I Will Live The Day I Die

Kalilibing lang sa kuya ko kahapon ng umaga. Namatay sya last week kaya di ako nakapag tsika sa blog ko netong mga nakaraang araw. Nalagasan ako ng isang kapatid pero hindi ako naiyak gaya ng todong-iyak ko noong nawala ang mga parents ko at ang magkakambal kong ate.

Pero porke’t hindi ako umiyak sa pagkawala ng kuya ko nung huwebes, hindi naman ibig sabihin na hindi ako nagdamdam. Alam ko pangit pakinggan ang termino na “SANAY” na ako ng namamatayan pero aktwali parang ganun na nga yata siguro. Aaminin ko na hindi kami close ng kuya kong namayapa, pero siempre nalungkot din ako at siguradong mami-miss at hahanap-hanapin ko rin sya sa darating na mga araw. 

Hindi eto ang unang experience ko na nabawasan ng mahal sa buhay at hindi ko na masyadong matandaan at ma-describe ang mga naramdaman kong sakit sa dibdib noong isa-isa kaming iniwan ng mga magulang namin at kapatid.

Iba ang dating sa akin ng pagkawala ng kuya ko ngayon kasi hindi na masyadong bumigat ang loob ko. Hindi ako masyadong nagdadalamhati ngayon kasi kung titingnan sa positibong pananaw, totoong he’s in a better place now kumpara noong nabubuhay pa sya dun sa Surigao City. Kumbaga, parang gumaan pa nga ang loob ko dahil totoong natahimik na sya. 

Hindi naman puro kabawasan ang pangyayari sa amin tuwing may umaalis eh kasi may iniiwan naman lagi silang LIFE LESSON sa amin. Ako mismo parang natututo na rin ako sa leksyon ng buhay at yun nga – na walang puwang ang mayayabang sa mundo o hindi ka pwede magyabang kung ano ka at anong meron ka dahil sa simpleng rason na pare-pareho lang tayong mga mortal. Hindi permanente. Mas lalo ko pang naintindihan ngayon kung ano talaga ang tunay na meaning ng DEATH.

Death is provided. Parte na sya ng buhay natin. Death always stays with us and actually speaking that’s the only companion who would accompany us all through our lives. Napapailing  na lang ako minsan pag may nakakausap ako na ayaw o umiiwas sa topic na death. Ayaw sa topic ng tungkol sa patay o kamatayan as if naman pagdating sa kamatayan eh may exempted ang isa sa atin. Helllerrr!

Kunsabagay naiintindihan ko rin na some fear death because of the physical pain attached to it and there are some who think they do not want to die because its not time yet for them to go. 

Apat na lang kaming magkakapatid na nandito sa Pinas at yung panglima at panganay namin ay nasa Canada na naninirahan. Siguro mawewerduhan sa aming apat ang makakarinig pag nag uusap na kami ng tungkol sa kamatayan namin. Eh kasi sa ngayon we just make fun of it, laugh about it as in talagang nagkakasayahan talaga kami pag yun ang topic namin. In short, hindi na kami masyadong takot sa death kasi we truly realized na una-unahan lang talaga.

Kahit healthy ka, at bata pa, pag oras mo na talaga eh bye-bye cruel world talaga ang magiging arte mo. Hindi lahat ay namamatay ng dahil sa sakit o katandaan. Yung iba nga nasa kasarapan pa habang nakikipag-chukchakan tapos biglang binabawian ni Lord ng buhay ng walang pasabi. Bummer di ba? Whew!

Walo kaming magkakapatid kaya isipin mo na lang pag lahat kami ay nagka-reunion sa kabilang buhay, syet! am sure riot ang dating kasi ang gugulo namin magkakapatid. Hehehe! Buti pa nga yung mga mahal namin sa buhay na nauna sa kabilang buhay eh abswelto na sila sa hirap at dusa dito sa lupa. 

Totoo naman, sa araw araw na lang na nagigising tayo ngayon, sa umaga pa lang eh nakikipag giyera na tayo sa buhay. Minsan nakakainggit yung mga wala na dito sa lupa kasi wala na silang iniintindi. Hindi na sila maiirita sa lintek na sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina at sa pagmahal ng mga bilihin. Lol.

Nways, mabalik tayo sa leksyon ng buhay sa akin tuwing may namamaalam sa amin. Death teaches me now to value more the people who matter to me, my kids, my other brothers and sisters, my nieces and nephews, mga apo ko sa mga pamangkin ko at mga iilan na close friends ko ngayon. One would never know if it is the last day of his or her life so, why not take everyday as the last day of our lives and live it up!

