Kababawan

Author: MARU  //  Category: Inner-self, Inner-thoughts

What are the things that make me happy? (naks! english!)

Sabi nga dun sa nabasa kong quote galing kay Ma’am Emily Elizabeth Dickinson:

“If you take care of the small things, the big things take care of themselves. You can gain more control over your life by paying closer attention to the little things.” 

Isang magandang tao lamang ako kaya ang mga kaligayahan ko ay nanggagaling lang sa mga simple at maliliit na bagay din. Hindi naman ako shy aminin na mababaw lang ang pagiging JOSA ko (charot!). Apres tout, the simplest joys are the truest ones.

Ang mga kaligayahan ko ay minsan dito ko lang hinuhugot sa mga freebies o kaya mga bagay na para sa iba ay maaaring basura na. Well, walang pakialamanan because I have my cheap thrill over:

Toiletry items from hotel rooms.

Sandamakmak meron ako neto. Yung iba nga pinagtatapunan ko na dahil sa kalumaan. Tuwing may business meeting sa abroad ang bunsong brother kong si Evan, lagi syang may bitbit na mga anik-anik gaya ng mga nasa larawan at siempre laging nagtatabi yun ng para sa akin. As in ang dami ko ng naipon na iba’t-ibang sabon, shampoo, conditioner, body lotion, body wash, shower gel, breath freshener and etc. Wala na nga akong paglagyan kaya yung iba ay tinatago ko na lang sa plastic shoe boxes.

Enjoy akong tingnan yung mga miniature bottles, yung iba’t ibang kulay ng liquid at mga scent ng soap galing sa iba’t ibang hotels. I’m so babaw talaga. Tsk!

Eto pa. Marami akong nakatago na mga suklay, shower cap, detergent soap, sewing kit, shaver(?), towelette, cotton buds, nail pile, cotton, disposable laundry bags, shoe bags at madami pa. Eto lang kinunan ko kasi yung iba hindi na magkakasya sa frame ng camera. Hahaha!

Naku! Wag mong ismolin ang mga cheap thrill kong itetch kasi bukod na enjoy akong mangolekta, malaking tulong din mga yan sa akin. Bitbit ko ang iba nyan pag bumibyahe ako o kaya may sleepover mga bagets ko sa school nila. Laking tipid ang binibigay nyan sa akin kasi imbes na bumili pa ako nung mga naka-sachet eh yan na lang. Shushal pa.

Ang latest addition sa mga collections ko ay yung Crabtree and Evelyn toiletry items (yung 4 tubes na nasa right pic) na bigay ni Moo nung galing sya sa Beijing Olympics. 

Pati si Moo nahahawa sa kababawan ko. Kung dati ay toothpick na galing sa Macau ang ibinigay sa akin. (Take note, itinago ko rin yun.) Ngayon pati posporo ay nag-uwi na rin. Pero wag ka, ang cute ng posporo na ‘to kasi ang hahaba ng stick. I likey the purple color.  :lol:

Here are some of the stuffs inside Defpotec’s bitbit na paper bag for Mamaru as pasalubong from Beijing.

Yung nasa left pic, assorted flavor of Chinese condoms yan. Ayaw nyo maniwala? Buti naman, kasi echoos ko lang yun.

Yung nasa right pic naman, books all about Beijing. Ewan ko kung bakit ako binigyan neto ni Moo. Siguro naisip nya na baka sakali balang araw ay mapunta ako ng Beijing para mamalengke, malaki nga naman maitutulong ng mga libro na to para hindi ako maligaw. Napaka-brilliant talaga ng Defpotec na ‘to.

Marami pang laman yung paper bag na inabot sa akin ng Malacanang ni Moo. Tsaka ko na lang yun ipo-post yung iba.

Ma-sentimyento akong tao. Mahilig ako magtago ng bagay-bagay from people that matter to me.

May isang tin box ako dito sa bahay na ang laman ay:

1. Friendship band namin ni wow_kalabaw (a chatmate).
2. PAL ticket + receipt + boarding pass nung nilibre ako ni Moo at pinag-Mabuhay Lounge.
3. PAL kitchain keychain.
4. Beijing Olympic Bar Pin - last year pa to. Di pa nag uumpisa ang Olympic may pin na ako.
5. Mini-MOO
6. DVD copy of movies, Superman 2 (Richard Donner Cut) tsaka Transformer courtesy of Moo.
7. Blue Magic’s Maureen doll - bigay sa akin ni Koreanmine (nasan na kaya yun?) nung nag eyeball kami. 
8. (Pine) Apple iPhone 
9. Resibo na binayaran ni Moo nung nanglibre sya sa Dampa, Libis noong Feb. 23, 2008. Kasama namin dito si Kengkay and family, Selvo, at Koreanmine. Tinago ko ‘tong resibo kasi alam ko na malamang hindi na mauulit na manlilibre pa si Moo. Tehehe! 
10. (hindi na nakita at natabunan) Keychain na bigay ni Kiko Matsing from Ireland tsaka necklace pendant from Kengkay.

Sa ibang araw at post na lang ulit yung karugtong ng mga kababawan ko.

Tags: ,

19 Responses to “Kababawan”

  1. umleo23No Gravatar Says:

    Ay adek ito! Wahahahaha

    Kakatuwa. Iba-iba klaseng items pala ang kinokolekta mo. Ako rin sa room ko may iba iba akong collection ng rubbers (condoms). Iba iba kulay at iba iba ang flavor at tatak. Ewan ko basta trip ko ung ganun. Then madalas kapag may nakakakita sa mga yun… Tinatanong ako saan ko raw ba ginagamit iyon. DUH! Saan pa nga bah!

    umleo23s last blog post..Excited si L.A.? (Poll)

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on September 20th, 2008 10:46 am:

    at saan nga ba ginagamit yun? ipinapasok ba yun sa daliri? hayysss…ang shunga ko talaga. sensya na ha?

    bwahaha!

    [Reply]

  2. weiNo Gravatar Says:

    grabe..ang damiiii…hahahah~!!!

    weis last blog post..Janice The Menace

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on September 20th, 2008 10:47 am:

    mahirap din ang maging mababaw….daming kalat o basura ang inaakyat sa bahay.

    [Reply]

  3. chuvanessNo Gravatar Says:

    naks. pansin ko lang…puro MOO…MOO..MOOO

    hahahahahha uyyyyyyyyyyyyyy, may gusto hahhahhha

    daiii hamishu…wow….higit one year na tayong magkakilala…i still remember that time na lagi tayong nag co-confe gabi gabi….am really glad that a josa like me have met a josa like you whahahhah

    aylabyu daiiii mwaaaaah

    chuvanesss last blog post..If time travel were possible, what era would you go back to?

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on September 20th, 2008 10:53 am:

    dai!!!! o di ba, si Moo na naman! Si Moo na lang lagi! Moo..Moo..Moo!

    Yaan mo na ko dai, pinaninindigan lang namin yung mga side comments ng iba. Hehehe! Mamatay sila sa inggit.

    nakow! senti mood ka naman agad. wag ka mag alala at mga Josa tau. At mananatili tayong mga Josa habampanahun. Tayo lang ang magkakaintindihan. halabyuto!

    [Reply]

  4. BanannieNo Gravatar Says:

    Niyahaha! Nung nakita ko ang crabtree and evelyn kilala ko na agad eh haha! howell, pareho tayo ng hilig ah mangdekwat ng amenities lol.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on September 20th, 2008 10:55 am:

    NYahaha! dami nyan sa hotel nyo. Penge naman. O kaya swap/trade tayo. Amp! kala mo mga collectible items ha.

    [Reply]

  5. katNo Gravatar Says:

    nung bata ako, lokong-loko ako sa mga malilit na bagay na galing sa eroplano na uwi ng nanay ko like maliit na toothpase, toothbrush, at suklay. ang cute kasi.

    para kang si ross sa F.R.I.E.N.D.S.

    kats last blog post..Teacher Kat’s Nursery School

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on September 20th, 2008 11:02 am:

    para kang si ross sa F.R.I.E.N.D.S. < <<< curious ako dito? :D bakit mo nasabi, palangga?

    [Reply]

  6. glesy the greatNo Gravatar Says:

    stig!!!.. di ko kinaya sa dami… ang cute nung posporo!!!!;p cheers…-glesy the great

    glesy the greats last blog post..sampung mga daliri, patay ang isa…(glesy the great hums sadly)

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on September 20th, 2008 11:08 am:

    ewan ko pero aliw akong tingnan ang mga yan.

    [Reply]

  7. PedroNo Gravatar Says:

    may mga muring muring din akong ganyan na tinatago pero nung bata pa ako nun.

    ngayon eh tinigil ko na. muka daw kasing bakla, hahahaha.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on September 20th, 2008 11:07 am:

    “muring-muring” nyahaha! ang landi pakinggan.

    buti na lang naisipan mong magpakalalaki talaga.

    [Reply]

    PedroNo Gravatar reply on September 20th, 2008 12:26 pm:

    oo nga eh. pero minsan napapansin ko na nakaplinatik ang hinliliit ko pag umiinom ako ng kape. hindi kaya senyales yun?

    [Reply]

  8. kengkayNo Gravatar Says:

    am sure mas malaki pa yung storeroom mo para sa tambak mo kesa sa kwarto mo, hahaha. dati ganyan din ako pero dahil ilang beses na akong palipat lipat ng bahay, nawala na silang lahat, ngayon e libro na lang ang aking koleksyon at barbie dolls, ng mga little kengkays :D

    kung alam ko lang na nagiipon ka ng hotel toiletries e yan na lang pinasalubong ko sa yo, hahaha. di bale, neks taym

    kengkays last blog post..Saranggola ni Pepe

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on September 23rd, 2008 7:18 am:

    mamikeng, hindi pa naman huli ang lahat. pwede mo kong pag ipunan ulit ng basura. hahaha! hapi na ako sa mga ganung pasalubong. :lol:

    [Reply]

  9. selvoNo Gravatar Says:

    hehehe napa ikmayl mo na naman ako langga. di ako masyadong nakakapagblog at magsurf the past month dahil may kampanya na naman akong pinagkaka-abalahan. miss lang gang ;)
    selvos last blog post..On the road again

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on October 1st, 2008 6:52 pm:

    langgaaaa! misyu na rin. lagi kang MIA a. saan ka man magpunta, ingat lagi, langga!

    [Reply]

Leave a Reply