Buhay Single-Parent

I’m still down with lagnat.

Sa awa ni Lord talagang bihira lang kami nagkakasakit mag-iina, pero ‘tong papalit-palit ng panahon lately eh hindi na namin kinaya ng panganay ko. Last week, 4 days down with fever si Kevin ko.

Eto ang isang mahirap na kalagayan sa pagiging single-parent. Pag ang mga anak ko ay nagkakasakit eh andiyan ako para umalalay at mag alaga. Pero pag ako na ang nagkakasakit – alaws tumitingin sa akin. Wala man lang mautusan para bumili ng gamot, kumuha ng tubig and etc. Eh kasi yung dalawang bagets ko ay may mga pasok sa school nila at 5pm pa ang uwi.

Wala akong ka-reliyebo kumbaga. Kanina kahit mahilo-hilo pa ako at nanghihina, kelangan ko ang bumangon ng 5:30am dahil walang magluluto ng almusal ng mga alaga ko. Kahit marurunong naman magluto ang mga bagets ko eh naaawa naman ako at baka ma-late sila ng pasok pag sila pa ang maghahanda ng pagkain at baon nila.

Itinago ko na lang muna ang hamper namin para hindi ko sya nakikita tuwing bumabangon ako para magwewe dahil mas nahihilo lang ako sa tanawin na tambak na ang maruruming damit namin at kelangan ko na maglaba.

‘Tong computer lang ang tanging katabi, kasama at karamay ko ngayon. Hindi ako nakakatagal na nakatayo at kelangan laging nakahiga kaya ginamit ko na ang talent ko sa pagta-type na nakahiga. Kung paano ako nakapag-upload pa ng pics ko dito sa blog entry na ‘to – eh sus ako fe! VERSATILE is my last name noh!

Sana nga gumaling na ako. Josko, nagmumura na ang mga gamit namin na huhugasan sa lababo. Ayoko naman pahugasan yun sa pusa namin. Hays…

Breast CancerSurvey

11 thoughts on “Buhay Single-Parent

  1. ey get well soon.

    lam mo ba, si hubby ay hindi sweet na tao. pero pag sicky ako, maasikaso sya. yung tipong, pinipilit nya ako uminom ng tubig lagi. ginigising nya ko para mag-take ng meds (yung tipong every 4 hours talaga ha). nagulat nga ako e.

    sana meron ka na rin somebody to take care of you.

    antukens last blog post..my sassy girl, below zero, et al.

  2. ‘day sa panahon ngayon bawal ang magkasakit. sabi nga ni papa john lloyd…ingat! here’s wishing you a FAFA na mayaman plus mabaet at maalaga hehehe mwah mwaaaaaaaaaahh

  3. naku mare, paggaling ka. yung tulad naten na single ina eh walang karapatang magkasakit, masakit man pero totoo yun. ako man eh naawa sa sarili ko. (demit emo mode).

    heniways, ako man eh punta ng ospital today. may ni-refer na ako ng company doktor namin sa kasamahan niya dahil di niya alam sakit ko. kung ano man yun, sana di naman malala.

    ingatz maru sweetie, God bless you and your kids! mwuah!

    btw, dont worry we still look pretty and young buwahaha!

  4. Pingback: BRB « MARUISM

Leave a Reply to chuvaness Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.