Gaya-Gaya Lang, Trip-Trip Lang

Ti-neks ako kanina ni Pareng Badoodles.

Badoodles: “mare, may problema dun sa tshirt. hindi pala available sa stores ung choice1 and choice2 mo…” (cut ko na kasi mejo mahaba)

Badoodles: “sinend ko na pala ung trophy saka tshirt kahapon.”

MARU:“Ok lang yun pareng badoods. Lagi din naman ako borles kaya khit anong shirt na lng. Cge i wil let u knw pag natanggap ko na. Best regards.”

Badoodles: “ok thanks mareKo.”

MARU:”Basta ikaw! (wink)”

Wala pang mga isang oras yata ang nakakalipas may pumaradang van ng LBC sa tapat ng bahay ko.

MARU: “Pareng badoods, eto na at naresib ko na. Inarbor na agad ng bagets kong doter ang shirt. Nakngpekpek! Maraming salamat ulit!”

Badoodles: “hambilis naman, kapapadala ko pa lang kagabi. kasya ba ung tshirt?”

MARU: “May kaliitan ang shirt at kelangan may hawak hawak akong FAB juice drink pag sinuot ko yun. Makikita ang inverted navel ko. Lols.”

Badoodles: “hahaha! sana pala ung medium kinuha ko. di kasi ako nakinig sa gut feeling ko. next time ulit. ;)”

* * *

Howel, dito nakalagay sa paper bag na ‘to ang tropeyo ng kalandian ko dito sa blogosphere na ikinatuwa ng ilang mambabasa ko. (Si Moo lang ang kaisa-isang kinampanya ko na iboto ako dito sa pa-contest na ‘to ni Pareng Badoods tas dinedma pa ako ng mokong. Hmp!)

Hindi ko na maipapakita yung kasamang t-shirt kasi inarbor na agad ng dalagita ko at nasa lagayan na ng damit niya.

Tuwang-tuwa ako dito sa trophy na isang boobsy na bebot (na kamukha ni Claire dela Fuente) na nakapatong sa bote ng coca-cola. Sponsored ng GagAtak ang tropeyo at yung t-shirt naman ay galing sa The T-Shirt Project.

Walang nangyaring awards nite kaya nag-feeling na lang ako na kunyari eh rumampa ako sa red carpet, umakyat sa stage para tumanggap ng trophy at nag spits. Hehe! Kababawan talaga oo. SOWS! Eh bakit ba!

Poporma sana ako ng todo kanina para magpa-kodak via webcam kaso excited na ako at di na makapag hintay para magbihis.

Pinag-tripan kong GAYAHIN yung boobsy girl sa tropi kaso pinagpawisan lang ako at nabigo ako. Hindi ko makuha ang porma nya. Bwahaha!

Ok, eto na lang. Ganito ginawa ko kanina na gaya-gaya, puto-maya. Trip-trip lang.

Btw, ganito ayos ko pag namamalengke ako dito sa bayan namin.

20 thoughts on “Gaya-Gaya Lang, Trip-Trip Lang

    • malamang hindi na makakalusot ang alindog ko sa susunod na pa-kontest kaya sinasamantala ko na ang pagsabit ko sa tough ten ngayon. pini-feel ko na ng todo!

  1. hahaha. ayos sa mga pic. kahit medyo tigil-pagsusulat muna ko ngayon, yung blog mo po yung di ko kinakalimutan bisitahin.

    ayos ayos.. nakakaloko yung mga pics. hahaha. ayos sa porma kung mamalengke. lols. ahaha.

    • pucha! kailangan ko pala mag post ng ganitong kalandian sa blog ko para makita ko ulit ang name mo sa blog ko. hehehe! musta na parekoy? salamat at hindi mo ko kinakalimutan. mwaah!

  2. hahaha….napa comment nman ako bigla…bago lng po ate maru
    kuhang kuha mo nman ang porma nnung boobsy na nsa tropeyo
    coke nlng ang kulang eh…hehehehe

    • ikay! gusto ko rin sana umupo sa coke. kaso baka pumasok yung coke sa… bwahaha! ang bastush ko. kalimutan mo na lang yung sinabi ko.

      salamat sa pag comment. ๐Ÿ˜€

  3. SIS Maru,

    Congrats at daig mo pa ang nakakuha ng OSCAR nyan, matutuwa ang coke sa iyo nyan baka kuhanin ka pang model nila, yung uupo ka sa coke nila bwahahahahahaha

    Palagay ko dami mong discount kapag namamalengke ka, kapag ganyan ang suot ng kasunod ko sa palengke di bale ng wala ng mabiling ulam kasi busog na mata ko bwahahahahaha

    • kaso baka pag inupuan ko ang coke eh baka biglang mawala yung coke! bwahaha! buti sana kung mga 1.5 liters na coke ang uupuan.

      maraming salamat kapatid na regg.

Leave a Reply to andeng Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.