Nakakasiguro Ka Ba?

screenshot_58

FOR SALE ngayon ang Philamlife Insurance dahil sa pagka-bangkarote ng me-ari na AIG dun sa Amerika. Pinag iisipan ko kung sasaluhin o bibilhin ko na lang ang Philamlife dito sa Pinas para naman may pagka-abalahan ako bukod sa polvoron ko dahil bored na bored ako netong mga araw.

Lupit noh, kala mo bibili lang ako ng P20 all-text selpon load sa kanto.

Speaking of insurance and pre-need plan, nakow! Dismayado na ako sa mga yan. Napunta lang sa wala ang pinaghirapan kong bayaran na “educational plan” na kinuha ko sa CAPdati para sa mga bagets ko.

Halos nagpakapokpok pinokpok ko sarili ko sa kata-trabaho nun sa Dubai para makapag bayad lang. Yung kay Kevin, fully-paid na talaga yun pero yung kay Keziah ang hindi ko natapos.

College na ngayon si Kevin ko at sa awa ng Diyos, ni hindi ko man lang napakinabangan ang college plan nya na pinaghandaan ko noon dahil sa pagsara ng CAP. Hindi na rin ako naghabol pa. Eh ako fe! Wala akong ka tyaga-tyaga sa habulan.

Alam ko naman na pahirapan lang ang mangyayari. Nakita ko kaya sa TV ang hirap at galit nung mga naghabol na planholders. Kunsabagay hindi ko sila masisisi lalo na kung lahat ng anak nila ay ikinuha nila ng educational plan tapos mate-tenkyu lang?

Nakakapanghinayang na napunta lang sa wala ang mga tiniis kong pagbabayad sa mga kumpanyang pinagkatiwalaan kong makakatulong sana sa akin sa pagpapa-aral ng mga bagets ko. Akala ko makakaunawa mga yun sa paghihirap ng mga katulad kong solo parent.

AT dahil wala akong napala dun sa pre-need plan ko, eto, sa akin pa rin ang lahat ng gastusin at buti na lang skolar anak ko sa pinapasukan nyang school ngayon. Miscellaneous fee lang ang binayaran ko noong enrolment. Buti na lang at nagmana suckin’ ang junakis ko sa talino. Yey! Lols.

Sa pagbagsak ng CAP, Grepalife, PEP Plan, Leche Flan, at ngayon nga eh yungPhilamlife na rin dahil sa pagkalugi ng AIG… eto lang ang masasabi ko –WALANG SIGURADO DITO SA MUNDO.

Kahit anong yaman mo, kahit anong laki mo o anong tayog mo, wala pa rin kasiguraduhan na hindi ka babagsak. O di ba, sino mag aakala na lulubog ang Titanic? Na guguho ang Twin Tower sa NYC? Na maba-bankrap ang Lehman Brothers at malulugi ang AIG?

Wala pala talaga sa mga bagay-bagay ang kasiguraduhan sa mundo. Dapat dun lang pala tayo kay Papa Jesus humingi ng insurance. Naks! Amen? Ok, Raise da roof!

Enways, balik tayo sa nagpapagulo sa utak ko ngayon. Bibilhin ko na ba angPhilamlife?

20 thoughts on “Nakakasiguro Ka Ba?

  1. Nakupo uso yan sa mga plans ngayon. Pero hanep ah, pati Philamlife eh apektado? Laking kompanya yan ah.

    Pwede ba ko maging kasyoso mo? 😆

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    ayaw mo bang maging kasosyo ng puso ko? tehehe!

    [Reply]

    kirksydneyNo Gravatar Reply:

    Pwedeeee!!!

    [Reply]

  2. ngak. biktima ka rin pala ng CAP. tsk. saklap ng inabot mo, alam ko kung ano ang tiniis mo sa abroad para lang makapagbayad sa mga iyan. laki nga ng binayaran ko sa hospital ngayon eh, pero ayos lang dahil nakuha naman namin ang services na kapalit. eh yung tenkyu lang eh ang hirap non.

    bullshit talaga yon, nagpokpok ka kamo? hehehe.

    R.J.s last blog post..children of valentines

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    korek! pinokpok ko dati ang sarili ko sa kata-trabaho.

    daming nadismaya sa CAP nung na-bangkrap. tae nila!

    [Reply]

  3. wala ako alam jan… dahil ngaun… wala pa rin samin ang kumukuha ng kung anu-anong plan…

    nung nag-aaral pa ako… ang plan lang na kinuha ko eh yung lesson plan ng teacher ko… pero binabalik naman namin bago siya bumalik…

    tapos iba pala ang ituturo ng teacher na un… kaya wala din ako tiwala sa mga plan-plan na yan… hehehe…

    vhonnes last blog post..Metallica Girl

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    amp! walang kwenta nga ang plan na yan!

    buy ka na lang ng memorial plan, dude. mas sigurado yun. yung buy one take one ang kunin mo. lol.

    [Reply]

    mang badoyNo Gravatar Reply:

    matikman ka nga pag uwi ko este yung pulvoron mo pala!

    mang badoys last blog post..BSS: kendi part II

    [Reply]

  4. buti na lang wala pakong anak kundi nagbabayad din ako nyan at mamumura ko sila ng sobra sobra…

    ang sarap mo naman maru este ng bago mong theme./….

    mang badoys last blog post..new post

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    badoyyyyy! hamisyu hir en may blog.

    di ka talaga magkaka-anak pwera na lang kung magpapakabit ka ng matris. lol.

    uyeh! masarap talaga ako este yung theme ko kaya namnamin mo.

    [Reply]

  5. mama maru, bukas mo na lang bilhin, tanghali na eh…

    dapat maagang maaga ka pupunta dun para sariwa pa yang philam plan na yan…

    going back to the isyu (naks!) wala rin akong kapatol patol sa mga plan plan na yan… nun pa ako binebentahan ng kakilala ko nun sa educ plan para sa mga chikiting ko kasi hindi ko daw sigurado kung pagdating ng araw eh me kayod pa ako…

    pero mas hindi ko rin naman sigurado na pagdating ng araw eh anjan pa yang kumpanya na yan…maraming pwedeng mangyari sa loob ng sampung taon at mahigit…

    pareho tayo ng puntong walang sigurado sa mundo…

    at naniniwala rin ako na sa mga NANAY nakukuha ang talino ng anak…. kaya ang mga kalalakihan wag magpunla sa mga ampaw ang utak!

    ahihihihihi….

    lyziuss last blog post..Ang Alamat ng XX ni Lyzius

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    ampaw. amp! hehehe!

    nagbago na ang isip ko na bilhin ang Philamlife. Pinaubaya ko na lang kay tito jaime zobel de ayala ang makipagtawaran sa presyo. interesado din kasi sa pagbili ang mga tito kong yun.

    [Reply]

  6. Oo mama, walang sigurado sa mundo, ang sigurado lang e mamatay tayong lahat at magbabayad tayo ng tax at kukurakutin ang binayad nating tax! Hahahaha!

    At sige, pakibili na nga ang Philam, pero bukas na gabi na kasi!

    echos last blog post..Dilemma

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    kaya nga mas wais pa kung MEMORIAL PLan na lang ang bilhin. pwera biro, malaki ang gastos pag namamatayan kaya dapat yung ganung plan na lang ang bilhin dahil sigurado na mapapakinabangan.

    [Reply]

  7. Buti na lang yung academic plan ko noon, Professional Academic Plan, naging maayos naman. Pero ngayon mukhang tagilid na rin sila. Lahat ng rason para madelay ang bigay ng pera narinig ko na yata.. hay..

    Pero teka, mukhang masarap ang polvoron ha..

    giuseppes last blog post..80 days before Christmas

    [Reply]

  8. nakita ko na kung paano magpahirap ang mga life plan sa mga plan holders. ikinuha ng nanay ko ng life plan yung kuya ko. kaso di niya nakumpleto ang paghuhulog kasi nagkasakit yung kapatid ko. pero malaki na rin ang naihulog niya dun. nung nagkagipitan na talaga at kinailangan ng nanay ko ng pera para pambayad sa hospital, di niya makuha yung pera na naihulog niya sa life plan na yun. kahit anong pagbalik balik ang gawin niya dun sa makati kung saan nandun yung opisina nun, wala talaga siya nakuha. hanggang sa namatay na yung kapatid ko, di niya napakinabangan yung tinipid para sa kanya. kaya may galit ako sa mga life plan na yan. tama ka ms maru, memorial plan na lang ang kunin, at least dun, malaki ang chance na makuha mo yung pera. at cguro naman, sisiguraduhin natin na wag muna magamit yung plan na yun hanggat maaari. naaalala ko pa yung logo ng insurance company na yun eh. i don’t think nag-eexist pa cla ngaun.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    tsk! mas nakakalungkot naman yung nangyari sa inyo. parang nai-imagine ko ang inis nyo sa kumpanya na yun. haysss….ang sakit nga sa dibdib kasi pinagpaguran mo ang pera tapos napupunta lang sa ganun.

    [Reply]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.