Wala na akong pakialam sa blog hits ko mula noong nag monetize ako ng Maruism.com. Paminsan-minsan ko na lang sinisilip ang blog stats sa dashboard ko. Since nawawalan na ako ng oras makapag bloghopping dahil sa mga paid tasks ko, hindi na rin ako umaasa na dadayuhin rin ako ng mga bloggers na pinapasyalan ko dati ang site.
Pero kahit papano ay hindi pa naman nabe-betlogs ang hits ng blog ko pwera na lang noong nag Maintenance Mode ako. Kahit papano nasa average 300 hits a day pa rin naman ako. Kaya nagpapasalamat ako dun sa mga loyal visitors ko na rain or shine, even if its raining cats and dogs, tamaraws and carabaos, kahit may transport strike, kahit brownout at kahit walang internet sa kanila ay dumadayo at sumisilip pa rin dito sa kuta ko. Mabohey kayo!
Maraming salamat po sa inyo, alam nyo na siguro kung sino kayo. (charot! aktwali di ko mabanggit ang mga name nyo kasi di ko alam kung sinu-sino kayo.)
Sabi ko nga, hindi na ako conscious sa hits ng blog ko. Dedma na. Kaso nung Sunday, July 27, 2008 - muntik na ako mag-tumbling sa sobrang gulat ko sa tsura ng blog stats ko. Sa bagong version kasi ng Wordpress, nakikita na agad ang stats sa dashboard. Halos idikit ko ang mga nangangalumata kong mga mata sa monitor dahil hindi ako makapaniwala kung bakit tumulis ang spike ng stat ko eh sunday na sunday pa naman!

Ampotah! Ano ba ang nangyari, tanong ko! Anong meron?! Saan galing ang mga foreigner pipol na nagdagsaan sa blog ko?! Sa average na 300 hits lang daily biglang tumaas sa 3,500 sa loob ng isang araw? Yung iba nagreklamo sa akin at halos wala na daw silang maparkingan sa labas ng blog ko sa sobrang trapik! (Echoos lang!) Naisip ko tuloy na baka nabalitaan nilang namatayan ako at gusto lang nilang makiramay! Lols!

Enways, Hindi ko na lang sasabihin kung ano ang pinagkaguluhan nila sa blog ko noong Sunday para….para masaya!
Tags: blog hits, blog stats, friendternet, wordpress

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 




August 2nd, 2008 at 5:21 pm
ahhhm nakita kita sa digg, baka yun’
Jon Cabrons last blog post..pasalubong
[Reply]
August 2nd, 2008 at 7:02 pm
huwaw! parang MT. Everest!
[Reply]
August 3rd, 2008 at 2:38 pm
naks! ang taas! tumirik mata ko dun ah! ang tarik!
weis last blog post..hold…ing-up
[Reply]
August 3rd, 2008 at 2:39 pm
i wonder, siguro yung binebenta mong ref, microwaveove yung pinagkaguluhan nila ano?
weis last blog post..hold…ing-up
[Reply]
MARU
reply on August 6th, 2008 6:46 am:
palagay ko yung binebenta kong viagra ang ipinunta nila dito.
[Reply]
August 4th, 2008 at 10:30 am
iba naiisip ko.. siguro naawa mga readers no.. kaya ginanahan ng kaka click mga readers mo para magkaroon ng mala-torreng spike ang counter mo..yun ay para i printout mo sya sa papel.. idikit sa cardboard.. at gawing….
tutpik.
defpotecs last blog post..wag sana mangyari sa inyo to sa airport…
[Reply]
MARU
reply on August 6th, 2008 6:45 am:
shatap! wag ka na!
[Reply]
August 6th, 2008 at 3:46 pm
hi maru !
[Reply]
MARU
reply on August 7th, 2008 8:08 am:
hello ronald!
[Reply]