Kras Ko

Ang mga bagong kras ko ngayon.

Mamma mia! Tuwing napapanood at naririnig ko kumakanta sa tv ‘tong si Richard Poon, parang gusto ko baklasin agad ang hook ng bra ko. Parang nagsisikip na kasi agad ang dibdib ko. Pag sya na yung kumakanta, ensigueda, inlab na ako agad sa boses nya. Kyut pa nya. Hays…

Hindi kagwapuhan tong si Marc Abaya pero siksik, liglig at nag- uumapaw naman ang sex appeal.

I dunno, maybe it’s just me pero ang lakas ng arrive ng mokong na ‘to sa akin. Sarap dunggulin neto sa dibdib. Lols!

Unang nakita ko sya sa tv ad ng McDonalds, tapos as leading man naman ni Roxanne Guinoo sa Ligaw Na Bulaklak. Type ko ang pagka-angas nya dun sa teleserye. Sungit nya dun pero parang super naman kung magmahal at magtanggol sa babaeng mahal nya. Hays…(ulit)

Wala akong ideya kung sino sya noon. Nagtanong pa ako sa bagets kong si Kevin kung sino ang hombre na ini. Sus, rocker o miyembro pala ang mamang ‘to ng isang banda at junakis sya ng movie director na si Marilou Diaz-Abaya. Nakngtokwa, nahuhuli na ako sa mga impo-impormasyon a!

12 thoughts on “Kras Ko

  1. maangas din si marc abaya sa personal. haha. bokalista ng kjwan. nakikita ko pa yan dati sa saguijo pag tutugtog. mas gwapo nga lang sya dati. 😉

  2. Hi Maru,
    correct ka gurl.. Delicious nga si Marc Abaya.. parang palagi ka na lang babastusin.. ang sarap tumingin,, pero never ko pang nawatch ang mhin na ito.. kapuso kasi ako.. heheheheh…
    pero kay Le Dong Wok pa rin ako, ung bida sa original na My Girl na koreanovela… sobra itong delicious girl… haysss… sarap mag admire… heheheheh

    melais last blog post..Why We are praying??????????

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.