Pampainit Ng Katawan

Nasa balita na sobrang lakas ng ulan ngayon sa Metro Manila at kabaliktaran naman dito sa amin sa “abroad” sa Iligan City. 

Pag maulan ang panahon alam kong masarap ang magpa-init ng katawan. Bukod sa seks, eto may suggestion ako na pampainit din. 

Humigop ng mainit na sabaw ng BULALO!

Well, instant nga lang.

Pag weekdays halos hindi na ako nagla-lunch kasi nakakatamad kumain ng mag-isa. Pero kanina na-engganyo ako humigop at kumain netong bagong labas na Lucky Me Instant Mami Noodles na bulalo ang flavor.

Hindi ako masyado mahilig sa instant noodles pero pramis, dis one i likey talaga. Tsalap-tsalap! With matching Skyflakes na sinasawsaw ko pa. Eh alam mo naman ang Skyflakes, bukod sa masarap eh malutong din kahit paa ang ipatong.

Nagdagdag nga lang ako ng chopped onion leaves para mas malinamnam talaga at para maging photogenic sya pag kinunan ko ng piktyur.

Hehehe! Dapat pag nabasa to ng kumpanya ng Lucky Me ay bigyan nila ako ng kahit one-month supply dahil sa shameless plugging na itetch. Naka-libre ng promotion/endorsement sila sa blog ko.

 

Hindi nga, subukan nyo. Madali lang naman i-prepare kasi nga NO-COOK sya. Swak na swak to sa malamig na panahon at para sa mga tamad magluto.

 

More pics at MARUgraphy.

SMS Jokes 10.10.08

TEACHER: “Magpapa-class picture tayo para paglaki nyo, sasabihin nyo, “wow si Dodong…ngayon police na! wow si Inday…ngayon nurse na! wow si Tomas…ngayon doctor na!

JUAN: “May pahabol pa maam!”

TEACHER: “Ano yun, Juan?”

JUAN: “Wow si maam…ngayon patay na!”

TEACHER: “Upo!!! Wag kang sasali sa class picture! Tangina ka di ka ga-graduate!!!”

SMS courtesy of Summer Breeze

* * *

“Dati pinipintasan mo ko, sinasabihan ng panget at mabaho! Bakit ngayon hinahabol-habol mo ko! How dare you!” —- NFA Rice (nagda-drama)

SMS courtesy of Summer Breeze

* * *

As proposed by GMA, sex will now be taxed.

1. Upon penetration, (VAT-Vaginal Access Tax)

2. If more than 10 minutes inside, (Burial Tax)

3. Upon Withdrawal, (Exit Tax)

4. Those who don’t have sex life, (Idle Asset Tax)

5. Those who practice withdrawal method of birth control, (Withholding Tax)

6. Entering other than wife, (Road Users Tax)

Kung matutuloy ‘to, sa yo pa lang makaaahon na ang Pilipinas sa lahat ng utang. Mabuhay ka!

SMS courtesy of Bern

* * *

BF: “Baby, hindi ka ba nalulungkot?”

GF: “Huh? Hindi. Bakit naman ako mlulungkot?”

BF: “Eh kasi mag isa ka lang sa puso ko. Gusto mo ng kasama?”

SMS courtesy of  James Tan