Marami akong glossy magazines dito sa bahay. Women, men, gadget, food, home and living magazines and etc, sandamakmak meron ako dito.
At pwede ko sabihin sayo, kahit ikulong mo ko sa kwarto ng isang linggo ng kahit walang sex TV, basta may magazines solb na ako (opps! plus internet nga pala).
Pag nakakaluwas ako ng Manila, andun yung naghahakot pa ako ng mga back issues of glossy magazines mula sa Filbars at Book Sale. At kahit mabigat ay inuuwi ko talaga yun dito sa probinsya.
Sobrang eye-candy ang mga cover girls ng mga glossies ngayon…josko, talaga naman ang gaganda nila. Para silang mga JOSA, as in!! Ang papayat, kikinis, mga kutis-porselana at halos perpek na talaga.
Pero kung nag isip ka naman andun yung mapapatanong ka ng….TOTOO ba tong mga itetch? Siempre alam naman natin na resulta lang halos ang lahat ng mga yan ng mga magagaling sa Adobe Photoshop.
Naglipana na ang mga plastic na tao ngayon. Hindi lang sa ugali kundi pati sa itsura. Ang daming Paltik! Andun yung paltik na suso, paltik na nguso, paltik na kuko, paltik na kilay, paltik na pwet, paltik na kulay ng buhok, kulay ng balat, paltik na ilong at may paltik pa na pekpek!!! Kahit sa sex, andun din yung paltik din na orgasm. Hayssss…
Mukang pahirapan na yata ngayon ang makakita ng natural na ganda at makatagpo ng tunay na tao a.
Sa ngayon, ang may pinaka bonggang-bongga at pinakamalaking kita na propesyon sa buong mundo ay ang mga plastic surgeons yata. Kung ikaw ay nag aaral ng medisina at nagbabasa ng blog ko ngayon, kung ako sa ‘yo, magpaka dalubhasa ka na sa pag ma-magic ng mukha at katawan…yung maging ekspert sa aesthetic surgery or cosmetic plastic surgery! Itaga mo sa bato, yayaman ka ng todo, sigurado yan!
Isa sa mga nalalaman kong dahilan ng mga pasyente na nagpapa-retoke ng anyo nila ay para daw siempre gumanda at magkaroon ng confidence sa sarili.
Howel, siguro nga may tama sila. Pero sabi nga ng isang doktor dun sa Brgy.Taboneknek (hindi si Doc Aga); despite all the work they get done to their cheekbones, their pouty lips and their boobs, they’re still the same insecure person inside.
Ka date-date nga siguro ang mga ganitong babae kasi nga naman nakakalibog o pamatay sa shape ng katawan o ayos ng mukha. Sa porma pa nga lang daw eh ulam na at talaga naman kinukuyog ng mga lalaki.
Pero sabi nga ulit nung doktor na taga Brgy. Taboneknek, kadalasan naman daw after ng mga ilang oras ng blah blah blah sa date o mga dalawang tagay ng mga drinks na nakakataranta, ayun, lalabas at lalabas pa rin daw talaga ang insecurity ng tao sa sarili o yung totoong kulay nila. Kumbaga, yung physical attractiveness nila at pagiging interesante ay hindi nagiging long lasting. So ayun, wala rin pala. Olats pa rin!
May mga natural na bagay o katagian ang tao na hindi talaga pwedeng baguhin. Gaya na lang ng good character, sense of humor, intelligence o kaya yung sex appeal mismo ng tao. Ay naku, hindi pwede pekehen ang mga ‘to.
Speaking of sex appeal - fifty-fifty yan. 50% ay yung natural na meron ka talaga, at 50% ay yung TINGIN ng mga tao na meron ka. Para naman sa akin, it’s either you have it or none at all. Walang pipti-pipti.
Teka, bakit nga ba nakapag-blog ako ng ganito ngayon? Halatang bang bitter ako? Paksyet kasi yung cover ng magazine na nakita ko kanina. Habang tinititigan ko bigla akong nainsecure! Tehehe!
Tags: kaplastikan, paltik, plastic surgery, sex appeal, vanity, wellness, women

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 




October 3rd, 2008 at 4:42 pm
galing nga ng photoshop mami. sa FHM ngayong october si Jean Garcia ang cover. HOT MAMA pa rin talaga si Jean. Halatang konti lang niretoke dahil sexy pa rin naman talaga sya.
CONGRATS po pala sa pagkakasama mo sa TOP 10 BEst Humor Blogs sa PLLP ni Badoodles.
popoys last blog post..Aslamahon: Kabanata 3: Ang Pagyao
[Reply]
MARU
reply on October 6th, 2008 7:01 am:
kahit naman sa TV…hot momma talaga si Jean kaya kapani-paniwala din yung pinakita nya sa FHM. Hindi gaya ng iba na parang dami inayos.
Maraming salamat, poy.
[Reply]
October 5th, 2008 at 1:58 pm
at oo! may nakita akong hot mama minsan sa filbars sa galleria. at naku, talagang maglalaway ka. ahihihi!
[Reply]
MARU
reply on October 6th, 2008 7:12 am:
AKO yunnnnnnnnnnn! Bwahaha! Honga ano, may dala-dala nga pala akong mga back issues ng magazines from Filbars nung nagkita-kits tayo. Hehe! Ngayon ko lang naalala.
[Reply]