Kahapon, maaga akong lumuwas papuntang Cagayan de Oro City Airport para mangolekta ng benta ng
polvoron ko. Bago bumalik ng Iligan City, dumaan muna ako sa Home World ng SM-Cdo para bumili ng 6 pieces of new seater pads para sa dining set ko. Bulky yung mga chair pads na napili ko, parang throw pillows ang porma nya.
Sinamahan ko na rin ng isang kahon ng chocolate chips cookies na singlaki ng Kellogs cereals yung box para pasalubong ko sa bagets ko. Pagkatapos ko nabayaran yung pinamili ko, napansin kong pilit na pinagkakasya nung gwapong bagger yung 4 na pads at yung box of cookies sa iisang malaking SM plastic. Yung 2 unan (sa pwet) naman ay dun bale nya pagkakasyahin sa maliit na plastic.
Bago natapos yung pagbabalot, nag request ako dun sa cutie pie na bagger na kung pwede ay gawin na nyang same size yung 2 plastic bag at hatiin sa tig-3 seater pads ang ilagay nya sa bawat plastic para naman hindi ako mahirapan magbitbit dahil sobrang bulky talaga sya. Tsaka dagdag ko pa, Iligan City pa ang uuwian ko at malayo-layo din yun kako.
Bah! ayaw pumayag ng mokong! Kesyo kasya naman daw yung 4 na unan dun sa malaking plastic bag kaya dapat yung 2 unan ay sa pwede na sa maliit na bag. Uu nga kasya nga sa malaking plastic yung 4 kaso pilit pa nya sinisiksik sa ibabaw yung box ng cookies kaya parang puputok na sya!
Nakiusap ulit akong ilagay na lang sa parehong malalaking plastic para hindi mahirap bitbitin/hawakan kaso ayaw ng tanginang bagger at nangangatwiran pa na policy daw nila bawal yung magrequest ng malalaking pambalot kung kasya naman sa maliit yung mga items na pinamili.
Ay potah! Anong klaseng patakaran naman yun? Isip-isip ko, umangal sya kung ang binili kong item ay sinliit ng POSPORO at ang hinihingi kong pambalot ay yung kakasya sa laki ang isang aparador! ANIM kaya yun na seater pads na parang mga throw pillows! Tsaka SM kaya ‘to at hindi sari-sari store na nasa kanto lang para magtipid ng plastic bags!
Nararamdaman kong umiinit na ang ulo ko at tumitigas na ang nipols ko. Derpor na-arouse nagagalit na ako. Tanong ko, magkano ba yang malaking plastic bag at babayaran ko na lang? Bah! Hindi daw pwede kasi di raw binebenta. Sabi ko yun naman pala, hindi naman pala binebenta eh bakit pinagdadamot? Magagalit daw yung supervisor. Ayun! buti nabanggit nya ang bisor nya.
Tinanong ko kung saan ang supervisor nya at kakausapin ko. Bah! ayaw ituro! Kesyo hindi rin naman daw papayag ang bisor nya sa mga ganun. Pucha! Umiinit na ulo ko and the more that I insist that i want to talk to his supervisor. (english?)
Nyeta, isip-isip ko, kahit na umabot pa kami sa Supreme Court at kahit na pagharapin kaming pareho kay Henry Sy – hindi ko sya uurungan! (Siempre exajs na yun!). Wag na lang daw at sige kukuha na lang sya ng isa pang plastic bag sa ibang counter. (Sabay talikod with matching bulong-bulong na para plastic lang naman daw yun blah blah blah).
Taena talaga! Nagpipigil lang ako. Gusto ko na sya tsinelasin! Pag galit ako, ayoko pa naman yung nagsasalita ako dahil nanginginig talaga ako. Ramdam ko yung panginginig ng panga ko habang nagsasalita dun sa naiwang kahera kahapon.
Bumalik ang hindot na bagger na may dala-dala ng malalaking plastic bag at sinunod din ang gusto ko. Sabi ko nga sa kanila (kahera at bagger) na ngayon lang ako nakapag-shop sa isang SM store na pinagdadamot ang plastic bag!!“Dapat iniisip nyo rin ang convenience ng customer pag namimili!” kako.
Josko, sobrang nahayblad na talaga ako at bago ko kinuha sa counter yung mga items ko na naka plastic bags na, sabi ko dun sa bagger, “O ano? Takot ka naman pala! Takot ka naman pala na magharap-harap tayo ng supervisor mo!” Sabay dabog. Sabay irap at sabay tinalikuran ko.
Pero sa totoo lang, gusto kong bayagan ang mokong na yun! Pucha! Hindi ako mahilig sa makipagtalo lalo na sa mga sales people. Ayoko ng mareklamo at madakdak! At yung nangyari kahapon, kuuu! dahil lang sa plastic bags, pinainit ang ulo ko! Ang ganda naman ng pakiusap ko at ang liit na bagay lang ang hinihiling ko tapos aaryahan ako ng mga ganung rason? Burat nya!
Pag alam ko rin na nasa katwiran ako, mas lalong di ako nagpapatalo. Paborito ko ang SM, pero may mga tarantadong tindero/tindera talaga na hindi marunong mag estima ng customers at nakakasira lang reputasyon ng tindahan! Syet! eto na naman…nahahayblad na naman yata ako at tumitigas na naman utong ko.
Haaayyy! Ms. Maru ang puso mo… pero alam mo dito sa UAE sobra naman sa plastic halos isang plastic isang items lng ang laman… kame na nga ang nagrereklamo na pag samsamihin na lng yung ibang items para konti lang ang bitbit… Ganyan na ba kahirap ang SM ngayon?
ana bananas last blog post..Balik-bayan Box
Di naman ako naniniwala na naghihigpit sa pambalot ang SM. Yung mokong lang na bagger ang kinapos ng pang intindi sa sinasabi ko. Nangangatwiran pa kasi dapat inisip nya na HIGIT sa lahat ay kustomer ako.
Kala kasi nya hahayaan ko lang sya sa rason nya.
i agree ana banana..bukod sa mlalaki na ang plastik n ginagamit eh mkakapal pa..d basta2 napu2nit o nabu2tas ng matulis na karton
Yung mga plastik ba na galing o ginagamit sa Al Souk ang tinutukoy mo? Hehehe! Malalaki nga yun, at kahit ako eh kasya dun. Matibay nga ang mga yun kaya kinokolekta ko ang ganung plastik noon.
@MARU, opo.. at saka d2 sa Sultan din n ktapat lng ng flat namen hehe
honga, kulang na lang eh pati ikaw isilid sa plastic bag dito sa dubai.
mala-sako ba ang laki? hehehe!
pag ako naka engkwentro ng eng-eng na bagger na un, talagang papatulan ko na at i will insist to see the supervisor. at tatalakan ko tlaga in english. sus, ako na pd ang na highblood. hahaha.
kaiths last blog post..The Man
hahaha! i can just imagine habang tinatalakan mo yung guy. and take note! in english ha! siguradong eksena talaga yun at maraming audience!
alam mo bang hanggang kagabi eh nag ngingitngit pa rin ako dun sa bagger? hehehe!
asan ang proof na tumigas ang utong mo maru?
kung ako sa bagger pati ikaw pinalastik ko na at ng maiuuwi kita… heheheeh! *tawang manyak*
mang BADoys last blog post..24: Redemption
Kung ikaw naman ang bagger, pipilitin ko talaga makausap ang supervisor at kukulitin ko sya na payagan kang ihatid ako o iuwi mo ko sa bahay. *ngising-aso*
Kung sa Lim Ketkai nalang po kayu bumili…marami silang malalaking Plastic dun.. hahaha! Di ka pa aabot ka Henrr Sy.
Elcans last blog post..I’m moving…
nyay! layo na kaayo to uy! mas duol man gud ang SM gikan ug airport.
sus di naman ako takot na makaharap si Henry Sy. eh ninong ko kaya si Lucio Tan! wahaha!
hahahaha nawala ang sasabihin ko sa lintek na otong na yan hahaha! tama lang ang ginawa mo hehehe mag-orgazm sa tapat nang tifaklong na yun kun ako nun nakapamewang na ako’t susukatin ko na yong kanya hehehe
reyna elenas last blog post..In defense of OFWs: Walang ganyan sa States
Bwahaha! Ano ka ba! Ayokong isipin na isa kang TOMBOY ha!
Pucha! Kung narinig pa nila ako umungol at nag orgasm…baka nawindang yung bagger sa akin. Pero sa totoo lang gwapo yung bagger kaya gusto ko sya bayagan! lol
wahahaha. cool. naninigas yung otong pag nahahayblad.. tsk.
napapaisip ako dun ah. *isip-manyak.. wahahahaha.
Aruuuu! Nag imagine ka naman agad. Kaw ha, napaghahalata ka tuloy. O di ba, pag kayo tumatayo din ang *toooot* pag nagagalit? Lols!
habang binabasa ko yung post mo eh tumigas din ang utong ko. kakagigil nga ang utong…este ang bagger na ganun.
@R.J.,
landi-landi mo talaga parekoy. mukang iisa ang lahi natin. lol.
ang shala mo magalit neng! pati utong naninigas! hahahaha. . . ang sarap magpaulan ng mura sa mga ganung klaseng nilalang. . maayo kay wala nimo gipalitan ug utok. . sayang kay gwapo man kuno:D
paperdolls last blog post..
gwapo jud sya, dai!
pero sayang kay murag nagbinayot man ang buang sa iyang arte sa ako!
salamat sa paglabay sa akong blog. sus, ako pa tawon gipunit ning imong comment didto sa Akismet kay gikaon kay nahimong spam. lol.
Grabe ka pala magalit Sis Maru, tumitigas utong mo, galitin pa kita at ibang klaseng plastic ang ilalagay ko sa toootttt ko kapag tumigas bwahahahahaha, minsan EGO na lang ng mga bagger yan, bumalik ka ulit doon at suutin mo yung outfit mo sa pamamalangke, palagay ko di lang malaking supot ibigay sa iyo ihatid ka pa hanggang Cagayan De Oro bwahahahaha
gusto ko ngang balikan sya dun, regg. dahil gusto ko syang “bayagan”!
di lang utong tumitigas sa akin, pati mukha ko tumitigas din pag galit. hehe
ang PLASTIK mo! ang PLASTIK mo!
yan dapat ang isigaw mo sa kanya kung magkikita ulit kayo… bitbit ung plastik na ginamit niya sa pinamili mo…
ehehe
vhonnes last blog post..First Time Ko
taena! nagulat ako sa comment mo. kala ko ako yung sinisigawan mo ng PLASTIK!
muntik na tuloy akong mahayblad at muntik na tumigas utong ko ulit. wahaha!
Aha! Salamat sa walang modong bagger, alam ko na ngayon ang makakapagpatigas ng utong ni Maru: PLASTIC! Makabili nga ng pagkarami raming plastic. Mwahahaha!
@kirksydney,
napansin ko, mas inintindi nyo ang paninigas ng utong ko kesa sa galit ko o sa topic.
ano pa kaya pag sinabi ko na pag nagagalit ako eh nagboborles ako?
hays….men! men! men!
@MARU,
Eh kasi naman panay ang post nyo ng mga ganyang may highlights.
Women! Women! Women!
Iuuwi kita ng Plastic Maru! Prawmis! wahahahahaa
umleo23s last blog post..Vlog #9 – The Pirst Video
@umleo23,
mas type ko yata kung iuuwi mo rin ako. watdoyutink? lol.
cool k lng ate maru puso mo bka mawala na sa kinalalagyan nya..hehehehe
d2 sa kuwait ikaw ang mgsasawa sa plastic kpag namili k, ultimo cheeklet eh hinihiwalay ng plastic at sa npakalaking plastic p ilalagay…hehehehe
@ikay, korek u jan ikay san u b d2 sa kuwait?hehe
@b@kekang,
maidan hawally ate bakekang…hehehe
ikaw san k d2 sa kuwait?
HOY! teka lang! TUMIGIL NGA KAYO ANOH!
Marami akong PLASTIC. Pero huhulihin ako ni Bayani pag nalamang gagamitin ko sya pang grocery. I mean, pano pag upo binili ko, naku hirap ipasok ang PLASTIC na yun….
Teka… teka… ano bang plastic pinag uusapan dito???
reyna elenas last blog post..In defense of OFWs: Walang ganyan sa States
@reyna elena,
Amf!! panu napunta sa condom ang topic? bwahaha!
@MARU, hehehe pasensya ka na, nakatoga pa ako, me nakakabit na cum lawde, na over analyze ko ata ang entry hahahaha
reyna elenas last blog post..In defense of OFWs: Walang ganyan sa States
honga… bakit napasok ang condom sa usapan? ndi nmn plastik un ah?
dun na lang tayo sa plastik ng ice candy… ‘sing sarap.. pero hindi ‘sing mahal…
vhonnes last blog post..First Time Ko
hi maru,
just read your blog, dapat pala pilit mong kinausap ang supervisor ng bagger kasi di naman ganun ang bilin talaga ng supervisor. i am an sm employee and i know it. advise lang yun sa kanila na magtipid ng konti, syempre operational expense din yun pero pag customer’s request, di dapat tanggihan at lalo di “patakaran” ang tawag dun.
Hi Gg, Salamat sa comment mo. Aktwali na sa Supreme Court na ang kaso na yan. Bahala na ang korte magdesisyon. Hahahaha! Biro lang.
O di vah, nasa tama naman ako di ba? Sus, gigil na gigil ako sa incident na yan noon.
Mm, galing din ako sa SM dept store as Checker (Bagger), utos na po yun dun, may mga customer na rin sa aking nagalit dahil dun.
kurikong talaga yung branch pag provincial, may agkaKuripz.
minsan makakakita ka ng medyo gusot na plastic bags kasi pinaparecycle sa amin yung iba, kadalasan galing sa mga nagpapa-giftwrap.
sure naman na maganda ka pa rin kahit Galit (at Sexy).