Ibig sabihin, mga 10 oras akong pipi dito sa bahay. Walang kausap.
  • Hanggang ngayon tuwing namamalengke ako o naggo-grocery, nagugulat pa rin ako kakarampot na items na inaabot na lang ng budget ko. Pakonti ng pakonti dahil sa sobrang mahal. Paksyet!

  • Kahit ta-tatlo na lang kami sa bahay, MASAYA ako dahil sa maraming rason. Tingin ko masaya din mga junakis ko kasi mas organisado, matiwasay, maayos ang simpleng pamumuhay namin mag-nanay ngayon. Pag maayos na pamamahay ay maayos din na pag iisip. 
  • Nalungkot ako ng 3 araw last week. Ang tagal bago natanggap ng kalooban ko ang pagka-terminate sa akin ng isang advertiser. Pero siempre ako fah! Kelangan palaban sa buhay at siempre  malakas paniniwala ko na pag may nagsaradong pinto ng oportunidad… siguradong may magbubukas naman na bintana. Hay Lord…maraming salamat sa ‘yo dahil kanina lang, after 48 years ay nag reply na rin ng positibo sa akin ang nililigawan kong bagong advetiser. Praise the Lord talaga.
  • Kahit papano may natutunan akong leksyon sa pagka-terminate ng account ko sa isang advertiser. Sa susunod nangangako akong mas lalo kong pag-iigihan ang mga task sa akin.
  • Dalaga na ang bunso ko. Nakakatuwang tingnan kasi napaka-homebody.  Unti-unting naging responsable sa mga gawaing-bahay.  Sobrang bait pa. At napakadaling utusan. Marunong na mag-saing at magluto ng mga basic na kelangan matutunan sa cooking gaya ng pag gisa-gisa ng mga sahog, pag prito and etc. At siempre, turo yan ng nanay. Marunong din maglaba at mag-plantsa kaya pwede ko na syang ipasok as domestic helper someday. Jokeee!
  • Eh yung panganay kong lalaki? Josko! Wala! Pag-prito ng itlog at magluto ng pancit canton lang ang alam. Lalaking-lalaki sa pagiging burara.  Kadalasan naka-kuyakoy lang sa harap ng tv, at maglaro ng pc games. Kelangan utusan ng utusan para magligpit ng mga gamit nya. Naiintindihan ko eh kasi nga lalaki. Kunswelo ko sa kanya: walang masamang bisyo kundi ang maglaro ng soccer at frisbees, matalino at concern masyado sa schooling nya at magalang.

 

LinkShare  Referral  Prg

Please leave a comment

  1. defpotec Says:

    siguradong ma babadbreast ka na naman nyan.. kaya dapat masigasig kang mag brush ng iyong tits..

    defpotec’s last blog post..http://www.gagol.com

    [Reply]

  2. Maru Says:

    at bakit naman ako maba-badbreath, aber!!! pwera na lang kung paaandarin mo na naman ang pagka-badbreath mo. kontrabida mo kasi!

    [Reply]

  3. popoy Says:

    congrats sa anak mo mami.

    yung lalaki ganyan talaga makalat. hahaha

    sana matuto din sya magluto hehhee.

    paburger ka may baog kang advertiser eh.. hehehe

    popoy’s last blog post..Pasukan na naman!!!

    [Reply]

  4. R.J. Says:

    natatawa ko sa description mo sa anak mong lalaki, itlog at pancit canton lang ang alam. ahahaha! buti nga marunong pa mag-canton.

    [Reply]

  5. Maru Says:

    amp! baog ang advertiser ko? hahaha! ah bago pala! sige pa-burjer ako sau.

    [Reply]

  6. Maru Says:

    canton lang ang lulutuin nyan pero sobrang kalat sa kusina.

    [Reply]

Leave a Comment

Related Posts from the Past: