May Gamot Nga Ba?

Habang kasalukuyan ay nagkakaroon ng historical na problema/krisis sa ekonomiyaang United States of America at mga ibang bansa kasama na ang Pilipinas, palagay ko wala na yatang tatalo pa sa bigat ng problema ang isang PINOY na napunta dito sa blog ko.

Siempre masasabi kong pinoy ang may problema na ganito dahil tagalog ang pumasok na Search Engine Termssa blog dashboard ko.

Nangangalap po ng kasagutan ang kababayan natin na ‘to. Tulungan po natin sya.

Eto po ang hinahanap nya:

* himasinklik mo para lumaki

Nyeta! Hindi ko alam kung matatawa ako o anoveh! Gusto ko talaga syang tulungan kaso hindi ko pwedeng i-share sa kanya ang sekret ko. Haha! Dyoks!

Nananawagan ako kung sino man ang may alam na solusyon o gamot para sa hinahanap ng isa nating kababayan na ‘to, kung pwede ay ipagbigay-alam nyo AGAD sa akin.

At dun sa nag search ng keywords na ‘to, kung lalaki ka, parang gusto kitang makilala sa personal as in! Ngayon pa lang labs na kita kasi parang alam ko na yata ang size ng “toooooot* mo dahil sa problema mong ‘to.

At kung babae ka, sori ateng, inosente ako sa mga ganyan at ipanawagan mo na lang yan kay Dra. Margie Holmes. Gudlak.

Plastik. Paltik.

Marami akong glossy magazines dito sa bahay. Women, men, gadget, food, home and living magazines and etc, sandamakmak meron ako dito.

At pwede ko sabihin sayo, kahit ikulong mo ko sa kwarto ng isang linggo ng kahit walang sex TV, basta may magazines, solb na ako (opps! plus internet nga pala).

Pag nakakaluwas ako ng Manila, andun yung naghahakot pa ako ng mga back issues of glossy magazines mula sa Filbars at Book Sale. At kahit mabigat ay inuuwi ko talaga yun dito sa probinsya.

Sobrang eye-candy ang mga cover girls ng mga glossies ngayon,josko, talaga naman ang gaganda nila. Para silang mga JOSA, as in!! Ang papayat, kikinis, mga kutis-porselana at halos perpek na talaga.

Pero kung nag isip ka naman andun yung mapapatanong ka ng…TOTOO ba tong mga itetch? Siempre alam naman natin na resulta lang halos ang lahat ng mga yan ng mga magagaling sa Adobe Photoshop.

Naglipana na ang mga plastic na tao ngayon. Hindi lang sa ugali kundi pati sa itsura. Ang daming Paltik! Andun yung paltik na suso, paltik na nguso, paltik na kuko, paltik na kilay, paltik na pwet, paltik na kulay ng buhok, kulay ng balat, paltik na ilong at may paltik pa na pekpek!!! Kahit sa sex, andun din yung paltik din na orgasm. Hayssss!

Mukang pahirapan na yata ngayon ang makakita ng natural na ganda at makatagpo ng tunay na tao a.

Sa ngayon, ang may pinaka bonggang-bongga at pinakamalaking kita na propesyon sa buong mundo ay ang mga plastic surgeons yata. Kung ikaw ay nag aaral ng medisina at nagbabasa ng blog ko ngayon, kung ako sa ‘yo, magpaka dalubhasa ka na sa pag ma-magic ng mukha at katawan, yung maging ekspert sa “aesthetic surgery or cosmetic plastic surgery!” Itaga mo sa bato, yayaman ka ng todo, sigurado yan!

Isa sa mga nalalaman kong dahilan ng mga pasyente na nagpapa-retoke ng anyo nila ay para daw siempre gumanda at magkaroon ng confidence sa sarili.

Howel, siguro nga may tama sila. Pero sabi nga ng isang doktor dun sa Brgy.Taboneknek (hindi si Doc Aga); despite all the work they get done to their cheekbones, their pouty lips and their boobs, they’re still the same insecure person inside.

Ka date-date nga siguro ang mga ganitong babae kasi nga naman nakakalibog o pamatay sa shape ng katawan o ayos ng mukha. Sa porma pa nga lang daw eh ulam na at talaga naman kinukuyog ng mga lalaki.

Pero sabi nga ulit nung doktor na taga Brgy. Taboneknek, kadalasan naman daw after ng mga ilang oras ng blah blah blah sa date o mga dalawang tagay ng mga drinks na nakakataranta, ayun, lalabas at lalabas pa rin daw talaga ang insecurity ng tao sa sarili o yung totoong kulay nila. Kumbaga, yung physical attractiveness nila at pagiging interesante ay hindi nagiging long lasting. So ayun, wala rin pala. Olats pa rin!

May mga natural na bagay o katagian ang tao na hindi talaga pwedeng baguhin. Gaya na lang ng good character, sense of humor, intelligence o kaya yung sex appeal mismo ng tao. Ay naku, hindi pwede pekehen ang mga ‘to.

Speaking of sex appeal – fifty-fifty yan. 50% ay yung natural na meron ka talaga, at 50% ay yung TINGIN ng mga tao na meron ka. Para naman sa akin, it’s either you have it or none at all. Walang pipti-pipti.

Teka, bakit nga ba nakapag-blog ako ng ganito ngayon? Halatang bang bitter ako? Paksyet kasi yung cover ng magazine na nakita ko kanina. Habang tinititigan ko bigla akong nainsecure! Tehehe!

SMS Jokes 10.03.08

Erap and some companions went to a drinking bar, when he read a sign saying:

“BELOW 18 NOT ALLOWED”

Erap said:

“Wag na tayong tumuloy, ELEVEN lang tayo, kainis!”

* * *

Lumapit si baby centipede kay daddy centipede at me binulong….

Hinimatay ang dad.

Anong binulong ng anak?

“Dad, bili mo ko slippers. . . Havaianas!”

* * *

Ako si Sam Milby, ang kalaban na umiibig sa Dyosa.

Ako si Luis Manzano, ang lihim na umiibig sa Dyosa.

Ako si Zanjoe Marudo, ang mortal na umiibig sa Dyosa.

At ako si Piolo Pascual….

…ang Dyosa!

* * *

ISANG BREAK UP SCENE:

GF: “Hiwalay na tayo!”

BF: “Akala mo makakahanap ka pa ng tulad ko?!”

GF: “Bakit, akala mo maghahanap pa ako ng tulad mo?”

Taob!

* * *

MR: “Bad breath ka na naman, love!”

MRS: “Lasing ka na naman, animal ka! Umayos ka nga ng higa ng hindi yung pekpek ko ang kinakausap mo!”