Para Sa ‘Yo, RJ

Kung hindi ko nai-click at nabasa ang blog entry ni UtakMunggo, hindi ko malalaman ang mga latest na pangyayari kay RJ.

Si RJ ang isa sa mga blogspot buddies ko at masugid na dumadalaw dito sa blog ko.

Eto ang maganda sa blogging, hindi mo man gaano kilala o nakikita ang isang tao sa personal, kahit papano naa-asses mo ang kabutihan ng pagkatao nya at nalalaman mo ang mga pinagdadaanan nya sa buhay via his/her blog – pero yun ay depende pa rin kung paano magsulat ang isang blogger.

Nways, balik tayo kay RJ.

Eto ang nabasa ko na latest entry ni RJ.

Habang tina-type ko ‘to ayaw humupa ng goosebumps ko. As in tayuan lahat ng balahibo ko, at pati tutsang ko yata eh nagsitayuan din kasi nangati bigla ang ilong ko.

Buti na lang nakapag-shave ako kahapon kung hindi baka pati YUN eh nagsitayuan din. Lols!

Sensya na at nagpapatawa pa ako. Hindi ko alam kung paano ko i-express ang pakikiramay ko sa pagkawala ng KAMBAL ni RJ na pinagbuntis ng Misis nya. Paksyet talaga, eto at nagtatayuan na naman mga balahibo ko.

Unang kids sana nila ‘to. Alam ko kung gaano ka-excited si RJ sa kambal nya at kung pwede sana hilahin palapit ang mga araw para makauwi na sya from Qatar.Lalaki at babae yung kambal.Manganganak wifey nya sana sa October or November yata. Naging maselan ang pagbubuntis ng wife ni RJ and she is just 5 feet flat in height kaya medyo naging maselan tapos kambal pa ang dinadala.

I am less than 5 feet in height at pag naaalala ko yung pagbubuntis ko dati lalo na dun sa pangalawa…josko, hindi po madali. Lalo na nung mga 6 or 7 months na yung tummy ko…pakiramdam ko tuwing tumatayo ako eh malalaglag pekpek ko sa bigat ng dinadala ko. Hehe! Ang hirap dahil kelangan kontrolado ang timbang ko. Hindi pwedeng palakihin ng todo ang baby sa loob dahil sa height ko at tsaka ko na lang daw patabain paglabas. Susme, eh ano pa kaya kung kambal ang nasa loob? Sa awa ni Lord…mga healthy, puro nasa tamang timbang at laki naman ang mga junakis ko nung biniyak ang ABS ko. Hehe!

RJ dear, hindi ko alam kung papano ko kakalamayin ang loob mo, hindi ko alam paano nyo dadalhin mag-asawa ang trials na ganito kasi honestly, kung sa akin nangyari yan… HINDI KO KAKAYANIN. Mawala na sa akin ang lahat-lahat, sukdulan na maghirap ako ng todo, wag lang mawala mga ANAK ko.

Pero may ibang plano si God sa inyo – yan lang ang sigurado. Pero sana wag kang mawawalan ng faith dun sa BIG GUY sa itaas.

Hays….

Hindi ko na alam sasabihin ko.

Nangangapa na ako ng sasabihin…

Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin nararamdaman mo…

RJ, paki-lakasan mo na lang loob mo, pre! … 🙁

13 thoughts on “Para Sa ‘Yo, RJ

  1. nakakalungkot naman ito. may mga bagay talagang nangyayari na di inaasahan. sabi lahat daw may dahilan. minsan tuloy parang ayaw ko ng maniwala.

    condolence kay RJ.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    🙁 🙁 🙁 🙁

    [Reply]

  2. Thanks for this post, Maru.

    When I first read this particular post of Insan RJ, naiyak talaga ako. Alam ko kasi kung gaano ka-excited si Insan sa mga kutings niya. Lagi pa namin napapag-usapan ‘yan sa YM kapag nagkaka-chat kami. Dati nag-suggest pa ako na magpa-contest sa blog niya ng ‘Name the Twins’. Pati ako sobrang excited para kay Insan. Kung pwede lang sabihin sa kanya noon na gawin akong ninong ng kambal paglabas, nasabi ko na kaso nahiya din ako. Hehe.

    Sabi ko pa naman sa kanya magiging masaya ang Pasko niya…

    I’ve also met his wife during Batjay’s Book Launch. She seems to be a sweet lady. We have received confirmation about what happened to the twins, pero wala kami balita kung ano nangyari kay Bachoinkchoink. Last we heard, nasa Operating Room pa din.

    Sana ipagdasal natin na safe din wife ni RJ.

    The Gasoline Dudes last blog post..Sacrifice

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Dude, hanggang kagabi iniisip ko pa rin ang nangyari kay RJ. Ewan ko ba, nakakalungkot talaga. Siempre, nanay din ako…nagbuntis at nanganak kaya alam ko ang posibleng nararamdaman ng couple. Sana nga maging magaan sa kanila ang pagtanggap ng lahat.

    [Reply]

  3. how sad naman ito… pero kung may nawala may darating pang mas madami… at saka, GOD is there with this man… Mahal sila ni LORD, at ndi sila bibigyan ng mabigat na dalahin kung kung ndi nila makakaya,,, at sa ganitong trials, makikita nila na mas mag bobond ang relationship nilang mag asawa…
    Kalungkot talaga ang ganitong eksena ng buhay

    melais last blog post..Kaantok

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Hays…am running out of words to say sa totoo lang.

    [Reply]

  4. i actually don’t know rj but i’ve seen his comments on some of my blogging friends. it’s really sad to hear about what happened. i have a friend who carried her baby for 9 months only to have it stillborn. sobrang na-trauma, ayaw na magbuntis ulet. i hope they get past this really really trying time. i’m sure god has other plans for them and i hope that they don’t lose faith.

    antukens last blog post..sicky to the nth level

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Posibleng ma-trauma din sila at yan ang nakakalungkot na malamang mangyari na epekto. Dahil hindi madali tanggapin yun. Pero siempre sana nga lang maka-recover agad yung dalawa. Hays…

    [Reply]

  5. ang di ko maintindihan eh kung bakit yung mga matitinong tao na magiging responsableng magulang, sila pa yung nagkakaron ng ganitong problema.. samantalang yung mga iresponsableng tao anak ng anak tapos itatapon lang sa basura.

    napaka-unfair ng buhay, kung tutuusin. napu-frustrate ako sa mga ganitong pangyayari.

    nalulungkot pa rin ako para sa mag-asawa,.. parang nakilala ko na rin sila ng personal dahil dito sa blogging community. sana’y malagpasan nila ito.

    utakmunggos last blog post..ANOTHER DAY IN PARADISE

    [Reply]

    rhyanNo Gravatar Reply:

    ganyan talaga ang buhay di mo maiintindihan kung bakit pinahihintulutan ng nasa taas na mangyari ang mga ganitong bagay pero lahat ng ito may dahilan. Kung ano man yun di pa natin alam pero balang araw maiintindihan din natin kung bakit pinayagan nung nasa taas na mangyari ito.

    rhyans last blog post..Can a popular blog friends can make you popular too?

    [Reply]

    KotsengkubaNo Gravatar Reply:

    lagi kong naiisip, kung hindi ako pumasok dun sa school na pinasukan ko nung high school, hindi rin sana ako sa UST napadpad nung college at hindi rin ako nagkaron ng scholarship na nabigay sakin at that time. and without the scholarship, hindi ako mapapasok sa scholars association and i won’t be able to meet this friend na nagpasok sakin sa first job ko and i won’t be able to meet the supervisor na nagpasok naman sakin sa second job ko where i met my wife. balik sa first work, i met the person na nagpasok naman sakin sa third job ko.

    sa madaling salita, kung hindi ako tumuntong ng holy trinity academy nung high school, wala ako sa china ngayon at hanggang ngayon e single pa ko at walang anak. worse, baka napariwara pa ang buhay ko.

    ang ibig ko lang sabihin dun e you take each path towards the greatest scheme of things. lols, mejo OT na ata ako. pero ang sakin lang, may dahilan talaga kung bakit N’ya tayo pinagdadaan sa mga ganitong eksena sa buhay. siguro mahirap intindihin kung bakit kaya hindi nya na lang pinipilit ipaintindi satin kung ano ba talaga ang dahilan. maraming beses narin akong nakipagdiskusyunan sa Kanya pero wala naman ako narinig na sagot. in the end, kinain ko lang ang mga salita ko.

    anyway, i don’t know bloggers personally and i’m in no position to tr to comfort anyone. but i hope they could go past this experience and not loose hope, faith and charity 😉

    Kotsengkubas last blog post..At least KunShan ShangSa have a seven-day return policy

    [Reply]

  6. maraming salamat sa inyo ms. maru. ok na kami, nagpapagaling na lang ng sugat tapos rakrakan na ulit. =D

    R.J.s last blog post..recap

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    parekoyyyyy! uyyy! glad to hear that both of u are ok na.

    hehehe! sige abangan mo ang paglinaw ng ihi. hahaha!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *