May Mga Paraan Kung Gugustuhin

Kapapanood ko pa lang kanina sa TV Patrol ang tungkol sa kahindik-hindik na ginawa ng isang ina sa kanyang dalawang anak edad 6 at 2. Pinagsasaksak lang naman ng nanay ang mga bagets nya dahil ayun sa balita, nasisiraan ng bait yung nanay dahil sa problema sa kawalan ng pera.

Kinikilabutan ako habang nanonood. Naknampating! Naghahapunan pa man din ako. Sa panahon ngayon, hindi imposible ang mawalan ka ng katinuan dahil sa sobrang hirap ng buhay. Kaya pag hindi talaga matibay-tibay ang pananampalataya mo dun sa itaas…taong-grasa ang kababagsakan mo.

Ako man ay nalulukring din sa mahal ng mga bilihin ngayon kaya para maka-survive, importante ang marunong ka talaga DUMISKARTE.

Share ko sa inyo ang pandadaya na ginagawa ko sa budget para lang medyo marami naman ang mapuntahan ng datung ko. Sa isang meal namin, maniwala ba kayong 35-50 pesos lang ang budget ko sa ulam? Howel, hindi kami nakaka-angat sa buhay kaya madalas paisa-isang ulam lang kami. Nagiging praktikal lang po, ang importante ay may quality ang nag iisang ulam at hindi kami pumapalya sa pagkain. Kunsabagay, 3 lang naman din kami at alam ko ang capacity ng bituka ng mga anak ko. May pagkakataon pa nga na sumusobra pa ang ulam namin. Lols.

May mga extenders ako sa mga niluluto ko. Extenders ko? Gulay! O di ba, sadyang makulay ang buhay pag may gulay. Halimbawa sa ginataang manok, nilalagyan ko sya ng kalabasa, o kaya hilaw na papaya o kaya sayote para dumami at maging appetizing din.

Bespren ko ang blender ko.Hindi mahilig sa prutas ang anak kong lalaki kaya kelangan diskartehan para maambunan sya ng sustansya ng mga prutas sa paraan ng paggawa ng smoothie o fruit shakes.Medyo mura sa amin ang mga prutas kaya pag may saging, avocado, pinya o kaya mangga, madalas gumagawa ako ng smoothie. I usually blend two kinds of prutas. Banana-pineapple, Banana-avocado, and etc. Imbes na evaporated milk, Bear Brand powdered milk ang inihahalo ko para mas malasa. Ganado sila kumain pag meron neto.

Pag namamalengke ako ng ulam namin, bago ko ipasok sa freezer ang mga pinamili kong ulam…inaayos ko na ang portioning ng sa ganun ay walang sumusobra at nasasayang.

Sa pagbili ng manok madalas puro wings ang binibili ko. Peborit ko eh. Hehehe! Sa isang kilong mga pakpak na P118.00, I divide it by 4 kaya = P29.50. Ayan pasok sya sa per meal budget ko. Mga 9-10 pcs. lang ang isang kilo ng mga pekpek pakpak, depende sa laki. Pag puro prito lang ang gagawin ko, malamang dalawang meals lang ang aabutin kaya ganito ang ginagawa ko sa mga pakpak para maging apat na magkaibang luto ang abutin:

Eto sila pag pinaghiwa-hiwalay:

image019.jpg

Peborit ko ngatngatin ang part na to.

image035.jpg

Puro laman naman ang hiwa na ‘to, ideal na pang-tocino.

Parang mini-drumstick sya.

image037.jpg

Sa tatlong magkaibang hiwa….’yan ang posibleng putahe na pwede kong lutuin sa mga parts na yan.

image039.jpg

Pag pinagsama-sama mo…madami naman sila. Sarap neto na pang pulutan kahit i-prito lang with breading mix.

Sarap neto sa adobo o kaya afritada.

image008.jpg

Dun sa hiwa na puro laman, madalas mina-marinade ko ng tocino mix, konting soy sauce at kalamansi juice. Perpek sa almusal ‘to with sinangag at itlog. Peborit ng doter ko.

Hindi madali ang maging homemaker lalo na pag ikaw din ang breadwinner. Pero eto talaga ang gusto ko, ang maging –homemaker. Hindi lang alam ng iba, napaka-challenging ng trabaho na ‘to lalo na pag kapos o wala kang iba-budget na salapi. Wahaha!

Yung nanay na nabaliw sa balita ng TV Patrol, nakikisimpatiya ako at naaawa. Kung tutuusin may katuwang pa yun sa buhay – may mister sya. Pero kahit pa man, hindi pa rin nakayanan ng isip nung maybahay ang kahirapan sa buhay. Huwag naman sana mangyari yun sa akin (ayoko na bumalik sa mental noh! 😆 ) kahit nag-iisa ako. Survival to the fittest kumbaga. Mahirap ang buhay ngayon pero may mga paraan kung gugustuhin. Ako, as much as possible – sini-simplehan ko na lang ang pamumuhay. Wag na masyadong maging maarte!

12 thoughts on “May Mga Paraan Kung Gugustuhin

  1. parang dpat ata may martha stewart show ka na din mamaru.. style pinoy at hagod pinoy nmn sau, daig mo c lucy torres ‘day!

  2. sana isang mamaru ang maging ilaw ng tahanan ko,, napanood ko din ang balitang yan parang nakaktakot magasawa hehehe pero hangat may pek pek buhay ang pamilya hehehe pak pak pala,,, galing mo mamamru

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.