Bulok
Sa edad kong ‘to, kahit papano kilalang-kilala ko na ang sarili ko. Alam ko na ang kahinaan ko at kung saan ang kalakasan ko. Alam ko na rin ang mga gusto ko sa buhay, kung anong mga bagay-bagay ang mahalaga at magpapasaya sa akin.
Bukod sa pamilya, importante sa akin ang mga kaibigan ko. Pero kabaliktaran ang lahat nung nag aaral pa ako kung saan sandamakmak ang mga friends ko. Noon, ang mundo ko ay halos umiikot sa mga kaibigan at barkada lang. Pwede kong iwanan ang boyfriend ng dahil lang sa barkada. Andun pa na mas pinipili kong makasama ang mga barkada kesa mga kapatid at magulang ko noon. Mas loyal pa nga ako sa barkada kesa boypren.
Kumusta naman daw akong kaibigan NOON? Magbubuhat na ako ng bench ha?
Bukod sa cute akong kaibigan (lols!), alam kong gusto akong kasama ng mga barkada ko dahil marunong ako makisama at hindi mahirap pakisamahan. Masaya daw akong kasama. Hindi maarte. Hndi killjoy. Pakainin mo man ako sa karenderya ay ok lang, at kung sa mamahaling restorant naman eh MAS lang din sa akin. Lols. Hindi ako mapili. Madali akong kalabitin at ayain basta lakwatsa. Laging on da go. Game na game kumbaga.
Maaasahan ako kung kailangan lang din ng kasama o kausap. Ako ang takbuhan para gawing tenga, o taga pakinig ng mga problema. Lagi kasi akong may oras para makinig.
Hindi ko ugali ang maging pabigat sa kaibigan. Ayoko ang nasisira ako sa mga kaibigan noon. Kaya wala din akong naaalala may nakakaaway ako o nang-away sa akin.
Sa gimikan, hindi mo ko mariringgan na mag aayang umuwi kahit inaantok na. Dumidiskarte na lang ako na sisibat saglit at lalabas para umidlip sa kotse pero hindi ako mag-yayaya umuwi lalo na pag nagkakasarapan pa ang barkada sa gimik. Kahit nag-iisang babae ako sa grupo, hindi ako primadonna. Hindi ko nakasanayan ang iniistorbo ang mga boys para ihatid lang ako. Minsan umuuwi akong mag isa.
Kabaliktaran ang lahat sa NGAYON. Kung noon ay marami akong kaibigan at ka-close, ngayon ay hindi na yata aabot sa limang daliri ko sa kamay ang maituturing kong ka-close. Hindi napipigilan ang panahon…magbabago at magbabago talaga. Isa-isang nawala ang mga barkada ko. Kunsabagay, ako na lang din yata ang walang asawa.
Kumusta naman ako bilang kaibigan - NGAYON? Howel, wala akong ka-kwenta-kwentang kaibigan ngayon. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung walang nagiging loyal o close talaga sa akin. Malungkot kung sa malungkot. Iba pa rin yung may karamay ka sa mga problema mo… ng mga hinaing mo…yung may natatakbuhan ka sa lahat ng oras na kailangan mo ng tulong. O kaya kahit tagapakinig na lang para makagaan man lang ng dibdib dahil hindi naman lahat ng panahon ay kayang tawanan o idaan sa tawa ang problema.
Wala naman ako dapat sisihin, marami din akong pagkukulang bilang kaibigan. Marami akong mga pangako na hindi natupad na ikinasira ko sa mga kaibigan. Kaya nga BULOK akong kaibigan. Sarili ko na rin ang sinisisi ko pero may kasabihan nga na may katumbas na rason at dahilan ang lahat ng bagay-bagay.
May mga rason ako kung bakit hindi ko natutupad ang mga pangako ko, kung bakit wala akong kwenta. Hindi na lang ako nag aaksaya na sabihin ang mga dahilan o mag explain dahil unang una, hindi ko na iniisip na importante sa kanila ang anumang rason meron ako. Basta ang iniisip ko na lang ay unahin kung ano ang mas importante. Hindi ako nakokonsensya dahil sinisigurado ko rin na hindi pansarili ko lang ang mga dahilan.
Ganun pa man, eh tuloy pa rin ang buhay para sa akin. Hindi ako nag aalala na walang kaibigan na makikipaglamay sa akin pag natigok ako dahil magpapa-CREMATE ako noh! Siempre, shushal ako eh! Bleh!








June 28th, 2008 at 4:28 am
maru sissy, alam ko ang feeling mo ngayon. kase ganyan din ako ngayon. wala akong kakwenta-kwentang fren.
lahat na ata ng suporta binibigay nila sa akin ganun din naman ako sa kanila sa tuwing kelangan eh ganun naman di ba. frends are frends and they are just “there” around when needed.
pero kung sabihin mo na magpapalipas ako ng oras sa labas with frends o sa bahay ng may bahay, o sa gimikan ngayon? aysus no thank you. dahil alam kong mas may importante akong paglilipasan ng oras kesa sa wala. hmm at di rin ako natatakot na paunti ng paunti ang “true” friends kase alam ko ang kakayahan ko. hmmm, ang “totoo” atang kebigan eh walang iwanan. kaya mawala man sila, ibig sabihin eh babush na at wala akong pake. lol
ok lang yan maru sissy, anjan ata mga precious jonakis mo!
Bananas last blog post..Massage
[Reply]
MARU
reply on June 29th, 2008 8:31 am:
anniepie, di mo ba napapansin…mukang tayong dalawa na lang ang natitira? tagal na rin natin a. hindi kaya tayo ang magkatuluyan?
[Reply]
June 28th, 2008 at 7:17 am
langga…. emoteful ka na naman. sabi pa naman ng lolo ko sa akin noong buhay pa sya na ang taong kokonti ang friends e madami ang lovers…. hehehe ayuff sa insights yung lolo ko eh.
maligo ka na hane muah!
selvos last blog post..Pakikiramay…
[Reply]
MARU
reply on June 29th, 2008 8:28 am:
ay langga, buti na lang kamo marami akong lovers. pag maaming lovers, maraming sex partners. kaya ayus lang kahit kokonti ang friends. wahaha!
[Reply]
June 28th, 2008 at 4:38 pm
okay lang kahit bilang lang sa daliri mo ang mga ka-close mo ngayon kesa naman sa ang dami-dami mong kaibigan tapos di mo naman ma-maintain ang relationship mo sa kanilang lahat..
[Reply]
MARU
reply on June 29th, 2008 8:23 am:
mas nagiging malalalim ang kahulugan ng pakakaibigan pag konti lang. nagiging mas makalidad.
[Reply]
June 28th, 2008 at 6:39 pm
i-echo ko rin sinabi ni lingling… although masarap ang maraming friends, kaya lang kulang talaga ang oras sa mundo…
antukens last blog post..tayo na sa antipolo
[Reply]
MARU
reply on June 29th, 2008 8:22 am:
chonapie, korek! kulang ang oras at ambilis na ng mga araw kaya hindi na dapat inaaksaya rin ang panahon sa mga walang wenta (ako yun).
dun na lang tayo sa mga friends na makabuluhan.
[Reply]
June 29th, 2008 at 3:33 pm
pwede ba maging friend mo? hmmmm…..
[Reply]
MARU
reply on June 29th, 2008 3:49 pm:
sa tamang halaga, pwede! lols!
[Reply]
pedro
reply on June 29th, 2008 3:53 pm:
Hahahaha, parang yung sms joke mo, pagtama ko sa lotto, friends na tyo hahahaha, add mo na lang ako sa YM mo kung pwede? thanks…
[Reply]