Ang Sosyal Na CR

Author: MARU  //  Category: Humor

 

Ganito ang Public Toilet sa Montreal:

Ayan, nakita nyo na ang tsura/porma sa labas. Ganda ‘no? Ang Sushal!

Ngayon tingnan naman natin yung inside view.

Ayannnn!

‘Tong palikuran na ‘to is made entirely of one-way glass!  Walang makakaboso sa ‘yo from the outside, pero pag nasa loob ka naman eh para kang nakaupo sa isang malaking clear glass box! 

Nanayko! Ano kaya feeling nung jume-jebs ka, umiire, tas dadaan-daanan ka ng mga pipol at palingon-lingon sa yo. Hindi kaya bumalik sa loob ang popo mo? Tehehe! Eh tayo pa naman, natural na sa atin na pag may salamin eh titingnan talaga ang sarili. Kahit nasa public, pag may salamin andun pa nga yung titigil at mag aayos ng buhok, damit, o kaya magtitinga pa.

Pero parang epektib at nakakatuwa ang ganitong toilet kasi hindi magtatagal sa loob ang gumagamit kasi kita nya agad kung may susunod na gagamit. Siempre mako-conscious at mag-aapura yung nagpaparaos sa loob. (bakit parang ang bastos pakinggan ng gamit kong salita…paparaos?)

Ikaw, KAYA mo bang magparaos/gumamit ng banyo na gaya neto?

 

Tags: ,

13 Responses to “Ang Sosyal Na CR”

  1. foobarphNo Gravatar Says:

    ayos! as if naman kayang i provide ng gobyerno natin yan.

    jumebs or magwiwi na lang kayo sa lata, pwede pa. nyahaha!

    foobarphs last blog post..Charice Pempengco and Celine Dion Duet Because You Love Me [Video]

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on September 24th, 2008 7:26 pm:

    yung pink toilet nga ng MMDA eh palpak!

    [Reply]

  2. umleo23No Gravatar Says:

    waaaahhhh hindi ako makakapag focus nyan! grabe nakaka-ilang yan…

    umleo23s last blog post..WORD WAR sa Blogosphere?

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on September 24th, 2008 7:28 pm:

    hahaha! korek! para kang nasa window display ng isang dept. store.

    [Reply]

  3. mayuiNo Gravatar Says:

    tingin ko di ko kaya. ahaha. nakakahiya kahit di nakikita eh.

    mayuis last blog post..Pagkakaibigang Walang Katulad

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on September 24th, 2008 7:29 pm:

    pag nag wiwi ka…tuwing may dadaan na tao, mauudlot! haha! kaka-praning!

    [Reply]

  4. katcarneoNo Gravatar Says:

    ang weird naman pag nasa loob ka niyan. pag nasa fitting room nga ako ng SM napaparanoid ako at tinitingnan ko kung may hidden cam, eto pa kaya. hindi ko kaya to!

    katcarneos last blog post..Black Beauty

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on September 24th, 2008 7:25 pm:

    naku! pareho tayo. hindi ako masyado kampante sa mga fitting room ng mga dept. store. tsaka sa CR ng mga bar. pakiramdam ko may hidden cam. kaka-praning.

    [Reply]

  5. kirksydneyNo Gravatar Says:

    Uuro kung anuman ang dapat lalabas. :lol:
    kirksydneys last blog post..Bigtime stalker.

    [Reply]

  6. ChicoNo Gravatar Says:

    Medyo sanay na akong nag ccr lol

    Chicos last blog post..Stickies #005: Murang Edad

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on September 28th, 2008 9:33 am:

    sus, ikaw pa! peborit place mo na yata ang CR. hehehe

    [Reply]

  7. MahaliaNo Gravatar Says:

    ay naku di ko kaya yan, may phobia talaga ako sa public cr. naalala ko tuloy yung isang insidente nang bago palang ako dito…salmat sa post na ito, nagbalik ang mga memories ko. ini-link kita para madalaw kita lagi, malilimutin ako eh.

    Mahalias last blog post..Hmmm Melamine

    [Reply]

    MARUNo Gravatar reply on September 28th, 2008 9:16 am:

    hello mahalia. ngayon pa lang mahal na kita. hehehe! echoos! salamat sa link at sa pagdalaw.

    [Reply]

Leave a Reply