Inabot ako ng 48 years kanina bago natapos ang paglalaba ko. Bakit ‘kanyo? Eh kasi habang naglalaba eh abala din akong nanonood ng porno. As in live show sex! Hindi ko naman sinasadya na mabosohan ‘tong dalawang nilalang sa maka-hayop nilang chukchakan pero ano magagawa ko eh sa harap ko pa mismo ginawa ang habulan, lampungan at torohan nila. Maniwala kayo sa akin, they have no SHY!
Mga exhibitionist ang mga hindut! Hindi ko alam kung pinalalaway nila ako o ano. Akala nila eh ma e-el ako sa kahayupan nila. Pwes hindi sila nagtagumpay! Pero aminin ko nag enjoy ako sa voyeurism ko sa kanila. Medyo na-curious din ako kasi its my pers taym to watch a live show ng nagse-seks! At libre pa! Kapal naman ng fez nila kung pagbabayarin pa ako eh ako na nga ang nagpapalamon sa kanila noh!
Para akong abnoy na ngingisi-ngisi sa sarili habang pinapanood sila dahil kung bisi-bisihan sila sa anuhan nila eh ako naman kumbaga sa DVD ay bisi-bisihan din sa utak ko ng paggawa bale ng subtitle sa bawat eksena ng anuhan nila. Hindi makapag salita ang mga bida sa jerjeran kanina…ngiyawan at ungulon lang ang naririnig ko.
Hays, sobrang inantala ng mga ‘to ang trabaho ko eh may tanggap pa naman kong labada. Napatayo pa ako para kunin ang selpon ko at i-capture ang kahalayan. Eto po ang mga katibayan ng mga kahayupan nila:

Eto ang posing ng dalawa nung nakita ko sila sa labas ng bahay. Sleeping beauty ang pusiket na babae, tiwalang humandusay at parang hindi pansin ang nagbabadyang panganib sa may di-kalayuan. Pansinin nyo naman ang tsura nung pusiket na lalaki, nakalawit ang dila, tulo laway, halatang may pagnanasa at may maitim na balak sa babae.

Maya-maya pa, biglang nagulantang si babae. Nagising ng biglang may umaamoy-amoy sa likod nya. Aktwali naghabulan pa ang mga ‘to pero siempre hindi ko na nakunan ang mga eksenang yun kasi kasalukuyang nagsasabon na ako ng mga nilalabhan ko. Sa habulan nila medyo na thrill pa ako. Pigil-hininga din ako kung talagang maaabutan ni lalaki si babae. Parang gusto ko na nga sumigaw ng,
“takbo! bilis! ayan na ang manyakis! bilisssss! EEEEEEE! “

Ngunit sa kasamaang palad ay naabutan si babaeng pusiket. Biglang kinagat sa batok. (Ganun pala sila. Sa batok na agad kinakagat). Walang magawa si girly cat….malaki ang katawan ni lalaking pusiket eh. Maskulado! Parang laging nagwo-workout.

Malayang naisagawa ni lalaki ang kanyang kabuktutan. (Wahihi!)

Papalag pa sana si babae, umastang tatakbo ngunit pansinin mo naman yung itinuturo ng pulang arrow. Talagang nai-clip ng manyakol si babae. Tsk tsk tsk! Kawawang memeng.

Na-curious ako kung paano talaga mag-seks ang mga pusa kaya kinunan ko ng back view kaso honestly wala akong nakitang lawit ng lalaki o may lumabas. Hindi ko naman malapitan ng todo para malaman ang katotohanan kasi parang nasa kalagitnaan o nasa rurok na sila ng kaligayahan. Baka kako mabulabog eh mabitin pa si lalaki eh bigla akong kalmutin. Nyay!
Palaisipan pa rin sa akin kung paano nabubuntis si babaeng pusiket. Tsaka boring ang seks nila. Iisang posisyon lang ang alam nila. Hinintay ko kung gagawin nila ang kahit missionary position pero SAWI ako.

Nang makaisa sila… eto ang naging tsura ni babaeng pusaket - HINDI MAKATAYO!!! Pramis, gumapang!!!! Ang lupit! Tawa ako ng tawa sa parteng ‘to.

At si lalaking pusaket pagkatapos? Well, walang pinagkaiba sa mga guys! Hindi man lang marunong ng foreplay. Ayun, nang makaisa eh kumukuya-kuyakoy na lang. Pasipol-sipol habang pinagmamasdan si babae na hindi na nakagaulapay sa sobrang hirap at pagod.
Pero huwag ka, alam nyo bang naka-apat na round pa sila? Ako ang naumay sa kanila, leche!
Tags: lafftrip

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 










August 6th, 2008 at 2:01 pm
seryoso.. kelangan mo na madiligan….
defpotecs last blog post..wag sana mangyari sa inyo to sa airport…
[Reply]
MARU
reply on August 7th, 2008 8:02 am:
baka gusto mo ko diligan?
[Reply]
August 6th, 2008 at 2:02 pm
pahabol.. so CAT style ba ang tawag sa posisyon nila? or DOG style parin?
defpotecs last blog post..wag sana mangyari sa inyo to sa airport…
[Reply]
MARU
reply on August 7th, 2008 8:05 am:
ramdam ko na talagang pinag-isipan mo talaga ang katanungan mo na yan. i will SMS u na lang sa sagot. di ka naman siguro nagmamadali.
[Reply]
August 6th, 2008 at 3:01 pm
HINDI MAKATAYO???
isang malaking insulto sakin ‘to! dahil nung ako dati ang gumamit ng pusa, nakatakbo pa ‘yun at patalun talon na lumayo sakin!
BTW’ nice post.. tinablan ako.
Jon Cabrons last blog post..ang putangenang ipis at baygon COCKroach killer
[Reply]
MARU
reply on August 7th, 2008 8:07 am:
alam mo bang ikaw ang naalala ko habang pinapanood sila?
eh kasi kung nandun ka…malamang walang-awa na-football mo sa pwet ang mga pusikets na yan.
[Reply]
August 6th, 2008 at 4:12 pm
LOL ibang klaseng kahayupan ito, talagang captured ang moments!!! buti nd ka nabingi sa ingay wehehehehe
pusas last blog post..visiting new york
[Reply]
MARU
reply on August 7th, 2008 8:10 am:
agnesssss! ang lupit ng mga kalahi mo! hehehe! hindi ako nabingi sa ingay bagkus musika para sa akin ang mga ungol at ngiyawan nila. kakainggit!
[Reply]
August 6th, 2008 at 4:44 pm
wahahahah! adult site ba itong dinaanan ko??
[Reply]
MARU
reply on August 7th, 2008 8:11 am:
pag nagka-kuliti ka dahil sa nakita mo….then tama ka, adult site nga to.
[Reply]
August 6th, 2008 at 5:50 pm
kailangan mo na nga talagang madiligan…sobra na…
[Reply]
MARU
reply on August 7th, 2008 8:12 am:
pryss-ious girl, kampi ka rin kay moo? hmp!
[Reply]
August 6th, 2008 at 6:04 pm
Ang lapit ng mga kuha ah! Buti na lang nga hindi nabulabog. Ilan kaya ang mabubuo nilang Munings sa apat na round na ‘yun? *LOLZ*
The Gasoline Dudes last blog post..News
[Reply]
MARU
reply on August 7th, 2008 8:13 am:
kaya mo rin ba ang 4 rounds na iisang position? lols!
[Reply]
August 6th, 2008 at 6:31 pm
Walanghiya, kinunan pa ng picture and mga pobreng pusa. Baka i sumbong ka ng mga yan kay Mike Enrquez? Di ka nun ta tantanan. hehehe Peace!
Denniss last blog post..Do They Really Need To Brag?
[Reply]
MARU
reply on August 7th, 2008 8:14 am:
nakahanda na ang abugado ko para sagutin at pagtalunan ang animal rights nila.
[Reply]
August 6th, 2008 at 9:05 pm
ahm, normally mahal ko ang mahal ko ang mga pusa, pero sa mga moments na ganito eh naasar ako kasi ke-ingay ingay nila.at nakapanood na ako ng pusang gang rape. mga anim na lalaki, isang babae.riot, grabe.
kats last blog post..Am so Proud!
[Reply]
MARU
reply on August 7th, 2008 8:16 am:
parang gusto ko na maging pusa sa sinabi mong yan. lols.
[Reply]
August 6th, 2008 at 10:54 pm
hmpft! i hate cats! pinapamukha nilang mas may sex life sila kaysa sa’kin. lol!
jojitahs last blog post..blah!
[Reply]
MARU
reply on August 7th, 2008 8:18 am:
yeah, i hate cats too. kasi wa-ko-tayp ang cat-style, mas gusto ko ang dogs kasi mas tayp ko ang style nila.
[Reply]
August 7th, 2008 at 3:00 am
ang saya….sex trip !!! kala ko nung umpisa naligaw ako ng ibang blog.
tawa ako ng tawa dito sa post mo, nawala lahat yung stress at pressure ng trabaho…LOLs.
nice post…
Ah’Kongs last blog post..Happy Birthday, Mom…
[Reply]
MARU
reply on August 7th, 2008 8:19 am:
huh! tinablan ka rin? nabuhay ba mga dugo mo?
[Reply]
Ah'Kong
reply on August 7th, 2008 4:06 pm:
buhay na buhay…LOLs
Ah’Kongs last blog post..Huli ‘kaw…!!!!
[Reply]
August 7th, 2008 at 6:28 am
husay mo talaga …. nahuli mo sila … walang kalusot lusot si kulokoy habang nagnanasa ….huling huli sa B I T A G hehehehehe. peace na tayo frend
[Reply]
MARU
reply on August 7th, 2008 8:19 am:
hmp!
[Reply]
August 7th, 2008 at 12:47 pm
akala ko kung ano na. mg landing pusa pala. ndi ba sila nagingay nung ginagawa nila yan mami. napakahalay. wlang urbanidad hahaha.
oonga dog style yung ginawa nila pero pusa sila. kompyusing. tsk tsk…
popoys last blog post..Memgap
[Reply]
MARU
reply on August 7th, 2008 5:18 pm:
mga loko ang mga pusiket dito sa amin. to think na kapapanganak pa lang nung babaeng pusiket na yan! ayan at nagahasa na naman sya. hays….sobrang lumulubo na talaga ang populasyon nila.
sana matututo din sila mag condom man lang. kawawang pilipinas. (ikaw na lang ang bahala maghanap ng konek ng pinagsasabi ko)
[Reply]
August 7th, 2008 at 2:03 pm
wahahaha muntik na ko malibugan hahahahaha =))
sayang gusto kong makita na gumagapang yung pusiekt na girl hahahha
ang kulit…
[Reply]
MARU
reply on August 7th, 2008 5:22 pm:
normally ang mga guys ang kadalasan gumagapang pag nasosobrahan sa pakikipag talik. pero sa mga pusa…babae pala ang gumapang. aym sorpraysd! ayoko maging pusa talaga!
[Reply]
August 7th, 2008 at 4:38 pm
wow naman.
nakak-high naman to.
kala ko naman totoong tao ang nag-sex
green minded lang tlaga ako.
tsk.
sayang naman
[Reply]
MARU
reply on August 7th, 2008 5:26 pm:
abangan mo lang lagi ang entries ng blog ko.
next time pag pinalad ako…gusto ko tao naman na nagse-seks ang ipo post ko para mapagbigyan kita.
aabangan ko yung pagtatalik nung dalawang taong-grasa sa may kanto namin.
[Reply]
August 7th, 2008 at 9:44 pm
abangan ko yung next episode ha. siguro yung mga manok naman. hehehe. =D
R.J.s last blog post..usapang mainit
[Reply]
August 8th, 2008 at 1:58 am
hahahhaa! nice i laughed so hard on this.. cat pr0n!!!
[Reply]
August 9th, 2008 at 12:44 pm
Maru….
anong ang pinapakain mo sa pusa na yan….puedeng mahinge ang recipe……
[Reply]