Himutok

Noong isang araw, Inabot na ako ng dilim sa kalalaba. Halos buong araw din akong naging labandera, alilang-alila ang dating.

Kunsabagay mahigit sampung araw din ako nalayo sa mga amo ko kaya ano pa nga ba ang aasahan ko kundi ang santambak na labahin sa pagbabalik ko.

Palit ng kurtina, palit ng bed covers, bed shits, pillow covers, table shits and etc. Linis dito at doon. Ayos dito, ayos dun. Ligpit, ligpit at ligpit.

Oo, full time stay-at-home-mom ako at pinili ko mag isa ang mapunta sa sitwasyon na ‘to dahil sa mga rason na alam ko na tama ako at umaasa din ako na balang araw may ibubunga na mabuti ang naging desisyon ko. Altho hapi naman ako sa pagiging fool-time nanay, may mga moments din na parang mas gusto ko pa ang umupo at umistambay sa harap ng ‘pyuter ko at mag blog na lang buong araw.

Sa pagbo-blog kasi bukod na sa may konting raket ako, eh kahit papano may natatanggap akong “appreciation” dito. Nakakataba ng pekpek puso ang may nababasa akong kesyo nagustuhan nila ang blog ko o yung mga entries ko. At sa mga YM messages na kesyo maganda at nakaka-relate daw sila. Etc. etc.

Dito sa bahay, tatatlo lang kami. Wala akong katu-katulong sa mga house chores. 5 years old lang si Keziah nung huling nagkaroon ako ng katulong dito sa bahay at ngayon ay 12 years old na sya. Sa maha-mahabang panahon, mag isa kong binuno ang paghahanap ng pera, hinarap ang hindi birong responsibilidad para sa pamilya ko.   Pero bakit parang walang appreciation man lang ang mga kasama ko sa akin?

Fulfilling ang maging MOM pero alam nyo minsan nakakapagod rin. Sus, kahit papano parang tao na rin naman ako at may mga gusto rin akong marinig na feedback sa ginagawa kong domestic engineering. Ano ba naman ang makarinig man lang ako ng:

“uyyy! ang bango ng pagkalaba ng brip ko! amoy-downy!”

“abah! bago kurtina natin a! cute!”

“huwaw! ang ayos ng mga damit ko. at bagong palit ang bed shits!”

“ang bango naman ng sinaing natin, milagrosa ba ‘to? sarap a!”

Kaso wala. Maaaring may kababawan ang himutok ko, but still i need appreciation. Kelangan ko pa ba ang maghintay ng second sunday ng month of May o tinatawag na Mother’s Day kada taon para makarinig at i-appreciate ako sa pagpapaka-kuba ko?

I know motherhood isn’t a job. It’s a calling. Kaya nga nahihimasmasan rin ako…siguro nga wala akong karapatan para magreklamo.

Pero sabi nga dun sa isang kanta ng isang banda, “…kasalanan ba humiling ng isang…HIMALA?”

4 thoughts on “Himutok

  1. ahm, ganyan din ang himutok ng nanay ko sa min. and now i understand her. hehehe. buti pa ngayon kasi maliit pa anak ko, may i love you pa, may thank you pa, may halik pa. di ko alam hanggan kelan lang ang mga gestures na to. hehe.

    cguro nga it’s our responsibility to bring them up the best way we can and they are not obliged to say thank you to us. but then, if sa workplace nga, in my case dahil working ako, pinapasalamatan nga ako ng amo ko kahit di naman tlaga sya dapat magpasalamat because it’s part of my job to make his life easy, bakit ang ating mga anak hindi?

    magdrama ka lang ng konti, ate maru. it might work. hahaha.

    kaiths last blog post..Packing Pressures

    • gustong-gusto ko na nga mag emote sa kanila tungkol dito kaso baka biglang magulat sila at biglang naging OA ako. hahahaha!

      dito lang talaga ako nakakapag emote sa blog ko.

  2. Hi Maru,
    Feels the same thing… hirap maging mother, pero fulfilling talaga kapag napapalaki mo sila ng maayus, but now, i have to live away from them, kailangan ko mag work para din sa knila, pero subra ko ng miss ung gigising ka ng super aga, para maghanda ng breakfast ng mga bagets…. miss ko na ang awayan ng dalawa kong bagets bago sila pumasuk sa school… miss ko na silang ipagluto, hay andaming nakakmiss, pero wala kang choice kasi nagsisilaki na cla… mas importante ang mag work for their education..
    Cguro, ganyan nga ang role natin mga nanay, but in the future, if nagawa natin lahat para sa knila, at makitang successful sila, hayyyy uupo na lang tau at mag rerremininsce ng ating pagiging super nanay….

  3. yan din ang katwiran ko…na di bale dahil balang araw may makikita akong magandang bunga sa mga sakripisyo. sana nga maganda ang resulta para naman maging SULIT kahit papano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.