Kelangan Ko Neto

Noong alaws pa akong mga junakis at isang dakilang alila lang sa pagta-trabaho sa opisina, eto ang mga tools na gustong-gusto ko na magkaroon. Wish ko noon ang makatanggap as pa-bertdey o kaya ibigay sa akin ni Santa Claus pag pasko ang mga pang- kikay gaya ng make-up,  at mga tools ng pang make-up. Noon yun.

 

shubrushsets1.jpg

Pero noong tumigil ako sa employment at nag desisyon na pagsilbihan na lang at gawing amo ang dalawang bagets ko, nagbago rin ang mga nasa wishlist ko. Kasama ng mga set ng makikintab na kaldero, matatalas na iba’t ibang kutsilyo, magagarang set ng pinggan at kung anik-anik pa… wish ko na isama din to sa mga “sana meron ako”. Gusto ko yung branded sana at matitibay na klase.

kitchen-utensils.JPG

Siempre, habang nagbabago ang panahon ay nagbabago din ang pangangailangan ko. Eto talaga ay matagal ko ng wini-wish. Matagal ko na gusto bumili kaso palagi ko rin nakakalimutan eh kasi hindi naman kasi sya priority ko. Madalas din magbago ng isip ko na wag na lang muna bumili kasi sa totoo lang - namamahalan talaga ako. Barat! lol!  

Bilang nag iisang adult sa pamilya ko, kelangan ko neto. Sa tinagal-tagal ko rin bilang single mom, kahit papano marunong na rin naman ako gumamit ng mga tools na ‘to. Kelangan eh!

 

Ilang beses na rin akong bumili ng paisa-isa ng tools kaso ilang beses na rin palpak ang nabibili ko. Pag hindi nawawala, eh madaling masira. Bobo ko talaga pagdating sa pagpili ng mga ‘to. Andun yung kinakalawang agad at minsan nakukuryentehan pa ako sa mga gamit kong hinayupak na tools. Meron din yung nabubungi agad. Ibig sabihin mahinang klase yun pero malay ko ba kung ano ang matibay sa hindi. Basta dun ako pumipili sa kung ano ang cute ang tsura at kung alin ang mura. Bwahaha! 

Kung meron lang sana akong ganitong complete set of tools, palagay ko maituturing ko na rin tong mga alahas ko. Ayan o, may kasamang martilyo pa at mukhang matibay. Eh kasi naman yung martilyo ko ngayon pag ipinam-popokpok ko tumitilapon din yung ulo at hawakan na lang ang natitira.

 

 

Hayan at kumpleto pa sya ng mga screwdrivers. Haysss…

Mas magara sana ang tool box na ‘to kung ang kulay nya ay yung peborit ko - red

 

 

LinkShare  Referral  Prg

Please leave a comment

  1. raymond Says:

    isa kang astig na ina! idol!

    raymond’s last blog post..China quake nearly kills 9,000 people

    [Reply]

  2. defpotec Says:

    basta screw mahilig ka

    defpotec’s last blog post..this is spartaaaaaaaaaaaaa……

    [Reply]

  3. jojitah Says:

    like ko yung gamit pang-kolorete ng mukha pero mas bagay yata sa fez ko yung mga nasa toolbox. hahahahahaha!

    [Reply]

  4. mine Says:

    sarap nga magkaroon ng ganyan.. lalo na yung tipong mga nakikita sa home tvshopping..naadik din ako dati dun eh :D

    [Reply]

  5. Maru Says:

    salamat, taga-lupa! :D

    [Reply]

  6. Maru Says:

    screw youu!!!!

    [Reply]

  7. Maru Says:

    moret ka talaga!

    [Reply]

  8. Maru Says:

    adik, pagyumaman ako, bilhan kita ng mga ganyan kasama na rin yung tv network na nagpapalabas ng mga yan.

    [Reply]

  9. Banana Says:

    wahehe. kala ko ako lang ang babaeng mahilig sa toolbox! wish ko lang magkaroon din ako ng mamahalin kase yung akin eh mumurahing tag 50dhs isang set sa souq haha! para may magamit lang ako sa bahay tuwing kelangan. :D
    matutupad din wish mo mamiru! :lol:
    Banana’s last blog post..Easy Come Easy Go

    [Reply]

Leave a Comment

Related Posts from the Past: