SMS Jokes 10.18.08

KUYA: “Bakit ba puro ka putik…at ang baho mo pa?”
BUNSO: “Nakita mo ba yung kanal sa harap?”
KUYA: “Oo, Bakit?”
BUNSO: “Puwes, ako hiindi ko nakita! Masaya ka na?”

SMS courtesy of Arch

* * *

Kung gagawa ka ng 1 bagay na di pa naimbento, ano yun?
Ako? Gagawa ako ng…
REDHORSE CAPSULE 500mg! Isang tableta  lang, sapul agad! Ito ang tama!
ALSO AVAILABLE:
REDHORSE SYRUP for babies 6-12 months.
REDHORSE LITRO PACK, natitimplang redhorse.
REDHORSE CANDY, para pwede kahit may pasok!

SMS courtesy of Arch

* * *

1 bata, pinasa isang blank paper sa art teacher….

TEACHER: ”Bakit blank pinasa mo?”
BATA: ”Drowing po ako ng baka at damo.”
TEACHER: (tiningnan ang papel) san ang damo?”
BATA: ”Naubos na po, kinain ng baka.”
TEACHER: (kamot sa ulo) “e nasan yung baka?”
BATA: “Ano pa gagawin ng baka diyan e wala ng damo? Siyempre umalis na! Maam! Konting utak naman!”

SMS courtesy of Arch

* * *

Prinsipe Adonis: ”Bruha, hanapin mo ang “Takda”. Gusto kong makita ang “Takda” ngayon na.”

Hinalo-halo ng bruha ang kawaling may kumukulong tubig…at pinakita si Piolo Pascual.

Prinsipe Adonis: “Siya ba ang “Takda?”
Bruha: “Takda” po ba? Ay akala ko “Bakla”

SMS courtesy of Arch

* * *

ROMANTIC STORY

Habang nagte-teks…

BOY: “May aaminin ako sa yo.”
GIRL: “Ano?”
BOY: “Mahal Kita!”
BOY: “Bakit di ka na reply?”
BOY: “Papakamatay ako!”
BOY: “Hawak ko na kutsilyo isasaksak ko na.”
(Patay na si Boy)
GIRL: “Nag CR ako. Sori po. Mahala din kita!”
GIRL: “Elow! STil Der?”

SMS courtesy of Arc

* * *

Anong sinabi ng apple nung tumingin  sa kanya si pinya?

Apple: ”Oi ikaw, anong tinitingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin mo diyan?”

SMS courtesy of Arch

* * *

PROMDI: ”Mamang pulis, san po ba dito ang papuntang ospital?”
PULIS: “Wag kang aalis diyan sa gitna ng kalsada, maya-maya nasa ospital ka na!”
PROMDI: “Salamat po, ang bait nyo!”

SMS courtesy of Arch

* * *

BAKIT masarap magka special someone?

Kasi may taga sabi sa yo ng….
“Kumusta araw mo?”
“Ingat ka”
“Mahal kita”

at higit sa lahat…

“Hubad na”.

SMS courtesy of Arch

* * *

MISIS: “Inday, pinadede mo na ba si baby?”
INDAY: “Opo”
MISIS: “Ang sir mo naghapunan na ba?”
INDAY: “Ayaw pong kumain ni sir, kaya pinadede ko na lang.”

SMS courtesy of Arch

* * *

CUSTOMER: “Ano ba naman ‘tong toothpick nyo, ang daling mabali.”
WAITER: “Marami na pong gumamit ng toothpick na yan, kayo lang po ang nakabali.”

SMS courtesy of Arch

* * *
COUPLE TALKING:

WIFE: ”Hon, paki-fix naman ng ilaw sa labas.”
HUSBAND: “Hello! Electrician ba ako?”
WIFE: ”E di pakigawa na lang hagdan natin!”
HUSBAND: “Hello! Karpintero ba ako?”

Umalis si husband, pagbalik gawa na lahat ng sira sa bahay. Tinanong nya wife kung sino gumawa ng trabaho.

WIFE: ”Kasi kanina a man saw me crying, sabi ko dami sira dito sa haus. So he offered to help in exchange of either sex or bake ako ng cake.”
HUSBAND: “So, pinag-bake  mo sya ng cake?”
WIFE: ”Hello! Baker ba ako?”

SMS courtesy of Arch

* * *

Related Posts with Thumbnails

5 comments

  1. Hey what a blog,,,so you take any donations?

    [Reply]

  2. hahaha!! benta ang mga jokes!! love it ms. maru! :D

    PIOLO: TAKDANG BAKLA!

    linglingbellss last blog post..Paano magsaya matapos ang limang buwang paghihirap?

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @linglingbells,

    hello dai! salamat naman at nakabalik ka na sa blogging. hirap maging estudyante noh.

    [Reply]

  3. Joh CaraoNo Gravatar says:

    You never stop to make me laugh.. Keep it up!

    Joh Caraos last blog post..Hale

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Joh Carao,

    Hi Joh! Nice to see your comment. Have a nice day, ateng!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge