Sabi ng mga hair expert, para daw mas lalong maging maganda ang buhok…wag mag-stick sa iisang brand ng shampoo. Kung pwede ay paiba-iba daw at sa kung anong rason, di ko na inalam. Keber ko ba!
Kahit hindi ko basahin yung sinabi ng mga expert, mahilig na talaga ako gumamit ng iba’t-ibang brand ng shampoo dahil madali ako magsawa sa iisang klase lang.
Paminsan-minsan andun yung trip ko subukan ang mga horse shampoo, o kaya dog shampoo, o kaya shampoo ng mga pusiket. Joke!
Pero since nung binigyan ako ng ate ko ng isang kahon ng shampoo + conditioner in sachets, hindi na ako nakakabili ng ibang shampoo. May grocery store kasi ang ate ko at kahon-kahon pag namimili ng supplies na paninda. Minsan nakaka-tiempo sya ng halimbawa, buy 2 boxes of Tide bareta with free 1 box din. Yung mga ganun.
Kaya eto…binigyan nga ako netong Sunsilk. May mahigit na 300 sachets ang laman ng kahon, kumbaga kung araw-araw akong magsa-shampoo, pang isang taon na supply ko din to! Bakit pa nga ba naman ako bibili pa ng iba eh meron naman - libre! Tsaka baka mapanis ‘to pag pinaabot pa ng lampas 2 taon para ubusin.
Pag pumasok ka sa banyo namin, huwag kang magtaka kung bakit may nakasabit na gunting na nakatali sa may lagayan ng shampoo namin. Mistulang may munting sari-sari store tuloy dun sa loob ng cr namin. Hehe! Eh kasi ayoko na magpunit ng shampoo sa pamamagitan ng ngipin dahil minsan halos bumula ang bibig ko nung nakakain ako ng shampoo. Ang sama ng lasa! Pwe!
Maraming mga libre-libre ang ate ko. Mga sabon, powdered juices, sanitary napkins, pantyliners, lotions, at kung anik-anik pa.
Kahapon, binigyan na naman ako nya ako ng 2 dozen of toothpaste in sachets, so mga 49 sachets din lahat yun kasi buy one, take one. Abah! hindi na masama di ba?! Laking bawas din ‘to sa buwanang pang grocery na budget ko. Siguro naman makakapag-ipon na ako ng pang-lalaki ko.
Tags: freebies, single-parenthood

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 












September 22nd, 2008 at 2:13 pm
hahaha,
minsan gimik din nila yan,
kahit hindi mo kailangan,
or di mo type yung brand,
mapapabili ka kasi doble
ang makukuha mo, hahaha
thanks sharing.
mikos last blog post..Blogtasan: Traditional VS Bloggermania
[Reply]
MARU
reply on September 23rd, 2008 7:15 am:
ay trulili yan. marketing strategy bagah lalo na dun sa mga non-moving items nila. minsan yung mga ganyan ang nakakasira sa budget na pang grocery.
maraming salamat sa pagdalaw, miko. mwaaaah!
[Reply]
September 22nd, 2008 at 2:34 pm
I think totoo nga na dapat paiba-iba ng shampoo. kasi tingin ko sa hair ko, nagiging immune sya sa isang shampoo tapos hindi na umeepekto sa buhok ko. sana nagegets mo ang sinasabi ko dito. hehehe. Tapos pag new shampoo na, ok na ulit ang resulta. :p
[Reply]
MARU
reply on September 23rd, 2008 7:12 am:
getching kita, dear. at agree ako sau.
uyyyyy! likey ko ang avatar mo. kaw ba yan?
[Reply]
September 22nd, 2008 at 3:31 pm
ang mura ng water bill nyo tapos ngayon naman ang dami mong libreng stuffs. parang ang sarap sarap naman ng buhay mo hehehe.
[Reply]
MARU
reply on September 23rd, 2008 7:10 am:
gusto mo ampunin na kita? naghahanap kasi ako ng BUBUHAY sa akin. lols.
[Reply]
September 22nd, 2008 at 3:48 pm
Sana Maru pag bibili ka (tayo) ng lalaki, meron din buy 1 take 1 (or more pa)!!! hahaha anak ng keting talaga…
[Reply]
MARU
reply on September 23rd, 2008 7:09 am:
at pag nakabili tayo…gusto mo SWAP tayo? pag isipan mo. ang saya siguro. madali lang naman akong kausap. hahaha!
[Reply]
September 22nd, 2008 at 3:58 pm
Huwaw!!!
Huwaw sa dami!hehe
kroakys last blog post..Writing is Bliss
[Reply]
MARU
reply on September 23rd, 2008 7:07 am:
huwaw sa dami! huwaw at libre! san ka pa! hehe! salamat sa dalaw, kroaky. pa-kiss! mwaah!
[Reply]
September 22nd, 2008 at 4:35 pm
Hanep ah. Ipunin mo lang lahat yan tapos magtayo ka ng sariling grocery store mo. Amp kinalaban pa si ate eh noh. Bwahaha.
kirksydneys last blog post..Creativity in advertising.
[Reply]
MARU
reply on September 23rd, 2008 7:02 am:
hmmmn…sariling grocery store sa loob ng CR? ok ba, watchutink?
at dahil 2nd time mo na to sa blog ko… bibigyan kita ng isang sachet ng shampoo tuwing bisita mo- libre!
ipunin mo lang muna ng ipunin at pwede mong i-claim yun sa pasko. lols. kaya balik ka ulit ha?
[Reply]
September 22nd, 2008 at 8:54 pm
huwaw! pahingi ng shampoo mamaru! bait naman ni ate!
[Reply]
MARU
reply on September 23rd, 2008 6:56 am:
wag ka na mag shampoo, di ka naman naliligo.
[Reply]
September 22nd, 2008 at 11:05 pm
nakakatuwa naman, ang daming freebies!
mayuis last blog post..Pagkakaibigang Walang Katulad
[Reply]
MARU
reply on September 23rd, 2008 6:52 am:
korek! sabi nga, the best things in life are…..FREEBIES! lols!
[Reply]
September 23rd, 2008 at 10:07 am
aba, dahil marami kang freebies, marami kang maiipon. tamang-tama, magpapasko na. wala ka nang rason na sabihing wala kang pera pambili ng gift ko. hahaha.
antukens last blog post..daily dose of laughter
[Reply]
September 24th, 2008 at 12:17 am
Ay sus, yan naman ang laki ng prob ko, sa kagagamit ng ibat ibang shampoo ang lakas mag lagas ng hair ko, imbierna na nga ang bhe ko, sa dami ng hair fall ng kama namin, ndi ko na tuloy alam kung anu pang itry ko na shampoo… pero kung freeebies, maglagas na nga sya, sayang ang freee… hehhehe
melais last blog post..Is He The One?
[Reply]
MARU
reply on September 24th, 2008 7:54 am:
anong klaseng hair ba yung naglalaglagan sa kama nyo? straight ba o kulot?
pareho ba tayo ng iniisip o ako lang ang nag iisip ng ganito? tehehe! gastos mo pala sa shampoo…wag mo na kasi shampohan yun. lols.
[Reply]