Pampainit Ng Katawan

Nasa balita na sobrang lakas ng ulan ngayon sa Metro Manila at kabaliktaran naman dito sa amin sa “abroad” sa Iligan City.

Pag maulan ang panahon alam kong masarap ang magpa-init ng katawan. Bukod sa seks, eto may suggestion ako na pampainit din.

Humigop ng mainit na sabaw ng BULALO!

Well, instant nga lang.

Pag weekdays halos hindi na ako nagla-lunch kasi nakakatamad kumain ng mag-isa. Pero kanina na-engganyo ako humigop at kumain netong bagong labas na Lucky Me Instant Mami Noodles na bulalo ang flavor.

Hindi ako masyado mahilig sa instant noodles pero pramis, dis one i likey talaga. Tsalap-tsalap! With matching Skyflakes na sinasawsaw ko pa. Eh alam mo naman ang Skyflakes, bukod sa masarap eh malutong din kahit paa ang ipatong.

Nagdagdag nga lang ako ng chopped onion leaves para mas malinamnam talaga at para maging photogenic sya pag kinunan ko ng piktyur.

Hehehe! Dapat pag nabasa to ng kumpanya ng Lucky Me ay bigyan nila ako ng kahit one-month supply dahil sa shameless plugging na itetch. Naka-libre ng promotion/endorsement sila sa blog ko.

Hindi nga, subukan nyo. Madali lang naman i-prepare kasi nga NO-COOK sya. Swak na swak to sa malamig na panahon at para sa mga tamad magluto.

More pics at MARUgraphy.

11 thoughts on “Pampainit Ng Katawan

  1. Huwaw! Ang sarap naman ng itsura… promotional ad!!! ahahaha… pero i agree… gusto ko yung bulalo na yan… ako personally naglalagay pa ng “dash” of sugar habang ‘piping-hot’ pa para lalong lumabas ang lasa… try mo!

    giuseppes last blog post..ZestAir!

    • waaaaa! sugar! sa kape, sa oatmeal, sa kalamansi juice eh hindi na nga ako naglalagay ng sugar kasi we are sweet enough. hehehe! nasa pamilya namin an mga diabetic kaya nag iingat ako at umiiwas sa asukal.

      kaw na lang kaya ang i-try ko. joke!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.