Si Lucio Tan: Ninong Ko?

Kilala mo pa ba ang mga ninong at ninang nyo sa binyag? Close ba kayo? Kung OO, mabuti pa kayo. Inggit ako! Pero dapat mas inggit kayo sa iku-kwento ko ngayon.

Ako kasi, lumaki akong (lumaki nga ba?) walang nakilalang ninong o ninang. Kaya naman nung kabataan ko tuwing Pasko ay olats o betlog ako sa aginaldo mula sa ninong/ninang. Pero narinig ko minsan nung nabubuhay pa si Mader ko, yung nag-iisang sikat na doktor daw sa Samar ang ninong ko. Abah! Madatung kung ganun! Kaso kever! walang silbi rin kasi hindi naman kami magkakilala.

Kakainis, bakit kaya hindi tayo pwedeng pumili ng mga ninong at ninang noong bininyagan tayo?

Pwes! Hindi pa naman siguro huli ang lahat dahil yan ang gagawin ko sa ngayon. Hindi po ako magpapabinyag ulit pero pumili na ako ulit ng ninong ko. At siempre, pipili na rin lang ako abah eh yung bonggang-bongga na! Sa lagay ba eh…. kukuha ba ako ng pipitsugin at kung sinetch-sinetch lang na ninong? Abah!

Si LUCIO TAN naaaaaa! 

Taray! Say nyo?

Bakit nga ba si LT ang napili ko? Howel, eh kasi CLOSE kami. Pero secret lang. Sa sobrang secret nga - ako lang ang nakakaalam na close kami.

Eh kasi naman kung noon ay puro nega ang impression ko sa kanya dahil sa mga balita na kesyo tax-evader sya, kesyo crony sya ni Makoy at kung ano pang chuva chu-chu, lahat yan ay nabura mula noong nilibre nya ako sumakay ng Philippine Airlines nya! Ayun! Nakuha ako sa libre kaya biglang CLOSE na kami! Bongga di ba?

Sows! Wala ng plastikan pa, kung kayo ba naman ang ilibre ng ganun tapos bigyan pa ng privileges na feeling ko ay VIP ako kasi bukod sa binigyan ako ng priority tag nung pag check-in ko ay pina-tsibog pa ako dun sa Mabuhay Lounge ng PAL. Eh ako pa! Madali lang talaga ako suhulan. Bakit ba!

Hindi lang yan. Noong Christmas Day 2007, hindi namin (ako, kevin and keziah) makakalimutan na mag-iina ang pasko na yun kasi nilibre nya kami ulit ng buffet dinner sa 5-star hotel sa Manila na pag-aari nya. So, san ka Fa! Purita lang ako kaya masaya ako pag nalilibre. (Asus! Mababaw na ako kung mababaw. Wag na mangelam dahil di ko naman kayo inaano diyan.)

Basta ako meron neto. Kayo ba meron neto?

‘Neng, di yan binebenta. Mga CLOSE lang kay Ninong na gaya ko ang binibigyan nyan. Sabi ko nga, wala yan sa mga bookstores kaya malamang hindi mo pa nabubuklat yan.

Pero seryoso, mula nabasa ko ang dalawang libro na yan, naiba ang pagkakakilala ko kay Ninong at hindi dahil sa nilibre nya ako ng sakay noon ha! (Echoos!)

Yung green na book…ambigat ng librong yan pero pinagtiyagaan kong bitbitin as hand-carry sa eroplano dahil sulit naman. 

May 3 parts ang TAIPAN book:

1st Part: Up Close and Very Personal

2nd Part: It’s Not Just About Money

3rd Part:Educating Lucio, Educating Others

May dalawang testi kay Ninong na medyo napaluha ako. (Ganun kababaw ang  luha ko.Napaluha sa testi.) Sobrang na-touch ako dun sa wento nila na hindi ko aakalain na ganun pala ang isang Lucio Tan. Diyos na halos ang tingin sa kanya ng iba pero mare-realize mo na sya pala ay napaka-simpleng tao lang gaya ko.

Hindi lang testimonials ng mga  bigatin na tao na may mataas na posisyon sa mga kumpanya nya ang nilalaman ng TAIPAN. May testi din diyan yung janitor ng Allied Bank, yung alalay nya, sekretarya at iba pa.

Medyo nabalahura ang TAIPAN dito dahil sa tsura ko. Pasensya na po Ninong at kagigising ko lang.

