Bagong Beybi
Since wala pa rin akong kahit mumurahing digicam para mapagbigyan ko ang pagkahilig ko sa pagkokodak, dito na lang muna ako sa bagong beybi ko ngayon ang - digital scrapbooking. Pag walang kausap online, pag walang paid tasks o tapos na ang house chores ko, dito ako nagbibisi-bisihan ngayon Matagal ko na ‘to gustong gawin wala lang ako masyadong time noon.
Para akong nawawalan ng stress sa buhay habang nagbubutinting ng kung anik-anik sa mga scrapbooking websites. Nare-remind din ako ng elementary days ko kung saan nauubos ang baon ko noon sa kabibili ng mga colored papers, crayons at mga kung anong gamit para kaartehan lalo na para sa mga paper dolls ko. Nakow, adik ako sa paper dolls noong nene pa ako. Impernes, magaling ako gumunting ng mga damit para sa mga manikang papel. Kumpleto at siempre terno-terno mula sapatos, panty, bra ang suot ng mga paper dolls ko. 18 years old na ako ng magkaroon ng tunay na manika.
Sarap! Nailalabas ko ang pagiging artistahin ko. Lol! Eh kasi nga ang arte-arte ko. Nakakatuwa tingnan kahit simple lang ang mga layout, nag uumpisa pa lang kasi ako. Nakaka-excite magbutingting at maglaro ng apoy mga kulay at ng mga abubot.
Balak ko na rin i-scan ang mga baby pics ng mga bagets ko, gawan ng scrapbook at ibenta i-save sa internet. Marami naman mga freebies na makukuha sa mga digital scrapbook websites. Kelangan tiyagaan lang.
Sa ngayon, siempre fez ko muna ang ibabalandra sa mga project ko.
Tags: digital scrapbooking







June 29th, 2008 at 10:44 pm
galeng nmn. saka ganda at sobrang nkakatats ng hart yung unang quote
June 30th, 2008 at 1:51 pm
ang ganda ms. maru.. =)
marians last blog post..ang sakit mo sa ulo shet!!!!
June 30th, 2008 at 3:40 pm
@ mine and marian: daghan salamat, mga inday!