Lambing

Someone just asked me if I’m malambing . I promptly said am NOT. Ang totoo, medyo napag isip ako dun sa tanong.

Nah! Paano nga ba ang maging malambing? Meron nga ba ako nun?  Kung meron man…kelan  ang huling lambing na naipakita ko? Sus, tingin ko naman walang-wala ako nun tsaka parang hindi bagay sa akin.

Mula onse anyos ako natuto akong sarilinin ang lahat ng nararamdaman ko. Unti-unting hinulma ng panahon ang yummylicious kong pagkatao ko na maging matatag at kunyari – manhid. Atapang na tao kuno.  I think I have masterted the art of making up a front. Parang hindi ko na kaya ang magpakita ng kalamyaan.

People, especially my kids expect me  to be strong. Ewan ko ba, minsan bilib din ako sa sarili ko. Di ko maipakita ang maging lungkot-lungkutan talaga sa harap ng tao. Ang plastik ko! Dito ko lang naipo-post sa blog ko ang mga kadramahan ko sa buhay . Ang mag inarte. Pa-senti-senti kunyari. Hehehe.  Pag nasa grupo o may kasama  akong ibang tao – ang kulit ko.

Well, siguro, meron din akong konting lambing sa katawan ko…hmmmn, siguradong  meron ako nun! Pero kung paano makikita at maipakita, ay! yun ang di ko alam. Siguro, kelangan ko lang ang – pagkakataon.

Related Posts with Thumbnails

9 comments

  1. antukenNo Gravatar says:

    pero feeling ko malambing ka.

    ako, ang alam ko hindi rin eh. sabi nga ng friends ko, sweet is not a word to describe me. hehe.

    ngayon lang ulet nakabisita. lekat na upgrade sa pc yan, panira sa pagb-blog. lalo na ang trabaho. hehehe.

    antukens last blog post..apat dapat, dapat apat

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    chonapie….di baleng hindi ‘sweet’ ang itawag sa u. madali ka naman pakisamahan at ang gaan gaan kasama. sobra pa yun sa sweet. misyu, dai!

    [Reply]

  2. defpotecNo Gravatar says:

    malambing ka naman e… lalo na pag nag aabroad ako…

    defpotecs last blog post..google chrome dome

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    moo, pramis! sa lahat ng tao na nakilala ko…ikaw ang pinakamahirap hiritan o “lambingin”. kelangan may papatak na luha muna bago ka tablan. pinaparusahan mo muna ng isang linggo bago makapag lambing sau.

    di ko nga alam kung bakit ako nakakatagal sau. eh mas manhid ka kesa sa akin! bwahaha!

    [Reply]

  3. selvoNo Gravatar says:

    ayan naglalambingan na naman sila. uuuyyyyyyyy. pareho kayo malambing ah hehehe.

    selvos last blog post..On the road again

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    hindi mo pa ba nakita ang halikan at lingkisan namin , langga? lols!

    [Reply]

  4. defense mechanism mo na siguro yun kc kung di mo gagawin yan magkaka-anxiety ka panigurado… at least may outlet ka.. ahihi.. wala lang napadaan lang… add kita sa blogroll ko ha.. para madagdagan ung mabibisita kong blog… cheers, lablots;p glesy the great

    honga pala, madalas kasi sa mga hardcore kuno soft and chewy inside..;p

    glesy the greats last blog post..thou shall not covet thy neighbor’s goods…

    [Reply]

  5. MARUNo Gravatar says:

    Hi Glesy, feel free to add me. I’ll visit ur site soon.

    MENTOS… para nga siguro akong mentos.

    [Reply]

  6. pedroNo Gravatar says:

    hmmmm… lambing sa katawan… kala ko si boyong mañalac lang meron nun…
    boyoooonnnggg.. may lambing sa dulo.. yonnnnng….

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge