Hagdan, Hagdan, Bakit Ka Ginawa?

Tapos na ang extended days-off ko. I didn’t feel fully rejuvenated pero ok na rin. Kahit papano nagkaroon ako ng break sa daily routine ko as domestic engineer. Kahapon, pauwi na lang ako ay na-imbyerna pa ako ng todo sa huling araw ng bakasyon ko. May mga tao talaga na kasiyahan na yata ang makapang asar! May mga talent silang palpak dahil palaging wala sa tyempo ang pang-aasar na ikapipikon mo talaga hanggang buto. Katatapos lang ng period ko pero parang duduguin ako ulit sa sobrang inis ko kahapon.

Anyways…hindi tungkol diyan ang topic ko. Eto yun.

“…puro yabang. pasikat! Palpak naman!”

Yan ang narinig ko sa kasabayan kong pasahero sa eroplano. Napalingon ako. Nakaismid at kitang-kita ko sa mukha ni kolokoy na dismayado na naman sa sistema ng Cebu Pacific Air sa pagpapaalis ng mga pasahero nila. Medyo natatawa pa ako kasi pareho kami ng nararamdaman – parehong INIS!

Medyo ok naman ang experience ko sa unang apak ko sa pinakabago at pinakamalaking airport ng bansa – ang NAIA 3 noong August 25. Maayos naman. Pero ARRIVAL yun.

Kahapon sa departure namin pabalik ng Mindanao ang nakakadismaya. Eh kasi naman. Kung bibilangin ko ang akyat-panaog na ginawa ko sa NAIA 3 … naka-apat na beses yata na yun ang ginawa ko. Matutuwa na sana ako dahil sa wakas nasa NAIA 3 na ang terminal ng Cebu Pacific. Siempre naman world-class na ang airport eh. Pag tiningnan mo nga sa labas eh masasabi mong may panama talaga at pwede na rin ihilera sa malalaking airport ng ibang bansa. Maganda kung sa maganda. Hindi mo na ikakahiya.

Ini-expect ko na pag pumasok ako ng NAIA 3…malamang maya-maya lang ay hindi ko na mapapansin na nasa loob na pala ako ng eroplano. Ganun naman dapat yun di ba?

Nag excess ng 7 kilos sa baggage ang ate ko kaya nag volunteer akong bitbitin na lang yung isang maliit na trolley bag niya. Maliit at hindi naman kabigatan at walang problema kahit bitbit ko rin ang laptop bag ko. “Kaya ko ‘to” sabi ko.

Sabi ng boarding pass namin, nasa gate 116 naka-assign  ang eroplanong sasakyan namin pauwi ng Cagayan de Oro. Pagpasok namin sa Gate 116…nyay! more or less may 15 steps yata kaming bababaan na hagdan papuntang boarding area. Hmmmmn…syet! parusa ‘to kasi nga may bitbit akong trolley! Pero oks lang. Since  medyo maaga naman ang check-in namin ng ate ko, eh inutusan muna ako para bumili ng coffee. So la magawa, akyat ako ulit palabas ng boarding area at baba ulit nung bumalik. Hays…

Eto na, mga 20 minutes before boarding time, inanunsyo na ang lahat ng pasahero bound for CDO ay pinalilipat sa Gate 120. Naknampekpek! Ibig sabihin aakyat na naman ako dun sa hagdan na yun?

Nways, sige. Again, ‘la ako magawa eh. Akyat ulit.

Gate 116 to Gate 120….may kalayuan din pero ok lang dahil sabi ko nga, maganda naman ang loob ng NAIA 3.  Sarap maglakad pag bago ang carpet. Shushal!  Ayus lang din naman ang daan papasok sa tube. Habang naglalakad, naalala ko tuloy ang ibang airport na napuntahan ko nung nagwo-work pa ako sa abroad. Nag-summon up pa ako ng sandali sa nakalipas ko. Lols. Siempre, since nasa tube na kami so isip-isip ko ilang segundo na lang eh nasa loob na kami ng eroplano.

Pero teka, hindi eh!

Sa dulo ng tube…bakit wala akong makitang pintuan ng eroplano? Ay Puta! Hagdan! May hagdan? At bababa na naman kami sa hagdan? Mga ayuf! Parang gusto ko magpatihulog na lang para ilang saglit lang nasa ibaba na ako agad. Lols. Taena! Biglang pumangit ang tingin ko sa bagong NAIA 3!

At pagbaba namin naghintay pa kami ng bus para isakay kami papunta na mismo sa kung saan nakaparada ang eroplano. Josko! So hila…buhat…bitbit…hila na naman ako sa trolley ng ate ko. At yun nga…naririnig ko na ang mga kasama ko sa may likuran na nagrereklamo na. Ang hassle kasi eh! Ang init pa.

Naiinis na ako habang nasa bus. ‘Tong ginagawa ng Cebu Pacific Air, kumbaga sa pelikula…ok na sana. Gandang-ganda ka na sa istorya kaso sa may ending biglang naging LOUSY. Biglang pumangit! Gusto mo sumigaw ng “Harang!” “Boooo!”

Ilang minuto pa, sa wakas nasa ibaba na kami ng eroplano. Tumingala muna ako bago umakyat ng hagdan ng plane, naghagilap ng konting lakas sa pagbitbit ulit ng bag at habang bumubwelo, isip-isip ko siguro naman huling akyat ko na ng hagdan ‘to.

Pinagpawisan ako, tsongggg! Pagpasok ko sa door ng eroplano, nakahinga nga ako ng maluwag pero kasabay naman nun ang pakiramdam na parang nasa may tuhod ko na ang matris ko! Tangna! Parang bumaba ang matris ko sa pagod. Natagtag ako!

World-class daw! World-class my ass!

7 thoughts on “Hagdan, Hagdan, Bakit Ka Ginawa?

    • dun sa lumang domestic erport, maglalakad talaga sa tarmac. pero dun sa naia3 dapat hindi na. kasi naturingan na makabago na di ba?
      pero parang napansin ko, masyadong maliliit ang erpleyn ng CPA para dun sa tube na idinidikit sa door ng plane. baka yun ang dahilan.
      pero teka, bakit dun Terminal 2 yung mga pang domestic na erpleyn ng PAL at Airphil…sakto at naikakabit dun sa tube? gulo nila. lols!

    • Sa Dubai, UAE. Pero matagal na yun, 12 years ago. Bale 5 years din ako dun. Sa TOTAL dun ako connected dati…sa Accounting ako. Taga bilang ng pera hindi naman sa akin. Tumigil ako ng work dun kasi mayaman na ako nun. J/K. Di nga, tingin ko kasi, mas kailangan kasi ako ng mga anak ko kesa ng kumpanya. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.