Wala Kayo Sa Lola Ko

Tuloy pa rin ang petiks mood ko. Pakape-kape, pabasa-basa ng magazines, paamoy-amoy ng paa, nood ng dvd, lamon, bunot ng 2 maliliit na buhok sa kili-kili, at pasilip-silip sa mga blogs na matagal ko ng hindi nabibisita.

Sa paglilibot, napansin ko ang daming dumating na mga bagong sibol na bloggers pero mabibilis pa sa alas kwatro na nagsi-alisan din. Yung iba, inagiw na ang mga blogs at pinamahayan na yata ng mga nilalang na “not like us”.

Mga ningas-kugon naman yung iba, parang gumawa lang ng blog account dahil sa naki-uso o nainggit sa ka-upisina. Sows, nagsayang lang sila ng bandwidth ng WordPress at pinagsikip lang nila ang blogroll ko dati.

Kakapanghinayang yung mga nakilala ko kasi magagaling din yung iba talaga. Kaso siguro wala lang silang oras na magblog o siguro kulang lang ang passion nila sa pagbo-blog. Kelangan kasi kasama ang puso mo pag nag-umpisa ka mag blog. Kelangan din dito ng tyaga at sipag. Enways, dun sa mga umalis…nakaka-miss din kayo, totoo.

Ako naman, hanggat may pambayad ako sa monthly internet connection at sa web host ko, may sariling computer at hanggang kaya ng mga daliri ko ang tumipak sa keyboard – wala akong balak tumigil o isara ang blog ko.

Bubuhayin ko ‘to hanggang sa abutin ako panahon na may mga apo na ako at kung sakaling hindi man nila ako maabutan na buhay….eh balang araw ay dito nila ako makilala sa blog ko. 

Wala akong balak na alisin ang mga litrato kong nagkalat dito. Walang mangingialam sa akin dahil sinadya ko yan para sa mga apo ko. 

Someday, cool para sa akin ang marinig mula sa mga apo ko na ibibida ang, wala kayo sa lola ko, pinkish ang nipols!” Wahaha! O di ba, ang saya!

Someday, mababasa din ‘to ng mga apo ko.

Kaya, oist! mga future hijos at hijas na aponess ko… eto ang blog ko… at alam nyo bang katulong ko ang blog na ‘to sa pagtustos ng pag aaral ng mga tatay Kevin at nanay Keziah nyo? Eto ang pagmumukha ko…ganito ako kalandi (lols) ganito ako mag isip… eto ang mga pananaw ko sa mga bagay-bagay… ang mga pinagdaanan ko sa buhay… dito, dito sa blog ko mismo kilalanin ang agwela nyo!

At sana balang araw ay hindi nyo ko ikahiya dahil sa totoo lang…wala kayong karapatan na ikahiya ako. Lols.

Tapatan na, pag ikinahiya nyo ko….ikinakahiya ko na rin kayo! Wag na tayo magplastikan. Wag na kayo mag anu-ano diyan dahil may K magtaray ang lola nyo!  

Hehe! At sana nga, balang araw kung maging bloggers din kayo – wag kalimutan na isama ang puso sa pagbo-blog nyo. 

Related Posts with Thumbnails

11 comments

  1. pedroNo Gravatar says:

    di ko nakita na pink. pa see? ;)

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    color-blind ka? lols.

    [Reply]

  2. apolloNo Gravatar says:

    naks naman! touching! opinyon ko po, mas matutuwa mga apo mo kung dinugtungan mo ng: kaw na apo ko kay … ay binibigyan ko ng isang milyon. sayo naman …. mapupunta sayo ang isang kumpanya natin.. itaguyod mo un. mga ganun ba… lols!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    sa panahon na may mga apo na ako…siguro naman worth a million na ‘tong blog ko. wahaha! eto na lang ang ipapamana ko sa kanila.

    [Reply]

  3. andengNo Gravatar says:

    wow ang taray na lola.. hehehe

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    taray-tarayan lang kunyari.

    [Reply]

  4. jojitahNo Gravatar says:

    pink nga!!! hahahahaha! oi goddess bakit parang gusto mo na yata magka-apo?

    jojitahs last blog post..divascrap

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    tutal di rin lang ako mkakapag-asawa…gusto ko magka-apo na lang agad. :(

    [Reply]

  5. LeynNo Gravatar says:

    pers koment.

    sa totoo lang nagsisisi ako kung bakit nakalantad ang pagmumukha ko sa blog ko pero dahil sa point mo na pwede tong mabasa ng mga future apo, eh pwede nga syang gawing dahilan.

    hi na rin sa mga magiging apo mo. :)

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    hi leyn! dai, bumisita ako sa blog mo pero di lang ako pumiyok dun kasi ang sosyal. nung pumunta ako dun kanina eh nanlilimahid ako sa libag dahil di pa ako nakakaligo at naunahan na ako agad ng hiya. hehehe! ganda ng blog mo. lab ko sya. magaan basahin. keep it up!

    [Reply]

  6. R.J.No Gravatar says:

    minsan naiisip ko kung tama ba minsan ang mga pinagsususulat ko sa blog ko kahit mahahalay kung minsan, baka mabasa ng mga anak ko kapag marunong na sila. pero wala akong magagawa, nagpapakatotoo lang. hehehe. tama, dapat may puso kahit saging lang ang may puso. choink choink.

    R.J.s last blog post..billboard

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge