Bumisita ang ate ko noong isang araw. Sarap pag bumibisita yun dito sa bahay kasi laging may dalang —-LAFANG! Nahalata yata na wala syang nadadatnan lagi na pagkain dito sa haybols ko kaya ayun - nagdadala na. Hehe! Last time nga, bukod sa dalang isnaks, may dalang lechon manok din para hindi na daw ako mag abala pa sa pagluluto ng pang dinner namin. O di ba, kung ganyan lahat ng Ate sa mundo eh sigurado hapi-hapi ang lahat.
Siempre chikahan kami. Update ng mga chizmax tapos naitanong ko kung bakit hindi nya kasama si Bayaw. Ayun, may LQ pala sila! At alam nyo ba kung ano pinag awayan nila? Yung mga kalat lang naman ni Bayaw sa workstation nya dun sa likod ng bahay nila. Dun kasi nagbubutinting si Bayaw ng mga kung anik-anik.
Nangingiti ako sa habang naglilitanya Ate ko. Kesyo ang gulo-gulo daw ng mga gamit, eyesore daw ang mga kalat, blah blah blah at pag nililinis o nililigpit naman nya eh nagagalit daw si Bayaw. Nag aalburuto dahil ayaw nga nya na ginagalaw yung mga kalat nya.
Eh sabi ko nga hayaan na lang nya yun dahil natural na yata sa mga lalaki ang pagka-BURARA! Alam ko yun, sus! Yun din kasi lagi ang angal ko sa EX ko sa Dubai nung kami pa. Dagdag ko pa, huwag na huwag na lang nya gagalawin ang mga gamit ni Bayaw kung gusto nya na magkaroon ng World Peace ang pagsasama nila. Tutal kako, space nya yun kaya wag na sya mangialam.
Sa totoo lang, isa yan ang nadiskubre kong mga ugali ng mga lalaki. Ang NATURAL na pagka-BURARA! Ops! Hindi ko nilalahat ha? Pero karamihan sa kanila ay ganun. Ewan ko ba kung bakit napapalagay ang loob nila sa magulong kapaligiran, nakakapag-isip pa kaya sila ng maayos nun? Dito nga sa bahay, tatatlo lang kami pero araw-araw pa rin akong nagliligpit ng mga gamit. Pinakamakalat sa amin tatlo si Kevin. Minsan napipikon na ako sa kasusunod at kaliligpit ng mga kalat nya.
The other week, napuntahan ko rin ang suite room/bachelor’s pad ng friend kong si Moo. Susmaryosep! Pagpasok ko pa lang ng kuta nya, halata mo na agad na lalaki nga ang nakatira. Maganda ang pinagkukutaan ni Moo. Sushal sana kaso hanep sa kalat naman. Medyo nalula ako ng makita ko ang ibabaw ng mesa nya sa daming EWAN. Siguro kung may hahanapin kang bagay dun, medyo malalim-lalim din ang hahalukayin mo.
Enways, hindi naman sa nangingialam ako. Naiintinidihan ko ang pagiging topsy-turvy ng mga guys. Tsaka ano naman pakialam ko eh hindi naman ako ang nakatira dun.
Dahil alam ko na likas na BURARA ang mga lalaki, dati sabi ko sa sarili ko, pag nagkaroon ako ng asawa gusto ko SEPARATE ang kwarto namin. Gusto ko Kanya-kanya kaming kwarto at lagayan ng mga gamit. Maggapangan o maghilahan na lang kami pag gusto namin ang magchukchakan. Pwede akong matulog sa kama nya o kaya pwede rin syang sumiping sa akin sa bed ko. O di ba, nang sa ganun ay nagkakaroon pa rin kami ng privacy sa isa’t isa. At para na rin hindi mgkasawaan agad. Tsaka para sa akin mas ok ang ganun… yung medyo nagbo-bosohan kayo. Hehe!
Yun nga lang, hanggang plano lang pala yun dahil until now I’m still a virgin (O di baaaa!) at walang asawa. Kainis!