Sa mga pictures, bukod sa pogi ay matikas ang tayo ni Ninong nung kabataan nya. Hindi rin kataka-taka na maganda ang naging wife nya. Isa syang maituturing na hunk noong panahon nya at kung nag workout pa siguro sya noon…siguradong pamatay din ang katawan nya.

Opppss! Hindi naman sikreto na may ibang pamilya din ang Ninong ko pero pictures ng pinakaunang asawa lang pala ang nasa book. 

Eto pa, comfort food ko ang chocolate chip cookies at mapalad ako dahil natikman ko ang cookies na exclusively baked in San Francisco para kay Ninong.

Hindi ko maitapon-tapon ang mga canisters na ire. Souvenir ko siempre at nasa kwarto ko naka-display ang mga lata na itetch. 

Inuulit ko, close kami ni Ninong. Inpak, alam ko ang cellphone number nya pero hindi ko sya ma-text dahil bukod sa Globe sya at Smart ako…hindi rin sya marunong gumamit ng SMS ng selpon nya. Bwahaha! Tsaka, naka-unlimited text lang ako lagi…di pwede sa calls. Hmmmn … feelingera na naman ako.

Nways, close man kami ni Ninong…ang totoo nyan ay hindi pa kami nagkikita in person. Hindi pa kasi ako handa. Nakaka-nerbyos at baka ma-starstruck ako at biglang akong himatayin. Kaka-dyahi!

Lastly, sana maligaw si Ninong sa blog ko at mabasa ang sigaw ng isip kong ‘to : 

Malapit na birthday mo, Ninong. Advance Happy Birthday! At dahil CLOSE tayo, sa July 17… babatiin kita ulit. Pramis!

 

LinkShare  Referral  Prg

Tags: , ,

Please leave a comment

  1. Jon Cabron Says:

    kinakapatid kita?

    by:
    Jonisio Cabron Tan

    Jon Cabrons last blog post..ayoko na

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on July 11th, 2008 8:00 am:

    ang bantot! JONISIO!

    [Reply]

  2. defpotec Says:

    eto malamang ang pinakamalakas na paid post mo.. rumaket ka siguro dito ng tone toneladang salapi…

    aminin!!!…

    yaan mo, i regards kita kay daddy.

    defpotecs last blog post..pinaka panalong chatmate

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on July 11th, 2008 8:04 am:

    pinaghirapan ko ang entry na ‘to pero since nilibre naman ako ni ninong sa PAL…libre ko rin sya dito sa blog ko. pero kung ipagpipilitan nya na bayaran ako…kahit pasakayin na lang nya ako ng tsaper nya ng 5 minits lang ay ok na ako dun. lols.

    [Reply]

  3. wei Says:

    konting titig na lang, konting smile,..magkamuka na kayo ni angkong tan!! (lolo)

    weis last blog post..renovation…

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on July 11th, 2008 8:05 am:

    napatingin tuloy ako sa pic ni ninong na obyus na ang mga ringkols. ibig sabihin nun obyus na rin ang ringkols ko. magkakamukha na kamo kami. waaaaaa!

    [Reply]

  4. gasti Says:

    parang gusto ko rin tikman yung cookie..sayang mukhang ubos na. naks bigtime sa ninong…hingi ka ng pamasko sa kanyang isang eroplano :D
    gastis last blog post..macho man

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on July 12th, 2008 8:25 am:

    gusto mo dalawahin ko na para sau ang isa?

    [Reply]

  5. antuken Says:

    wow. penge rin nyan. hehehe. fan si hubby ng mga big shot entreps eh. ;)

    hindi ka mukhang intsik dun sa isang may comment ka na sana mukha kang chekwa. hehe.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on July 12th, 2008 8:25 am:

    hmp! alam ko mas mukha akong longkatots sa tsura ko. :(

    [Reply]

  6. selvo Says:

    july 17 hala! magkabirthday sila ng bagets ko hehehe. Wedding anniversary din yan ng nanay at tatay ko…

    kung bibinyagan ka ulit langga at si LT ang ninong mo… wag kang mag-atubiling magtanong sa akin. ako mismo ang BIBINYAG sayo :)
    selvos last blog post..The mute shall speak… and the deaf shall listen

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on July 15th, 2008 7:52 am:

    sori langga, takot ako magpatuli. :(

    [Reply]

Leave a Comment

Related Posts from the Past: