Iwas Kutis-Betlog

Bisi-bisihan ako sa pagdeliver ng mga polvoron ko dun sa Cagayan De Oro Airport kahapon.

Uy, pipol of da pilipins! Baka makapag-biyahe kayo papuntang Cagayan do Oro at baka maghanap kayo ng maipa-pasalubong nyo pauwi…abelabol po ang polvoron ko sa isang pasalubong stall dun. Hehe! Shameless plugging ang hitad!

O, baka magkaroon kayo ng business trip o kaya gusto nyo maki-fiesta sa CDO on August 28, abah eh tikman nyo naman ako este yung polvoron ko. Madali lang hanapin ang LaFemme Polvoron kasi dadalawa lang naman ang tindahan dun sa mismong pre-departure area ng airport.

Tangkilikin nyo ang kumikitang-pangkabuhayan ni Mamaru ng may maipang-tustos naman ako sa mga lalaki ko. Joke!

Nung pauwi na ako ng Iligan City, as usual naka-tsikahan ko ang driver ng taxi na sinakyan ko. Si Manong hindi mapigilan maglitanya, kesyo hirap na hirap na daw silang mga driver kasi nga naman sobrang mahal na ng gasolina.

Kesyo pinahinto na lang daw nya ang yung isang bagets nya sa pag-aaral kasi sya lang daw ang naghahanapbuhay. Hindi na daw kaya ng powers at kita nya. Eh kasi Yung misis naman daw nya eh nasa bahay lang at nagpapalaki lang ng pekpek. Wahaha! Uy oo, as in ganun talaga pagkasabi nya. Naaliw tuloy ako sa wentuhan namin ni Manong.

Ramdam ko ang paghihirap ni Manong kaya pakiramdam ko nadadagdagan ang ringkols ko sa fez habang nakikinig. Pati ako parang nangunsumisyon na rin. Kaya pagdating ko sa bahay at bago natulog eto ang ginawa ko:

Wahaha! Ensigidaaaaa! Nag facial mask agad ang lola nyo para kahit papano maagapan ang pangungunsumi ng mukha ko sa hirap ng buhay at mahal ng mga bilihin ngayon.

Kaya kayong mga nanay na gaya ko, since mahal na ang pumunta ngayon sa mga facial center – mag-stock na lang kayo ng mga facial mask para in case of emergency, salpak nyo na lang yan. Kelangan madiskarte na rin tayo sa pagsugpo, sa pagkontra laban sa kutis-betlog ng mga fez natin. Mura lang naman mga yan sa Watson.

Para mas tipid din, minsan sa umaga pag nagluluto ako ng itlog pang almusal, yung mga tira-tirang eggwhites sa eggshells (sinasalpak pinampapahid) ko na rin sa mukha ko. Tapos siempre nilalagyan ko rin ng mantika at asin ang fez ko. Jokeeee!

Kaya bawal ako kausapin ng mga bagets ko habang nagluluto ng itlog dahil magkakabitak-bitak ang eggwhites sa fez ko pag nagsalita ako. O di ba, isang paraan din to para makatipid ako ng pang-facial mask ko.

Hay buhay!

P.S.

Puting itlog po ng manok ang tinutukoy ko dito at hindi yung puti na lumalabas sa itlog ng lalaki.

Related Posts with Thumbnails

8 comments

  1. selvoNo Gravatar says:

    hmmm makapaghanap nga ng polvoron ni mamaru sa cdo erfort. medyo may kabigatan kasi ang magdala ng pinya lagi at umiiwas na rin akong maging diabetic ang mga friends kong pinagbibigyan ko ng pastels na imported from the paradise island oof camiguin at madalang din ang pinagmamalaking matamis na lanzones nila.

    Ayan magandang development yang may outlet na ang mamaru’s bolvoron sa cdo erfort.

    dahil napag usapan naman ang facial mask made out of egg whites (tagaloog puti itlog ba ni mamaru?) susubukan ko yang payo mo sa pinakakulubot na bahagi ng katawan ko kung may epekto…. ang aking siko. :P

    selvos last blog post..The mute shall speak… and the deaf shall listen

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    hindi ko talaga magustuhan ang pastel ng camiguin. bukod sa sobrang tamis…yung bread nya mismo eh parang laging luma.

    tungkol naman sa puting itlog….mabisa nga raw din yung *toooot! preo di ko pa nata-try. at wala rin akong balak na i-try. lols!

    [Reply]

Leave a Reply

CommentLuv badge