Sa Isang Pindot Lang

Buo ang paniniwala ko na labs ako ni Lord. Na peborit Nya akong anak at dahil sya may gawa sa akin natural na kilalang-kilala nya ako sagad hanggang buto.

Naisip-isip ko na kaya siguro hindi ko naging kapalaran ang magka-asawa dahil alam Niya na 97% ang chances na ang kahahantungan ko ay parang isang remote control na gaya neto at dehins sya payag. 

Kunsabagay hindi pa rin naman talaga ako nainlab ng todo-todo, yung tipong hataw talaga kaya hindi ko rin alam kung magiging sunod-sunuran ako sa jowa ko.

Pero siempre somehow ay kilala ko sarili ko at kanina medyo nag-evaluate ako ng konti sa mga nakalagay na command sa remote control kung may mga katangian ba akong swak na swak at kung kaya ko bang maging sunod-sunuran sa isang hindot pindot lang. 

Kaya ko nasabi na 97% lang ang tsansa na gumana sa akin yung control dahil yung 3% ay ang mga sumusunod:

  1. PARK (1%) – hindi ako marunong magdrive kaya hindi ko ‘to masusunod.
  2. Yung button na nasa ibaba ng minus sign (1%) – (sus, pa-demure pa ako. Sige na nga, yung ANAL!) Pucha, di ko yan keri. Waaaa!
  3. PRETEND ORGASM (1%) – Sori po. Kahit guilty ako minsan dito na ginagawa ko NOON eh ayaw ko ng gawin ulit ang kapekehan na to. 

Cook, Bake, Laundry, Iron, Wash, Clean, Tidy Up, Buy, Shave, Auto, Think, Massage at iba pa, sowssss! Sisiw! Pansit! Payat lang sa akin mga yan! Multi-tasker yata si Mamaru!

Eh lalo naman yung mga command na nasa bandang ibaba eh punong-puno ako ng talent sa mga yan. Wala bang ibang selection o mga command na mas malulupit pa diyan?  Ang angst-angst (angas) ko at walang kokontra sa trip ha!

12 thoughts on “Sa Isang Pindot Lang

    • ayaw mo ba ng ganitong klaseng remote? sus umamin ka, ultimate dream mo siguro ang nakakapag utos ka ng ganun sa babae gamit ang remote control 😀

Leave a Reply to mang badoy Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.