Ok, mabalik tayo sa Ate ko. Ayun natapos ang pagngingitngit nya kay Bayaw at umuwi syang baon niya ang punchline kong: “YAAN MO NA LANG.”

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 




September 12th, 2008 at 12:11 pm
minsan kasi mahirap talaga yung nagagalaw yung mga gamit. lalo na pag nagmamadali ka tapos alam mo kung saan mo iniwan yung hinahanap mo tapos pag tingin mo eh wala dun. parang naka-set na yung utak mo na nasa ref yung sipilyo mo tapos makikita mo nasa banyo na pala sa tabi ng bowl. asar lang. hehe.
gusto ko din yung pag nagkaasawa eh hiwalay. mga isang byahe pa ng tricycle yung layo ng kwarto namin.
Pedros last blog post..Diskoneksiyon
[Reply]
MARU
reply on September 12th, 2008 2:13 pm:
“….mga isang byahe pa ng tricycle yung layo ng kwarto namin.” — Bwahahaha!
[Reply]
September 12th, 2008 at 1:30 pm
pedro ka din? hahahha
[Reply]
Pedro
reply on September 12th, 2008 4:18 pm:
hi pedro, i’m Pedro. nice to meet you. ok. thanks. bye.
Pedros last blog post..Ang Nakaraan
[Reply]
September 12th, 2008 at 1:58 pm
Nyaahahaha! Nalito tuloy ako! Kala ko iisa lang kayo. Nagtaka nga ako at may blog si Pedro. hehehe!
[Reply]
September 12th, 2008 at 3:42 pm
the reason behind that is mas madali kasing hanapin ang gamit pag nakakalat lng. Imagine, pag nakakalat sa sahig ang brief na sinuot ng 3 days, pagpasok mo ng kwarto pede mo na ulit kunin at isuot. Kesa hanapin mo pa sa cabinet malamang mangagamoy pa yung cabinet mo.
Marcs last blog post..Best Humor Blogs (Project Lafftrip)
[Reply]
MARU
reply on September 12th, 2008 8:12 pm:
Kevin?!! kaw ba yan?
Pucha! Di nga mangangamoy ang cabinet…sandamakmak na ipis naman ang mamumugad sa kwarto.
[Reply]
September 12th, 2008 at 7:53 pm
hay! naku nakakarelate ako dyan yung hubby ko ganyan din wala n lng ako ginawa kundi magpulot ng kalat nya…. parang maganda yung idea n hiwalay kwarto ah…. masubukan nga!
ana_bananas last blog post..Tiangge, Bazaar atbp.
[Reply]
MARU
reply on September 12th, 2008 8:21 pm:
anaaaaaaaaa! sige subukan nyo yung idea tas iwento mo kung ano nangyari ha?
[Reply]
September 13th, 2008 at 12:08 pm
Nakuh makalat talaga mga lalaki. Hwag mo na lang pakialaman mga gamit nila para walang away.
JETTYs last blog post..UNBELIEVABLE!!! Nyahahaha…
[Reply]
MARU
reply on September 14th, 2008 9:14 am:
hello pretty jetty! tama ka, magbulag-bulagan na lang tayo sa kalat nila. pero minsan di ko maiwasan ang mairita sa bagets kong burara. hehehe!
[Reply]
September 15th, 2008 at 9:04 pm
1 year na sa canada esmi ko di nakatagal ng hirap sa piling ko. Minsan inayos ko yung plastic aparador na kinuha naming hulugan sa bumbay, Kinareer ko ang pag-aayos parang naka masterpiece ang feeling ko ng matapos. Nakita ng biyenan ko, Sabi WOW!! ang ayos naman parang may babaeng nag aayos dito ah,. Napaisip ako ano kaya iniisip nitong biyenan ko? may pagka binabae ako o may binababae ako na dinadala at nag aayos dito? mula noon pag may kailangan akong gamit lumiliit
[Reply]