Ewan ko ba, pero mas lalo akong na-inspire to live a simpler life. Ayoko na ng maraming kumplikasyon at maraming chu-chu. Ayoko na maghangad pa ng mga bonggang materyal na bagay kasi para bang nagpapadagdag lang yun ng takot sa tao sa kamatayan. Natatakot kasi yung iba na maiiwanan nila ang mga materyal na bagay dito sa lupa. Kaya Ok na sa akin kahit magkaroon na lang ako ng iPhone 3G cellphone ngayon. Lols!

Psssst! Kayong mga kapwa ko taga-lupa, ano pananaw nyo sa salitang kamatayan?

Related Posts with Thumbnails

17 comments

  1. defpotecNo Gravatar says:

    condolence…

    pero… anong ginagawa ng iphone na binigay ko sayo?? ang sayang naman..

    defpotecs last blog post..this week…

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    palitan mo na ng 3G yung binigay mong iPhone sa akin.

    Balak ko paramihin ang totpik koleksyons ko kaya wag ka sana magsawang bigyan pa ako ng mga totpik.

    Tsaka moo, di pa pala ako pwede mamatay dahil kelangan makapanood muna ako sa home theater mo. Hihintayin ko yun matapos para makita ko ang kabaduyan ng blue skies ceiling mo. Gusto ko matawa ng husto bago ako matigok. Bwahaha!

    [Reply]

  2. lexNo Gravatar says:

    condolence maru.

    take care and God bless.

    lexs last blog post..faithful

    [Reply]

  3. misyelNo Gravatar says:

    Condolence po Ms Maru…

    misyels last blog post..Nakapaglinis din…

    [Reply]

  4. JETTYNo Gravatar says:

    My Condolences to you and your Family! May he rest in Peace!

    JETTYs last blog post..OH MY BROTHER! WHERE ARE YOU?

    [Reply]

  5. mineNo Gravatar says:

    hmmn.. sana man lang bago ako ma teggy eh matikman ko yung gus2 ko matikman :D

    [Reply]

  6. antukenNo Gravatar says:

    i’m sorry for your loss sexy mama. pero gaya nga ng sabi mo, he’s in a better place now. close kami magkakapatid kaya palagay ko, when it’s THE time for one of us, eh baka timba timba ang iiyak ko. tapos ako daw pala mauna ano. hehe. pero, masamang damo ako kaya baka matagal pa.
    i’m not scared of it kaya lang gusto ko sana ma-experience muna magka-baby at maging mommy at maging magaling na asawa. hahaha. kelan ka ulet maliligaw sa luzon? miss na kita e. hehe.

    [Reply]

  7. MayetNo Gravatar says:

    hi!sorry for your loss.

    Mayets last blog post..Wednesday To Do List

    [Reply]

  8. miaNo Gravatar says:

    condolence ate maru, :( mahirapan mamatayan pero minsan kailangan talaga nating tangapin. kasama na siya ni God :) masaya na sila sa buhay nila sa kabila

    [Reply]

  9. CecilleNo Gravatar says:

    I am so sorry for your loss. You and your family are in my prayers.

    [Reply]

  10. Jon CabronNo Gravatar says:

    condolence’

    Jon Cabrons last blog post..kinis guapo!

    [Reply]

  11. R.J.No Gravatar says:

    ako rin, kapag merong namamatay parang ipinapaalala sa atin na tayo ay mortal lang at hindi nabibili ng pera ang buhay. kapag oras mo, oras mo. tayo ay parang singaw lang na sa isang iglap ay pupwedeng mawala sa masalimuot na daigdig na to. amen.

    R.J.s last blog post..parang kailan lang…

    [Reply]

  12. Ceb2AkNo Gravatar says:

    condolence nmo dha maru!!

    [Reply]

  13. kikoNo Gravatar says:

    Condolence Ms. Maru.

    [Reply]

  14. badoodlesNo Gravatar says:

    di ko na kailangang magsabi. nagkakaintindihan na tayo. alam mo na un mareko.

    badoodless last blog post..Letter To My Future Son

    [Reply]

  15. MARUNo Gravatar says:

    sa lahat…maraming salamat sa pakikiramay.

    [Reply]

  16. Mr.Yuz0No Gravatar says:

    nakikiramay din ako sayo maru……

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge