Bugbugan Na Naman

Men, balitang-showbiz muna tayo.

Hanubayan! Hindi pa nga ako nakakapasok (as if may balak) ng Embassy Bar sa DaFort eh pansamantalang ipinasara na kanina. Eh kasi naman, may boksing na naman na nangyari involving the DJ ng bar tsaka ng isang customer na isang balikbayan. Nabuset na yata ang kapulisan ng Taguig kaya padlock na muna.

Lagi na lang may bugbugan dito sa lugar na ‘to kung saan peborit puntahan ng mga shushal, mga elitista, mga mga-pashushal, mga feelingero, at ng mga baklang makakapal ang foundation sa mukha. Balita ko nga, pag ang pagmumukha mo ay hindi mestisahin o kaya yung tipong pinaputi lang ng Chin Chun Tsu (maputi na nangingintab) pero nanggi-gitata naman sa itim ang leeg dahil sa libag-libag, o kaya pag ikaw ay naka-Spartanflip flops lang pero ang paa mo naman ay parang galing nag araro ng bukid – dehins ka papasukin.

Ganun? Titingnan muna na hindi mukang luya ang mga paa mo? (sabay yuko at tingin sa paa). Pag nagkataon pala na ganun ang kapaahan mo malamang itsapwera ka.

Balita ko pa, tsinetsek din daw ang pitaka. Pag ang datung mo sa wallet ay 500 petot lang or less, no entry ka daw. Nakngpekpek! Hindi nga yata ako pwede papasukin dun kasi purita lang ako. Hmp! Mag-comedy bar na lang ako kung ganun. Mas masaya pa dun at apordabol pa. Di baleng lumabas litid ko sa leeg at tonsil sa katatawa – garantisadong enjoy naman. Umuwi man na may kabag sa katatawa, at least dun ay walang gulo.

12 thoughts on “Bugbugan Na Naman

  1. mami, ganun ba daw dun? naku po sabi pa naman ng kaibigan kong uuwi dito galing ng singapore eh pupunta daw kami dun, for sure ndi pala ko makakapasok dun kasi 100 lang dadalhin kong pero. fucktards talaga yan si tim yap. hahaha.

    tama yan ipasara muna. mayayabang kasi mga tao dun 🙂

    popoys last blog post..oo na hindi na ko magaling…

    • marami pa naman ibang lugar na di hamak mas maganda kesa diyan. sikat lang yan kasi nasasangkot lagi sa kontrobersya.

      “…fucktards talaga yan si tim yap.” — bryan g., statue?

  2. hmm.. bakit hinayaan ng management ng Embassy na ganun ang mangyari sa kanilang business. di na masyadong maganda ang nagiging reputasyon nila. kahit dito sa gitnang silangan, nagkakaroon sila ng dispute with the competitors sa maraming dahilan tsk tsk..

    sosyalitas at sosyalitos mga tao sa loob. kelan kaya ako makapasok jan. paginde na mukhang ginger ang paa ko?! imposible ambisosya! hehe..

    Bananas last blog post..Massage

    • libreng promotion na rin yun para sa bar nila. mas magulo, mas ma-skandalo, mas mabuti kasi mas dinadayo ng mga tao.

      minsan iniisip ko siguro sinasadya na rin ng lugar na yan ang may gulo.

  3. nagpunta na misis ko dyan at grabe daw ang mga laplapan dun sa tabi tabi..walang pakialamanan..usually mga foreigners na may kalaplapang pinay ang nasa sulok tapos andami mga mestisahin talaga..wala naman sya nabanggit na chinecheck ang pitaka pero may dress code sila syempre..

    gusto ko rin sana makapunta run kaya lang pakiramdama ko magsasayang lang ako ng pera. pero kung may manlilibre, sama ako dyan.

    gastis last blog post..hinahamon kita Manny

    • hintayin mo na lang si manny pacquiao pag uwi, pre. tiyak ililibre ka nun dun. tsaka yung dress code yata dun eh kelangan naka-pink ka. gaya nung suot ni pacman nung nag embassy sya. lols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.