Nenok

First year pa lang sa college ang panganay kong si Kevin. Akala ko noon ay mahihirapan sya sa adjustment sa buhay-kolehiyo nya. Eh kasi di ba ibang-iba naman talaga ang buhay ng isang high school sa college.

Mali ako, nakahinga na ako ng maluwag kasi nakita kong ganadong-ganado siya sa pag aaral.At mukang hindi lang ganado…mukang enjoy na enjoy pa ang mokong! Even my daughter Keziah na first year high school na rin at kalilipat lang sa bagong school ay nakapag- adjust na rin agad.

Buti na lang talaga at walang mga attitude problems ang mga anak ko. Siempre ako fah! Dehins ko ina-allow kahit noon pa man na magkaroon sila ng tantrums. Tama na yung ako ang bugnutin at may topak sa pamilya namin.

Yan lang din ang pinagpapasalamat ko sa dalawang alaga ko kasi kahit na mayaman kami hindi kami mayaman at kahit simula’t sapul ay wala silang nakalakihan na may tatay, eh hindi nila ako masyadong binibigyan ng problema. Lalo na pagdating sa studies nila eh kahit papano mga matitino naman. Mga obedient at matiyaga sa school. Ako pa nga ‘tong minsan ang gusto na nagpapa-absent sa kanila sa klase para makapagpahinga naman ang pitaka ko sa kabibigay ng baon nila kaso ayaw talaga umabsent ng mga kumag. Hehehe!

Accountancy kinuhang kurso ni Kevin kasi balak nga maging CPA-Lawyer ng junanak ko balang araw. O di ba, mga ilang taon na lang ay pwede na akong pumatay ng tao kasi malilibre na ako sa Attorney’s Fee pag naging abugado si Kevin ko. Weeeee! May magtatanggol na sa akin!

Last week, habang aligaga ako sa burol ng kuya ko, sumali pala ‘tong junanak ko sa Mr. and Ms. Accountancy ek-ek sa school nila, sya bale ang representative ng first year level. Nalaman ko mula sa pamangkin ko ang pagsali nya.

Ang totoo ay natatawa ako sa mga ganito. Parang gusto ko nga kantyawan ang anak ko. Asarin ng husto na sus, sasali-sali pa sa mga ganyan eh ang payat-payat naman nya! Howel, ayun at hindi nga sya nanalo kasi mas malalakas daw ang palakpakan ng mga audience na nasa higher level. (Palusot!)

Hindi man nanalo ang bagets ko pero kita ko naman sa kanya na super-enjoy sya at keri lang naman nya even if he didnt make it. Parang wala ngang nangyari at naglaro lang eh. As a mom, I didn’t feel bad din, para sa akin makakabuti nga yun sa kanya – ang madisappoint paminsan-minsan para matuto sya kung paano i-handle ang mga frustrations ng buhay. The fact that LIFE is not ideal, dapat lang na maging flexible sya noh!

Balita ko ay may nakuha syang mga gift certificates mula sa isang SPA clinic dito bilang isa sa mga pakunswelo. Balak ko nga sana awitan at hingin kasi parang type ko magpa-SPA din, kaso nada-dyahi ako magtanong. Hahaha! Kukutongan pa eh.

Sa isang banda, ok na rin ang sumali sya sa mga ganung activities sa school nila basta ba nag i-enjoy sya sa ginagawa nya.Hindi naman lahat ng bagets ay nabibigyan ng ganung pagkakataon para sumali.Huwag lang sana karirin ang mga ganyang ek-ek. Kever ko ba kung natalo sya, what’s important is that – he had fun!

Eto ang ilan sa mga nanenok kong pics mula sa flash drive na hiniram sa akin ni Kevin. Hindi ako nanood kasi bukod sa hindi nya ako inimbita, may burol nga din kami tsaka wa ko rin trip ang maging stage mother noh! Baka nerbyosin lang ako habang nanonood sa anak ko sa stage. Wahaha!

Imperness, pinaka-pretty sa mga girls ang naging partner ng bagets ko. Cute din naman. Chinita.

Bwahahaha! Pucha! Hanep sa pictorial! Hindi ako nakapaniwala na ang lakas ng loob sumali-sali ng bagets ko sa mga ganitong ek-ek. Kunsabagay, lagi naman ako sinosorpresa nyan kahit noong elementary pa sya.

Kuha din to sa mga naging pictorial nila. Josko, napansin ko ang laki pala ng paa ng anak ko. Buti hindi nagmana sa size ng paa ko.

Balak ko pag nasa 20’s na si Kevin, ipa-workout ko ang katawan nya para pag gumanda na eh… pwede ko na sya ibugaw sa bading! Yey! Pag nagkataon yayaman na ako! Lols! Susmaryosep! Joke lang po!

9 thoughts on “Nenok

  1. ang waffuuu… pwede na maging model. at eto pa ha, walang inhibitions to pose for the camera. hehehe. may future ka mama! ipag-gym mo na yan ngayon, naco, baka maloka ka sa mga tatawag na mga gerlash sa bahay mo at hinahanap si kevin… hehe…

    antukens last blog post..kasuya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.