Kodak, Kodigo, Kape, Kuya
Author: MARU // Category: Family, Home & Living, Inner-self, Inner-thoughts- Nami-miss ko na ang komodak at sumali ulit sa Litratong-Pinoy. Naka-apat na Huwebes lang yata ako noon at hindi na ako nakapag-post pa ulit ng litrato. Ang hirap kasi wala akong sariling camera at nanghihiram lang ako noon sa kapitbahay. Kakainis, dahil tuwing nag-uumpisa ako mag-ipon ng datung para makabili ng kahit de-uling na camera - tsaka naman biglang may susulpot na gastusin o babayaran. Hay buhay… uber talaga sa pahirapan bago makamtan ang paisa-isang bagay na nagugustuhan.
- Tuwing maggo-grocery ako…gumagawa muna ako ng kodigo para sa mga bibilhin. Andun yung excited ako kasi kasama siempre nakalista ang mga pang personal kong kailangan. Kaso naman pagdating ko sa grocery store o sa palengke, kadalasan kanselado ang mga bibilhin ko para sa sarili. Ipinapagpaliban ko na lang muna para lang magkasya ang budget ko. Bakit kaya ganun, andun yung nahawakan ko na yung item na gustong gusto ko pero biglang ibabalik sa istante dahil biglang may maaalala na kelangan pala ni Kevin ang ganito, ganun…nagpapabili nga pala si Keziah ng ganito ganun…kelangan pala sa bahay ng ganito ganun,… etsetera etsetera. Hays, at ako na rin ang sumagot sa katanungan ko — nanay nga pala ako.
- Sabi ko sa sarili ko… one of this days, pag medyo naka-alwan sa gastusin - magpapa body scrub ako at magpapamasahe ako - yung magbabayad ako ng tao para kuskusin ang pwet ko at mga kasingit-singitan ko. Hehe! Trit ko sarili ko kasi deserve ko naman ang i-pamper ko sarili ko paminsan-minsan. Howel, as usual…kahit sa sarili ko hindi ko natutupad ang mga pangako ko at mukhang malabo na nga na mangyari pa kaya kanina, namataan ko yung binigay sa akin nung last Xmas na kapeng-barako galing Cavite.
Ano pa nga ba ang ginawa ko kundi ang nagkulong sa banyo na may dalang mixtures of coarsely ground coffee, brown sugar and olive oil. Hindi ako nagkape sa loob ng banyo. Nagtaboy ako ng stress sa pamamagitan ng pagkuskos. Nabasa ko kasi na bukod sa nakakatulong sa pagbawas ng formation ng cellulite at varicose ang coffee scrub. Magaling din na exfoliant.
Ayun, mahigit isang oras lang naman ako sa banyo at dun ko na ginawa ang coffee body scrub - homemade spa treatment. hehehe! Siempre tiyaga-tiyaga lang sa pagkuskos ng mixture sa buong katawan pero i swear, as in maniwala kayo sa akin - super kinis o smooth ng skin nyo pagkatapos. Pag hinagod mo balat mo….parang bagong kiniskis ng papel de liha o bagong varnish ang katawan mo! Langit ang pakiramdam paglabas ng banyo. Ang gaan! Sa sobrang kinis sa pakiramdam, parang gusto ko tuloy maglakad-lakad ng naka-borles hanggang kanto. Joooke!
- Nalulungkot ako sa balitang na-stroke ang kuya ko na nasa Surigao. Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako ng update kung ano na talaga ang tunay na kalagayan niya. Kung may maitutulong lang sana ako. Tsk! Pero bahala na si Batman. Hindi naman din sa pang-aano, kuya ko kasi…sunog-baga din kasi yun. Hindi na rin ako nagugulat, sa totoo lang. Yang paninigarilyo talaga at pag iinom, mapa-lalaki o babae man…darating at darating din talaga ang araw na maniningil sa katawan ang bisyo na yan.
- Pero kahit ano man ang mangyari….tuloy lang ang buhay. Matira na ang matibay. Lahat naman tayo eh nakikiraan lang. (emo ang lola)
Tags: coffe body scrub, my moods, single-parenthood, wellness

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 




July 22nd, 2008 at 6:46 am
ako din sarili kong gawa ang pang body scrub ko… I used Brown sugar, milk and olive oil….tama ka Mamaru, pagkatapos ng scrubbing super soft ng skin mo. Talaga atang ganyan ang mga nanay lagi na lang huli sa listahan. I can relate Mamaru! As long as you’re happy! Ok lang yan!
I hope your Kuya is okey!
JETTYs last blog post..AJ NEVER FAILS TO AMAZE ME
[Reply]
MARU
reply on July 22nd, 2008 9:55 am:
yung brown sugar at olive oil lang dati ang ginagamit ko. Kaso nakatiwangwang lang yung kapeng barako ko dito sa bahay kaya pinakinabangan ko na rin. Tsaka ang bango ng amoy ng kape habang ini-scrub ko. Hehe!
Ay nanay ka rin nga pala ano, ikaw rin ba ang tiga-kain ng mga tira-tirang pagkain? Napupunta rin ba sau yung mga kaning-lamig? haha! Hindi talaga madali maging nanay pero siempre dahil mahal mo mga bagets mo kaya ok lang. Martir lagi ang drama!
[Reply]
July 23rd, 2008 at 12:38 pm
hello mami. naku matagal tagal din pala akong ndi nakatungtong dito.
ayun, para paraan lang talaga. buti kahit papaano eh napampers mo ang sarili mo kahit sa simpleng homemade na coffee scrub na yan. mainam nga siguro yan na pangscrub.
ang tatay ko ay napulmonya na nanaman. katulad ng kuya mo malakas din kasi datiu yun manigarilyo kaya ayan sinsisingil na sila ng katawan nila. buti ndi ko namana ang pagiging smoker nya. mabait kasi akong bata
pahirap na nga ng pahirap ang buhay. ako din budget ako ng budget sa pamasahe. kung dati nagFFX ako ngayon jip na lang, ndi na rin ako nasakay ng tricycle kapag pauwi. mahal na din kasi, 1.50 ang itinaas, sa FX naman 5.00. malaki din ang matitipid ko kung magsasacrifice ako. ayun. sna wag ng humirap pa ang napakahirap na buhay.
popoys last blog post..kamusta?!
[Reply]
MARU
reply on July 24th, 2008 1:35 pm:
as of this writing…kajo-join lang ng kuya ko sa heaven. sinundo na ni Lord.
dati ng mahirap ang buhay… basta, matira na lang ang matibay sa ngayon.
[Reply]
July 23rd, 2008 at 7:33 pm
Nakakatuwa naman itong blog mo! Add kita to my links! I’m just a new member of WPP. Nice day!
[Reply]
MARU
reply on July 24th, 2008 1:37 pm:
hello pepper. thank u for linking me up. welcome to WPP nga pala. dito na lang kita iwe-welkam…di na ako nakakapasyal sa forum eh. hehe!
[Reply]
July 23rd, 2008 at 10:27 pm
para mas sosi lagyan mo ng isang sachet ng coffeemate. hehehe =D makes sense to me.
R.J.s last blog post..fixing a bed
[Reply]
MARU
reply on July 24th, 2008 1:38 pm:
loko!. lols!
[Reply]
July 24th, 2008 at 12:15 am
whattaa…. olive oil pinangkukuskos lang sa balat. ang yaman naman.
pinoy websurfers last blog post..Earn some money with Matched.co.uk
[Reply]
MARU
reply on July 24th, 2008 1:40 pm:
yeah, sensya na at mayaman kami. lols. sa susunod try ko siguro yung mantika ng baboy…baka epektib din at para tipid.
[Reply]