Nag apply ako ng 5-days off sa pagiging NANAY mula kahapon hanggang Biyernes. Buti na lang na-aprub ng mga amo ko ang bakasyon ko.
Derpor, sa loob ng 5 araw:
- hindi ako hahawak ng walis, walang liligpitin na kalat at walang basurang itatapon.
- hindi ko makakaharap ang kalan at mga kaldero ko para magluto.
- hindi masasayaran ng dishwashing liquid soap ang cute little hands ko.
- wala pupulutin sa sahig na pinaghubaran na brip, mga medyas at sapatos.
- walang isasampay na basa at ginamit na tuwalya.
- walang anak na magtatanong kung nasan na ang school IDs nila, necktie ng mga uniform, kung nasan na yung book nila sa Math, kung nasan ang charger ng selpon blah, blah, blah!
- pahinga ang wallet ko sa pagbibigay ng baon.
- hindi ako mamamalengke at kakain ako ng libre.
- walang makikisingit sa paggamit ng laptop ko.
- magkakaroon ng chance na mami-miss ako ng mga amo ko.

O di ba, ang hirap din ng buhay-domestic helper.
It doesn’t matter kung mag i-enjoy ako o hindi sa 5-days off ko. Ang importante eh maiba naman ang bahay na tinutuluyan ko….maiba ang kama na tinutulugan…magising sa umaga ng lagpas 5:30…at higit sa lahat ang maalala ko ulit na malaki pala talaga ang mundo.
Habang naka-bakasyon, gusto ko sana gawin ang peborit sport ko ang mag-shopping! Kaso wala naman akong salapi. Wala rin akong credit card. Ang tanging card meron ako ay SM Advantage Card at expired pa! Lech!
Enways, ok lang dahil sa loob ng limang araw, wala akong ibang gagawin sa buhay ko kundi ang KUMUYAKOY. Yey!
“If you are losing your leisure, look out, you may be losing your soul.” - Logan P. Smith
Tags: leisure

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 




August 26th, 2008 at 4:59 pm
san ka ngayon nagpapaka-donya ate maru? hahaha. kalami anang day off sa?
kaiths last blog post..Little Miss Corporate
[Reply]
MARU
reply on August 28th, 2008 7:22 am:
nia ko dire sa kauluhan, langga. hehehe! pahuraray kadyot.
[Reply]
August 26th, 2008 at 8:39 pm
wow, and saya!enjoy….
natawa ako sa number 6…mga nanay talaga ang tanungan ng mga nawalalang bagay.
kats last blog post..CLassic TV Commercials
[Reply]
MARU
reply on August 28th, 2008 7:22 am:
korek, titser kat. kaya kelangan matandain talaga sa mga bagay sa bahay.
[Reply]
August 27th, 2008 at 2:57 pm
pwedeng magigil?
[Reply]
MARU
reply on August 28th, 2008 7:21 am:
hindi bawal ang mang-jijil dito. ok lang.
[Reply]
August 27th, 2008 at 2:57 pm
hmmm. congratulations at mukhang extended promo ang pangunguyakoy mo. hehe..
[Reply]
MARU
reply on August 28th, 2008 7:20 am:
shhhhhh!
[Reply]