Uso Pa Ba Si Robin Padilla?

Minsan, naitatanong ko, ilan pa kayang Robin Padilla ang meron sa mundong ‘to?

Naalala ko, nasa college pa ako noong kasikatan ni Binoe. Susme! daming chiquititas, artista man o hindi ang talagang nahumaling kay Robin. Siempre isa na ako dun sa mga arista. (Oo, artista ako, kasi ang arte-arte ko di ba?)

Pag katrabaho nga daw ‘tong si Robin sa paggawa ng pelikula, bihira sa mga leading lady nya ang nakakaiwas na hindi ma-inlab sa kanya. Daming nagtaka kung bakit at kung ano ang sekreto meron si Padilla eh hindi naman sya kagwapuhan (pero nag uumapaw naman sa mala-hayup na sex appeal, dai!).

Ayun! Kaya naman pala. Eh maalaga nga daw ‘tong si Badboy sa bebot na kasama nya. He has his own way to make the girl feel an every inch a – lady, inside and out.

Totoo, andun yung hanggang sa umabot na maramdaman na lang halos daw ng babae na para siyang lumpo o disabled pag sinisilbihan o inaaalalayan ng aktor. Bah! pag ganun nga naman ang pagdadala lagi ng lalaki sa babae…sino ba naman ang hindi bibigay?

Well, sa panahon ngayon medyo malaki at marami na ang pagbabago sa treatment ng mga lalaki sa mga bebot. Yung iba halos walang babae-babae sa kanila. May kaibigan nga akong ni hindi man lang ako maikuha o maitawag ng taxi. Yung mga ganung kaek-ekan, kung tutuusin maliit na bagay at pwedeng balewalain lang pero kahit na, kaka-turnoff pa rin pag hindi naaalalayan ang isang babae.

Medyo may mangilan-ngilan pa rin naman ngayon na ala- Robin Padilla kung dumiskarte pero yung nga lang, asahan mong sa umpisa lang yun, ateng! Andun yung halos sambahin ka at himurin ang lupang nilalakaran mo (exajs!) habang nanliligaw. Pero wag kaaaa! Sa pa-impress lang pala yun at andun yung mga dalawang araw lang pala ang itinatagal ng ibang hindut na gentleman kunyari. Hehe!

15 thoughts on “Uso Pa Ba Si Robin Padilla?

  1. mama maru…

    kitang-kita ko po na hindi na uso ang pagiging maginoo lalo na dito sa merlion city, mas nakikita ko ngayon kasi buntis si misis, tapos kung sino pa ang babae siya pa ung magbibigay ng upuan sa bus or train, or mag-ooffer ng tulong. nakakadismaya lang, kasi meron pa silang tinatawag na courtesy campaign and yet wala pa din epek sa mga lalake. madalas dedma sila o kay nagtutulug-tulugan.

    sorry, dito ako nag-rant, hehehe!

    ps. add mo ako sa blogroll mo, hehehe!

    echos last blog post..UAAP is Wakanasusha!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    bah! kahit papano may maginoo pa naman dito sa atin kasi naalala ko noong jontis ako…sarap nga kasi laging may nag aalok ng upuan sa bus.

    uy sige, no problemo. sensya na at lagi ko nakakalimutan ang i-add kita sa blogroll ko.

    [Reply]

  2. pero… guwapo siya talaga Goddess Maru! makalaglag ng funtee!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    abhie, sensya na pero hindi na sya kagwapuhan ngayon dahil siguro sa nagkaka-edad na rin. pero nung medyo kabataan nya….sus agree ako sau, makalaglag funtee at makabaklas bra, ateng!

    [Reply]

  3. oo…noong college halos lahat gustong maging bad boy crew cut na gupit maong na gawa sa recto levi’s 5ewan, pati combat boots at puting sando yung iba pati pasakang n paglalakad eh ginaya……pero sa tingin ko nag laon din ang ala bad boy noon na uso yung cargo pants…..tapos halos lahat naman gustong maging conyo….pa text text…….pag ala robin ka noon jologs na tawag syo

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    hehehe! uu nga…mukang magka-age nga yata tayo. nasa 80’s ang kabataan natin. hays…wag na nga natin pag usapan ang age.

    salamat sa pagbabasa, pre.

    [Reply]

  4. wowowowow….
    meron pa namang mala robin sa pagaalala at pagaalaga sa chicks no.. maraming living proof! hahahahahahahaha……. basta!

    sabi naman sayo bigyan mo ng chance yung iba jan sa tabi tabi mo e… di ba yun yung motto ng tropa ko? malay mo anjan lang pala yun para naman hindi ganito yung mga posts mo maru.. heheh wink* wink*

    ronturons last blog post..Problemang pagibig

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    bigyan mo na lang kasi ako. pag bigay mo…papansinin ko. naks!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *