Fight Lang Ng Fight

Author: MARU  //  Category: Inner-self, Inner-thoughts, Life & Leisure, Relationship

Quarrel, squabble, disagreement, fight, argue, dispute, debate — ok lang ‘to sa kahit anong relasyon basta ba naaayos agad.  Mag-syota man kayo, mag-asawa, mag-kaklase, magka-upisina, mag-kaibigan, magka-barkada, hindi talaga maiiwasan ang paminsan-minsan na magkakalabuan. Eh kasi nga magka-clash talaga ang mga personalidad dahil hindi pare-pareho ang mga tao lalo na pag iba ang mga kinalakhan. 

Sa isa pang punto, maganda rin ang pag-aaway sa loob ng anumang relasyon, eto yung tinatawag na GOOD FIGHT.  Sa good fight, andun yung pagkakataon na mas lalo mo nakikilala ang pagkatao ng kasama mo, mas naiintindihan mo kung saan galing ang mga nararamdaman nya. Sa mga argumento nagiging mas maliwanag ang mga bagay-bagay na malalabo. Kumbaga sa pagluluto ng putahe…ang away ay nakakapagbigay din spice sa relasyon para sumarap. Boring naman ng relationship kung sobrang smooth ng takbo. 

Sarap nga pag mag jowa kayo… tas nag away… tas nagbati. Ayayay… siguradong may labing-labing na kasunod yun.

Pero dapat may mga ground rules daw na dapat sundin dun sa sinasabi nilang “decent quarrels” (kelangan yata naka-kurbata ka habang nakikipag-away para masabing desente):

1.       FIGHT EARLY AND OFTEN. - Huwag na hintayin na sumambulat na parang Mt. Pinatubo ang mga hindi pagkakaintindihan. Huwag na mag-ipon ng lahar sa galit at baka mauwi pa sa landslide ang away. Sa madaling salita, settle your arguments early. Kung mas maaga naaayos mas mabuti.

May kasabihan na huwag palipasin ang gabi o matutulog na hindi naaayos ang away. Sa totoo lang hindi epektib ‘to sa akin. Kasi ako, kung may sama ako ng loob o inis sa ibang tao kung pwede ayoko muna ang kinakausap ako. Mas gusto ko na magpalipas muna ng kahit isang araw. Dahil pag pinilit ako kausapin agad, ay sus kilala ko na ang sarili ko - baka makapagsalita lang ako ng hindi maganda at alam ko na pagsisisihan ko rin sa huli.

Tsaka hindi ako magaling makipag-away lalo na pag galit na galit na. I tremble. Pag nanginig ako, wala na - hindi na ako makakapag-salita at dramatic actress slash crying lady na ako.

Nakakapagod lang sa pakikipag-away  ay yung inuungkat pa ang mga nakalipas na pinag awayan at sarado ang isip ng kausap mo. Sana nga the past is past na.

2.       TAKE TURNS IN TALKING.- Howel, kung kinakailangan na mag jak en poy kayo kung sino muna ang magsasalita at kung sino ang tatahimik muna ay gawin nyo na. Pag dating sa arguments, may puntos talaga pag may sense of humor kayong magjowa o kaya kahit isa man lang sa inyo. It will at least add some lightness to your arguments. 

May kilala akong kaibigan na lalaki, pucha! mas madakdak pa dun sa babae pag may diskusyon. Buti na lang yung babae marunong tumahimik. Sa isang banda mabuti na rin yun, may nagbibigay.

Tsaka alam nyo ba na mas mabuting pinag uusapan daw ang pinag aawayan ng nakahiga? Oppsss! wag na madumi ang isip. Eh kasi nga daw…hindi madaling uminit ang ulo ng tao pag nakahiga. Napansin nyo bang kelangan pa tumayo ng tao kung umiinit na ang diskusyon? Subukan nyong magalit ng nakahiga - ang hirap!

3.       NO INSULT. NO INJURY. No name calling please. Attack the problem not your partner. You aren’t politicians in the senate. Eh sa senado o congress kasi, bangayan lang ng bangayan ang mga hinayupak na mga politicians natin.

Nakow! Mahirap ang “no name calling please”. Tayong mga pinoy pa naman ay mas malutong pa sa chicharon pag nakikipag murahan. Kung hindi maiwasan ang “murahan” sa away, sana wag naman yung mga tipong pang below-d-belt na murahan.

Pero bakit kaya ang mga poreners lalo na yung mga merkano…pag nagmumurahan sila ng “sanababits”, “pakyow”, “maderpaker”, “as-hol”, at kung anu-ano pang “@#$%!”… pag sila ang nag cu-curse parang ang kyut-kyut pakinggan. O baka sa akin lang may ganun ang dating. :lol:

4.       BE SPECIFIC. - Ay! Mahilig ang mga babae dito. Mabaliw-baliw na minsan ang mga lalaki sa katatanong kung ano ang problema pero si babae naman hindi matumbok-tumbok ang pinagngingitngit ng singit.

Huy mga inday, to defeat a problem you have to seize it! Tumbukin na ang mga dapat tumbukin at wag na magpaligoy-ligoy. Harapin ang problema clearly and fearlessly. Kung gusto mo mangutang sa boypren mo, aba! sabihin mo na at wag na magpahula!! Kung may pinagseselosan ka eh komprontahin mo na ng mahinahon para maayos na agad pwera na lang gusto mo lang talaga ang mag inarte. 

6.       ASK FOR FORGIVENESS. - Dapat lang talaga kung sino ang may sala ay marunong  magpakumbaba alang alang sa kapayapaan o world peace. Ok din yung paminsan-minsan ay akuin ang parte ng kasalanan coz for sure it will bring your relationship miles ahead.

Doon sa SMS na natanggap ko minsan, ang sabi….

A good apology has 3 parts:
1) I’m sorry.
2) It was my fault.
3) How do I make it right?
But apparently A lot of people usually miss the 3rd part…  

Totoo. Sana nga lang, sa bawat away ay laging may natutunan tayo.

 

 

7 Responses to “Fight Lang Ng Fight”

  1. defpotecNo Gravatar Says:

    im sorry… i know it was your fault

    defpotecs last blog post..i loveyou…goodbye….

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on July 4th, 2008 12:36 pm:

    Bwahahahaha!…… bayag mo!

    [Reply]

    selvoNo Gravatar reply on July 4th, 2008 1:38 pm:

    walang pakialaman ng bayag… kawawa naman ang laman nun…

    selvos last blog post..Pakikiramay…

    [Reply]

  2. Jon CabronNo Gravatar Says:

    bwahaha! natawa naman ako sa mga comments dito.. ahhhm medyo nadiri din ng konti pero ok lang.

    Jon Cabrons last blog post..johnny bravo

    [Reply]

  3. linglingbellsNo Gravatar Says:

    tama! tama!

    linglingbellss last blog post..Donut

    [Reply]

  4. mineNo Gravatar Says:

    hmmnn. mukang ok nga ata ang away ng nkahiga :D masubukan nga kung mag iinit ang ulo at ulo na din nya :D

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on July 7th, 2008 3:32 pm:

    ibang ulo yaaaannnnn!

    [Reply]

Leave a Reply