Sobrang Mura Talaga

Water bill IconIsa sa mga hindi ko ipagpapalit sa pagiging probinsyana o pagtira sa probinsya gaya ng Iligan City ay ang malaking agwat ng bayarin (kumpara sa ibang lugar gaya ng Manila) pagdating sa kuryente lalo na sa tubig.

Sa kuryente kung hindi ako nagkakamali, ang Lanao del Norte yata ang may pinakamababang singil ng generation – P/KWH sa mga consumer sa rate naP2.3743.

Mas lalo naman sa tubig. Alam nyo bang isang taon na akong di nagbabayad ng tubig namin.

Eto ang water bill ko nung July 2008. Ang sabi dito naka-consume kami ng mga bagets ko ng 13 cubic meter na tubig. Hmmn…malaking tipid pala ang maligo lang ng once a week lang. Tehehe! Siempre joke lang yun.

Mura lang talaga tubig dito sa amin kasi nga City of Waterfalls ang lugar namin.

P20.00 ang bill namin noong August 2008. Mas mababa ang total kasi lumuwas ako ng Maynila noong August at sampung araw din akong nawala.

Ibig sabihin, pag sampung araw akong hindi maligo sa bahay namin at maghugas ng anu ko ay bababa ang babayaran ko ng P6.90 sa tubig. Kaya imbes na P26.90…P20.00 na lang. Ayus pa sa olrayt!

Pag binayaran ko ang bente petot kong bill na ‘to, sasakay ako ng dalawang beses sa dyip at isang de-padyak para makarating sa upisina nila. Nagkwenta ako.

4 sakay (balikan) sa dyip (P8.00 x 4) = P32.00

2 sakay sa de-padyak (P6.00 x 2) …….. 12.00

Total = P44.00

Dios mio perdon!  Mas malaki pa ang gagastusin kong pamasahe sa kesa monthly bill ko! Wag na uy!

Tsaka ko na lang bayaran pag may disconnection notice na. Lols.

28 thoughts on “Sobrang Mura Talaga

  1. Tamang tama nga ang title mo. Sobrang mura talaga. 😮

    Dito samin, ang laging range eh 600 – 900 pesos. Amp.

    Napadaan lang pala, ewan ko kung kaninong bahay ko nakita tong link mo. 😆

    kirksydneys last blog post..Pinaghalo halo.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    hello! O di ba, mapapamura ka talaga sa baba ng singil ng tubog sa amin. tsaka kahit isang taon na ako di nagbabayad…keri lang daw kasi cute naman daw ako. Tehehe! Joke!

    maraming salamat sa pagdalaw. yung mga pers taymer na napapadaan dito hinahalikan ko talaga kaya pa-kiss! mwaaah! (alat!)

    [Reply]

    kirksydneyNo Gravatar Reply:

    Kapag second taymer kaya more than kiss na? Nyahaha. 😆

    kirksydneys last blog post..Creativity in advertising.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    hmmmn more than a kiss…gusto mo tumuwad? hehe

    [Reply]

    kirksydneyNo Gravatar Reply:

    Baket ako? Dapat ikaw. 😆

    kirksydneys last blog post..Bigtime stalker.

    [Reply]

  2. ang saya naman nun! 3000 ang maynilad water bill namin, na paghahati-hatian ng 15 housemates sa company staff house.

    sana tama yang billing na yan. yun kasing lintek na sun cellular tig-100 plus lang ang nakasulat sa bill ko ng 2 buwan at nakalagay “no payment reuqired” tapos itetext-text nila akong dalwang libo na pala.

    kats last blog post..Teacher Kats Nursery School

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    whew! 3K sa tubig? olala! kunsabagay alam ko kasi nakikita ko rin yung bill ng bro ko na nakatira sa cainta. malaki din binabayaran nila.

    [Reply]

  3. huwaw!!! samintalang samin ang tubig namin libo ang inaabot, lintek kasi ginawa kaming commercial.. at ang kuryente namin, same story din… pwede bang pa-extend ng waterfalls jan papunta dito sa tubo ng tubig namin.. cheers-glesy the great

    glesy the greats last blog post..sampung mga daliri, patay ang isa(glesy the great hums sadly)

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    pwede! aktwali balak kong gawin negosyo yan. malakas nga pressure tubig dito sa amin. kelan ka bibili ng hose?

    [Reply]

  4. Wow! Kaingit naman bill mo sa tubig, Mamaru! Iba talaga sa probinsya malaki tipid mo at kapag masipag ka magtanim may instant ulam na.

    JETTYs last blog post..Here goes my AJ again!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    yun nga lang, pretty jetty. tamad akong magtanim. puro damo ang tumutubo dito sa amin. di mo ba napapansin, laging akong bangag. hehe!

    [Reply]

  5. dati kami, 75 pesos lang ang waterbill sa loob ng mahabang panahon at mga 5-6 kami sa bahay. hehe. sira naman pala ang metro ng tubig namin. hahaha.

    mnel pascuals last blog post..Google It!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    eh pag sinira ko ang metro ng tubig naminbaka maging negative at bayaran o mag refund pa ang waterworks sa akin. hahaha!

    [Reply]

  6. Hi, I found your blog on this new directory of WordPress Blogs at blackhatbootcamp.com/listofwordpressblogs. I dont know how your blog came up, must have been a typo, i duno. Anyways, I just clicked it and here I am. Your blog looks good. Have a nice day. James.

    [Reply]

  7. korekek ka sis maru, talagang ang laki ng pagkakaiba ng buhay sa probinsya kesa sa Manila. Kaya nag migrate na rin kami sa Pangasinan, dahil mas maganda para sa akin ang buhay doon.

    Mura pa ang mga bilihin lalo na sa palengke. Saka mas maganda ang life-style sa probinsya kesa sa Manila.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    gusto ko yung bakasyon lang ako sa Manila. mas tamihik ang mamuhay sa probinsya…less ang stress, less ang gastos, at simple lang ang buhay.

    [Reply]

  8. samantalang akala ko’y pinakamura kami sa davao dahil ang range ng binabayaran namin sa bahay eh P80 hanggang P150 lang, depende sa lakas ng gamit.

    hmmmm….maka-migrate nga sa iligan.. ano bang time difference ng iligan at davao? 😀 hehe (nabasa ko rin kasi yung isang post mo kasama si def)

    utakmunggos last blog post..ANG START NG SIMULA

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    prend, since mas mahal ang airfare from manila to davao kesa manila to iligan, so mas malayo kayo, derpor mas ahead ng 3 minutes ang iligan kesa davao. wahaha!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *