Astig Kami Kung Magmahal

Pag trip ko mag-download ng mga movies sa net kay Moo ako nagtatanong ng mga magagandang old movies. Bihira lang naman kasi ako nakakapanood ng sine noon kaya dehins ko masyado alam ang mga worth- watching flicks.

Napanood ko na yung mga nai-rekomend sa akin ni Moo na Road to Perdition, Shawshank Redemption, Men of Honor and etc.

Bukod sa mga naibigay nya sa akin na DVDs, lahat ng mga nairekomend nya ay pawang magaganda din. Lately nga yung Patch Adams ang pinadownload nya sa akin na halos halos 1/3 yata na parte ng movie na yun at pinaiyak ako ng todo. 

Bago umalis si Moo papuntang HK para magliwaliw at magpakasasa, napag usapan namin ulit ang tungkol sa mga movies. Nabanggit kong Pretty Woman ang all-time peborit ko talaga. Naha-high ang pakiramdam ko tuwing napapanood ko yun. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko yun paulit ulit na pinanood.

M A R U : “isalang mo ang Pretty WOman…..yun wala akong kasawa sawa as in!”
M A R U : “lahat ng eksena dun as in lahat gusto ko!”
defpotecjones : “kasi pokpok ka?”
M A R U : “uu”
defpotecjones : “kalokohan ang pretty woman”
defpotecjones : “mas ok pa serendipity dun”
M A R U : “sows! di naman kapani-paniwala yun”
defpotecjones : “mas realistic”
defpotecjones : “mas ok yun”
defpotecjones : “mas di kapani paniwala ang pretty woman”
M A R U : “pinaka cinderella ko yung pretty woman kaya kahit ulit-ulitin”
M A R U : “bakit mo ba ako kinokontra?”
M A R U : “eh sa yun ang gusto kooooooooo!”

Hehe! Ganyan lang naman kami magbiruan ni Moo, parang may personalan. Charot!  Kasi nga pokpok dun ang bidang babae di ba? Howel, pwede rin sabihing parang pokpok na rin ako este yung puso ko. Eh kasi naman, ilang beses ba naman napagsamantalahan ang dear heart ko noon. Nasaktan. Nadismaya. Nagamit. At kung ano-anong “Na” pa.

Hindi naman kasi imposibleng magka totoo ang istorya ng Pretty Woman. Nagkataon na pokpok ang ginamit na karakter ng bida sa movie, pero kahit labandera, tindera, single mom, biyuda, GRO, pangit, mataba, o bulag ay posibleng makatuluyan ang isang mayaman, pogi na kagaya ni Richard Gere na naging “knight in shining armor/prince charming” ni Julia Roberts sa movie di ba? Maliit nga siguro ang tsansa na magkatotoo, but still posible pa rin!!

Speaking of pokpoks, minsan may naka-chat akong blogger na naging friend ko rin at bilib ako sa mga pananaw nya sa mga bagay-bagay sa buhay lalo na pagdating sa relasyon. Itatago na lang natin sya sa pangalan na FriendKo. Baduy noh?

Nabanggit nya minsan ang tungkol sa pokpok:

FriendKo : “ako dati isa sa mga preference ko e magkaroon ng gf na pokpok”
FriendKo : “bakit kamo”
FriendKo : “kasi sila e ginagamit lang sila na pamparausan”
FriendKo : “pero kapag minahal mo sila e todo sila magmahal pabalik kasi wala silang ititira”
FriendKo : “sila ang mga pinakamasasarap na magmahal dito sa mundo”
FriendKo : “kapag nakahanap sana ako noon ng ganun, baka pinakasalan ko pa”
FriendKo : “bale wala sa akin ang past ng isang tao e”
FriendKo : “pero hindi naman ako nakahanap ng ganun”
FriendKo : “my point is, kung nakahanap sana ako ng ganun klase ng babae, i would not treat her as a pokpok, but i would love her the same as she would love me”
FriendKo : “hindi ko sya tratratuhin gaya ng pagtrato ng mga customers nya”
FriendKo : “un ang difference”

Ibang klase ng preference din nya noh? Pero totoo. Kung tutuusin, ang mga babaeng may ganung klaseng trabaho ang MAS marunong magmahal ng totoo. Kumbaga, todo-todo sila without preno na halos.

Halos kapareho din yan sa mga single moms na gaya ko. Kumbaga, dumaan kami sa circus ng buhay. Nagpatumbling-tumbling kami sa mga pagsubok sa buhay. Nagkasugat-sugat, napaso, nasaktan, nadapa, at halos nadala na nga pero pilit pa rin na tumatayo. At siempre, kahit ano ang nangyari..andun yung UMAASA pa rin kami na someday… someone would standby for us.

Gaya nga ng sigaw na pabakla ni Bugoy noong finals ng PDA… “Mangarap tayo! Lahat tayo pwedeng mangarap! Kahit simpleng tao pwedeng mangarap!” Tama ba ako sa quotes ko? Pagkatapos nun, sabay birit naman ng grand winner na si Laarni na halos kita na ang tonsil ng . . . “Manalig kaaaa! Manalig kaaaaa!”  

Aktwali, hindi naman din kelangan maging mayaman, o gwapo muna ang isang lalaki para pangarapin na mahalin. Ang importante ay yung marunong rumespeto ang lalaki sa pagkatao mo, tanggap kung ano ka at yung ipaglalaban ka. (etong tatlo lang ang importante sa akin kung ako ang tatanungin. kahit hindi na mayaman dahil ako na ang bubuhay sa kanya basta mahalin lang nya ako. Joke! Joke! Bolante!)

Alam ko na slimmer ang chance namin na  makatagpo ng isang ala-Richard Gere na totohanin kaming mga single unwed moms. Yung irerespeto pagkatao namin at ipaglalaban sa mga kokontra. Pero once naman na may dumating na ganung lalaki sa amin, asahan mong SUKDULAN ang ibabalik o isusukli na pagmamahal at pag aalaga namin. At bakit sigurado ako? Eh kasi sinabi ko! Hehe!

Di nga, eh kasi siempre kasama na dun ang “pasasalamat” factor dahil sa kunyaring “iahon mo ko sa lusak” na drama ng mga GRO kaya ganun din, makakaasa ka rin talaga ng astig na pagmamahal at full loyalty galing sa amin na mga single moms.

Tsk! Deep-deepan na naman ang mood ng lola.  

16 thoughts on “Astig Kami Kung Magmahal

  1. Hi Ms Maru,
    Korek ka ng bonggang bongga… Kaya all out ako sa pagmamahal ko sa Bhe ko eh, kahit single mother ako at isa syang genuine na binata eh, sineseryoso nya ako, at we are living together na.. Na touch nga ako sa bday wish nya (he will be celebrating his bday on Nov), ang wish daw nya eh ay ang makakuha na ng annulment anng mahal nya… naiyak ako gurl, hindi sya kasing yaman at kasing gwapo ni Richard Gere, but Im so grateful to have him in my life, ay naku seriousness ba to, kakaloka.. hehheheh
    kaya kahit sabihin ng mga frend ko na ako daw ay isang babaeng bakla kapag nagmahal, ibibigay ang lahat lahat, wa ako keber ang sarap yata ma inlove, masaktan ka man at least na experience mo ang mahalin ka…
    it is better to experience the pain rather than to be a coward for the rest of your life…

    melais last blog post..Stop Comparing…

    • @melai, waaaaaaa! inggit ako sau, ateng!

      magkano ba ang bili mo diyan sa Richard Gere mo ng mapag-ipunan ko naman? Gagawa ako ng maraming polvoron para makayanan ko ang presyo. lol.

      haysss… some girls have all the luck talaga.

      ako naman kahit hindi gwapo at hindi mayaman basta ba MALAKI eh ok na dun.

      MALAKI ang puso para magmahal, i mean.

      • @MARU, murang mura lang… hehehe… mga isang buwang komisyun lang.. just kiddin.. i know na makakatagpo ka din ng Mr Right mo sa ryt tym…
        Korek masarap ang MALAKI, malaki ang pasensya sa mga tantrums mo heheheh…

        melais last blog post..Stop Comparing…

  2. ihahanap sana kita ng lalaking sukdulan na magmamahal sayo kaya lang ang siste ako nga di makahanap ng lalaking sukdulan na magmamahal sakin maihanap pa kaya kita… lintek kasi eh ang dami ngang richard gere pero mas marami pa ring karerista na babae na super karipas hablutin ang mga richard gere…

    old time favorite ko rin yang pretty woman pag gusto kong magpakamushy… with tears on the side pa, pagnanonood ako nyan.. ahaha…cheers-glesy the great

    glesy the greats last blog post..oyayi ni manong drayber

    • @jao220,

      Yo! salamat sa pagbisita.
      Parekoy, sa torrent ko lang dina-download ang mga movies. Wala din akong alam na site na pwedeng kuhanan ng mga movies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.