Palayaw

May nagtanong sa akin kung bakit daw PEACAT daw ang  tawag sa akin ng pamilya ko at ng mga nakakakilala sa akin sa totoong buhay. Eh sagot ko pet name ko kaya yan. Ganda ba? Loko! Walang kaparehas yan. Yunik!

Ayaw ko sana i-reveal ang tunay na meaning ng palayaw ko kasi sa totoo lang parang nakakahiyang sabihin. Tsaka parang hindi nababagay ang meaning nya sa “konserbatibo” kong imahe at pananaw sa buhay.

Pero naisip ko na mas madali ang magsabi ng katotohanan kesa kasinungalingan. Tutal in-na-in naman ang pagpakatotoo kaya sasabihin ko na rin ang real meaning ng pet name ko.

Am sure alam to ng babaeng madalas mag-nosebleed, ang waray na si  Malen.

Pinanganak kasi ako sa Samar at ang salitang “Pikat” (Pee-kat) is a waray term na ang ibig sabihin eh naughty o flirty.

Ewan ko ba, panganay na Ate ko ang nagbansag neto sa akin nung maliit pa ako kasi napaka-“pikat” ko raw. Mukhang nakitaan na yata talaga ako ng talent sa kalandian nung bata pa ako a. Lols!

Pinaganda na lang kunwari ang spelling ng pet name ko at ginawang PEACAT nga. Kyut ba? 😆

7 thoughts on “Palayaw

    • birthplace ko, Calbayog City pero dito ako Iligan City talaga lumaki (hmmmn…lumaki nga ba?). malapit lang ang Catbalogan sa Calbayog, next city yata yan sa amin.

      kat, thank u sa bloghop ha?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.