SMS Jokes 09.30.08

STAGES OF GROWTH and DEVELOPMENT

3 to 8 years old: paramihan ng toys.
9 to 18: pataasan ng grades
19 to 25: padamihan ng syota.
26 to 35: pagandahan ng asawa.
36 to 45: palakihan ng income.
46 to 55: padamihan ng kabit.
56 to 70: padamihan ng sakit.
70 and above: pabonggahan ng LIBING.

***

KRIMINAL 1:”Kinakabahan akong pumunta sa korte. Minamarkahan daw ng exhibit number ang crime weapon tapos iniiwan sa Judge.”
KRIMINAL 2: “Ha? Bakit? Ano ba kaso mo?”
KRIMINAL 1:”RAPE”

Continue reading

Talunan

screenshot_81

Matagal-tagal na rin (mga taon na rin ang lumipas) nung huling nasabihan ako ng, “wag ka makialam, buhay ko ‘to”.

Paano ko nga ba makakalimutan yung nakaraan, eh na depress lang naman ng nasabihan ako noon. I truly endured the sting of the rejection for days, weeks and months.

Kahit nasaan man ako, pag naaalala ko yung mga salita na yun ng ex-bf ko noon, otomatik na nagpa-pang abot na agad ang luha at uhog ko.

Nakasakay man ako ng dyip, naghuhugas man ng pinggan, nagbubuklat man ng magazine as in walang pinipiling lugar – crying lady na agad ako.

It took me quite some time before I was able to shake it off, i mean the feeling of being rejected. Then, akala ko talaga I have trained my hard-wired fear of rejection out of my system. Hindi pa pala.

Lately, sa kamalas-malasan nasabihan na naman ako ng kinatatakutan kong mga salita. Nakakatulala. Pakiramdam ko nasampal ako. Namanhid ako.

Howel, maybe hindi lang sinasadya na nasabihan ako ulit. Maybe I am just too sensitive. Maybe I have crossed the line. Maybe sumobra ako. Maybe I deserve it.

Pero wala akong sinisisi kung nasabihan man ako ulit ng ganun. Kasalanan ko, nanghimasok nga lang talaga siguro ako. So, sorry na lang ako.

Kaso, I admit I don’t have skin thick enough to completely ward off the effects. It hurts me big time. Hanggang wish lang ako na sana yung mga salita na yun will simply bounce off me like bullets of Superman’s chest. But I am no superhero. I am only human.

Nakaka-trauma, pero yan ang rejection lines na pilit kong iniiwasan na sabihin ulit sa akin kaya dumidistansya talaga ako makipag-close sa ibang tao kasi ayoko umabot sa puntong maging pakialamera ako sa buhay ng may buhay.

LOSER. This is the word I don’t allow myself to be called such as one. Pero NOON yun. Ngayon, ako na mismo ang tatawag sa sarili ko na ako ay isang malaking – TALUNAN! Para kasing hindi na ako natuto.

Even if it hurts,well, life marches on. Again, I have to view rejection as a learning experience. Hindi ko alam kung saan ako ulit magsisimula. Pero naiisip ko, the best way na lang siguro is to be silent, keep mum and move on.

Mga Namesung Ko

May TAG sa akin ang everdearest friendlalu kong si Christian aka Chico aka Bhe aka Isagani (nauna ko syang nakilala sa handle name na Doc Isagani).

Ang TAG: i-chuva ko raw lahat ang mganamesungchenes ko. Sabi ko, Ok sige, eto na, eto na, eto na!

  • BABY

Eto talaga ang orig na petname na binigay sa akin ng magulang ko sa akin. Baby, kasi ako ang bunso sa anak na babae tsaka kala talaga nila ako na ang last kaso medyo gigil pa tatay ko sa nanay ko noon at hindi pa sila nakuntento at nasundan pa ako ng isang menopausal baby boy.

Dalawang tao na lang ang nariringgan kong tumatawag sa akin ng BABY ngayon. Yung bayaw ko (tatay ng ka-berks kong si Tweet) at yung high school bespren kong si Faith. Nami-miss ko rin minsan ang pet name kong ‘to.

  • PEACAT (Peax, Pcat)

Screen name ko to sa showbisnis. Joke!

Continue reading

Uso Pa Ba Si Robin Padilla?

Minsan, naitatanong ko, ilan pa kayang Robin Padilla ang meron sa mundong ‘to?

Naalala ko, nasa college pa ako noong kasikatan ni Binoe. Susme! daming chiquititas, artista man o hindi ang talagang nahumaling kay Robin. Siempre isa na ako dun sa mga arista. (Oo, artista ako, kasi ang arte-arte ko di ba?)

Pag katrabaho nga daw ‘tong si Robin sa paggawa ng pelikula, bihira sa mga leading lady nya ang nakakaiwas na hindi ma-inlab sa kanya. Daming nagtaka kung bakit at kung ano ang sekreto meron si Padilla eh hindi naman sya kagwapuhan (pero nag uumapaw naman sa mala-hayup na sex appeal, dai!).

Continue reading

SMS Jokes 09.24.08

Kasabihan…

  • “Ang Buhay ay parang bato…it’s Hard.”
  • “Aanhin ko ang napakalaking bahay, mamahaling sasakyan, milyun-milyong kayamanan, at masasarap na pagkain kung ang kapit-bahay ko ang may-ari ng mga iyun?!”

***

Boy: “Di na tuloy ang kasal natin”
Girl: “Bakit?!”
Boy: “Kuya mo kasi eh!”
Girl: “Hindi no! Gusto ka ng Kuya ko!”
Boy: “Yun nga eh…gusto ko rin ang kuya mo!”

***

American guy named Paul challenged a Filipino:
American: “Use my name 4 times in a sentence!”
Pedro: “Paul, be carePaul, you might Paul in the swimmingPaul.”

***

Juan: ”Birthday ng asawa ko…”
Pedro: “Ano regalo mo?”
Juan: ”Tinanong ko kung ano gusto niya.”
Pedro: “Ano naman sinabi?”
Juan: ”Kahit anobasta may DIAMOND.”
Pedro: “Ano binigay mo?”
Juan: ”Baraha.”

***

Misis : “Darling,ano angtawag sa isang asawa na sexy, maganda, hindi selosa, mapagmahal, masipag, mapagkalinga, masarap magluto?”
Mister: “Guni-guni!”

***

Tsapsoy

  • SMS Joke of the day.

GF: “Baby, yun yung ex-bf ko…(tinuro)”

BF: “Ang pangit naman!”

GF: “Wala akong magagawa. Yan talaga ang weakness ko eversince.”

BF: “Pakyu! Ayusin mo nga mga punchline mo ha!”

  • Nasan ba ako?

Blog hop ako kanina kay kirksydney at napansin ko sa live traffic nya ‘to:

Diyan DAW ako nanggaling – San Fernando, Pampanga!Nyeee! Nasa Pampanga na pala ako eh nasa Mindanao kaya ako. Okinams! May mali yata sa traffic feed ko mismo.

Continue reading

Libreng Shampoo ‘Dai

Sabi ng mga hair expert, para daw mas lalong maging maganda ang buhok…wag mag-stick sa iisang brand ng shampoo. Kung pwede ay paiba-iba daw at sa kung anong rason, di ko na inalam. Keber ko ba!

Kahit hindi ko basahin yung sinabi ng mga expert, mahilig na talaga ako gumamit ng iba’t-ibang brand ng shampoo dahil madali ako magsawa sa iisang klase lang.

Paminsan-minsan andun yung trip ko subukan ang mga horse shampoo, o kaya dog shampoo, o kaya shampoo ng mga pusiket. Joke!

Pero since nung binigyan ako ng ate ko ng isang kahon ng shampoo + conditioner in sachets, hindi na ako nakakabili ng ibang shampoo. May grocery store kasi ang ate ko at kahon-kahon pag namimili ng supplies na paninda. Minsan nakaka-tiempo sya ng halimbawa, buy 2 boxes of Tide bareta with free 1 box din. Yung mga ganun.

Continue reading

Sobrang Mura Talaga

Water bill IconIsa sa mga hindi ko ipagpapalit sa pagiging probinsyana o pagtira sa probinsya gaya ng Iligan City ay ang malaking agwat ng bayarin (kumpara sa ibang lugar gaya ng Manila) pagdating sa kuryente lalo na sa tubig.

Sa kuryente kung hindi ako nagkakamali, ang Lanao del Norte yata ang may pinakamababang singil ng generation – P/KWH sa mga consumer sa rate naP2.3743.

Mas lalo naman sa tubig. Alam nyo bang isang taon na akong di nagbabayad ng tubig namin.

Eto ang water bill ko nung July 2008. Ang sabi dito naka-consume kami ng mga bagets ko ng 13 cubic meter na tubig. Hmmn…malaking tipid pala ang maligo lang ng once a week lang. Tehehe! Siempre joke lang yun.

Mura lang talaga tubig dito sa amin kasi nga City of Waterfalls ang lugar namin.

P20.00 ang bill namin noong August 2008. Mas mababa ang total kasi lumuwas ako ng Maynila noong August at sampung araw din akong nawala.

Ibig sabihin, pag sampung araw akong hindi maligo sa bahay namin at maghugas ng anu ko ay bababa ang babayaran ko ng P6.90 sa tubig. Kaya imbes na P26.90…P20.00 na lang. Ayus pa sa olrayt!

Pag binayaran ko ang bente petot kong bill na ‘to, sasakay ako ng dalawang beses sa dyip at isang de-padyak para makarating sa upisina nila. Nagkwenta ako.

4 sakay (balikan) sa dyip (P8.00 x 4) = P32.00

2 sakay sa de-padyak (P6.00 x 2) …….. 12.00

Total = P44.00

Dios mio perdon!  Mas malaki pa ang gagastusin kong pamasahe sa kesa monthly bill ko! Wag na uy!

Tsaka ko na lang bayaran pag may disconnection notice na. Lols.