Boses-Ewan!

Kasalukuyan akong nanonood ng Deal or No Deal at bwiset na bwiset ako dun sa babaeng player. Tili ng tili samantalang hindi pa halos nag uumpisa yung laro! Nakukunsumi ako tuwing sumisigaw! Amp talaga! Ang sakit sa tenga ng boses nya! Pucha, parang boses-t*ngle eh!! Grrr!

Ay ewan! Bakit ba di na lang umayos yung mga kontestant pag naglalaro ng Deal or No Deal? Kakairita!

Mood: Pissed

Batman Scandal

Ayayay! Kagabi ko lang napansin na after 48 years ay nag update si Moo ng blog nya. Sa totoo lang na-miss ko ang blog ni Moo.

Hindi sikreto na sila lang dalawa ni Jon Cabron ang mga nauna kong kaibigan noon dito sa blogosphere. Isa si Moo sa mga naging inspirasyon ko sa pagbo-blog kaya napalipat na rin ako from Bloggerto WordPress noon.At dahil na rin sa pagbo blog kaya naging mabuti kong kaibigan ang mokong na ‘to.

Sabi nga ni Moo sa latest blog entry nya:

def1

Pipol, hindi pa po sarado ang www. defpotec.wordpress.com.Pero may hinala akong totoo na nag asawa na si Moo kasi minsan may pinakita sya sa akin na buntis sa webcam.

Eto ebedins:

r1

Pero nakakaduda ang jontis na ‘to. Aber, itaas natin ang damit. Continue reading

SMS Jokes 11.25.08 (Tuesday)

Babae: “Doc, kumusta na ang asawa ko?”
Doc: “Sorry ma’am. Mula ngayon, ikaw na ang magpapakain at magpapaligo sa kanya, kasi, putol na ang kanyang mga kamay at paa.”
Babae: “Hah?! Hindi nga?!?”
Doc: “Hehehe! Ninerbyos ka ano? Joke lang! Patay na sya!”

* * * *

Amo: “Inday, titira dito ang biyenan ko ng 3 buwan. Ito ang listahan ng mga favorite nyang pagkain.”
Maid: “Opo, sir.”
Amo: “Kapag may niluto ka dyan, lagot ka sa akin!”

* * * *

Son: “Itay, pinagalitan ako ng titser ko!”
Dad: “Bakit?”
Son: “Hinalikan ko po ang seatmate ko.”
Dad: “Tong anak ko, manang mana. Hehehe. Eh, masarap ba?”
Son: “Opo, pogi po sya eh.”

Continue reading

Buhay-Single

screenshot_105

Minsan may nag request sa akin kung pwede daw ay gumawa ako ng blog entry re: pros and cons ng buhay-single or why people choose to stay single.

Maganda yung suggested topic kaso baka naman ulanin ako ng batikos dito sa blog ko. Baka kako may magtaasan ang kilay at sabihin pang Bitter Ocampo lang ako dahil wala akong partner.

Pero sabi ko nga, interesante ang topic at kako kung gagawin ko man ang requested entry na ‘to, pangungunahan ko na lang kayo na I can only speak for myself at hindi ko pwede i-represent ang pananaw ng karamihan. Kung ano man ang sasabihin ko ay base lang sa mga nararamdaman ko, personal opinyon ko at mga pawang katotohanan lang mula sa experience ko as single mom.

Uunahin ko muna babanggitin ang CONS of being single.

1. No sex life.

Pag singol ka, siempre wala kang sex layp at kung meron man ay hindi regular. Pwera na lang siempre kung magpaka-pokpok ka.

Wala akong jowa o fafa sa kasalukuyan kaya natural wala akong ka-chukchakan. At napaka-ipokrita ko naman kung hindi ko aaminin na nakaka-miss din yung may kalampungan. Minsan iniisip ko, siguro kung may mister lang ako….sarap siguro boso-bosohan ni mister habang naliligo. Yung momolestyahin mo sya ng walang kasawa-sawa at tsatsansingan ng walang patumangga gaya ng pagpisil ng butt nya tapos sabay sabi ng “opss! soweee honey… di ko sinasadya.”

Naiisip ko, mas ayus siguro kung may katabi kang nadudukot-dukutan na naka boxer shorts habang natutulog. Yun bang paminsan-minsan ay pinagmamasdan mo ang pagtulog nya tapos pag sobrang nanggigigil ka na sa partner mo eh pwede mong pitik-pitikin o lapirutin nipols nya hanggang sa humantong kayo sa isang pillow fight na ang kadulu-duluhan ay hubo’t hubad na pala kayong pareho ng hind nyo namamalayan. O di ba, parang ang saya-saya. Kaso wiz akong ganung kasayahan dahil nga singol ako. Hays…

2. Special Occassions

  • Birthdays – Pag singol ka, walang nag i-effort na sorpresahin ka na maging kakaiba ang special na araw ng kapanganakan mo. Halimbawa pag birthday mo, wish mo lang na sana ay meron magkukumahog para sau na pasayahin ka. Yun bang maluha-luha ka sa sorpresa kunyari dahil hindi mo inaasahan na dadalhin ka ng sweetheart mo sa mall hindi para ipag-shopping ka kundi dadalhin ka niya sa may bandang food court hindi rin para kumain kundi para maglaro ng Bingo Bonanza para naman daw maiba ang celebration. Nyeee! Howel, kahit papano eh napaiba nga naman at may “creativity” di ba?. Lol!
  • Christmas. New Year. – Pag singol ka, wag ka ng umasa na makakatanggap ka ng special at bonggang regalo para sa yo. Pwera na lang kung ang bonggang regalo na gusto mo ay pag-iipunan mo mismo. Kaya ako, dis coming krismas ay ipapabalot ko na lang sa mamahaling krismas wrapper ang regalo ko para sa sarili ko. At siempre ipapadala ko yun sa sarili ko tapos kunyari ay magu gulat-gulatan ako, at magluha-luhaan habang binubuksan ang gip ko sa pasko.
  • Valentines Day – Pag singol ka at loveless sa araw na to, natural wala kang matatanggap na mga simbolo ng Balentayms – yung bulaklak at tsokolate. Wala kang libreng lafang at higit sa lahat, wala kang tsans na nasa loob ka ng motel sa araw na ‘to.

3. Partners In Crime

Pag singol ka, at ang pagiging singol mo ay isa ka ring magulang – asahan mong mag-isa mong pasan ang daigdig. Gaya ko, solo ko ang lahat ng problema at mag isa akong nagkakamot ng ulo sa mga dumarating na kunsumisyon. As we know, inadequacy of income ang pinakamalaking problema na hinaharap palagi ng mga single-parent lalo na yung mga gaya ko na hindi tumatanggap ng kahit isang singkong duling as child support. Howel, sino nga ba ang hindi nahihirapan sa panahon ngayon? Kung yung mga mag-asawa nga eh madalas din kapusin ng pera eh kami pa kayang mga single moms?

4. Default Option

Pag singol ka, pag gusto mo lumabas para gumimik pero wala wala kang makasama, eh wag na lang. Magmumukha ka lang tanga dun! Ka-imbyerna din yung hindi mo na pwedeng basta basta na lang hilahin ang mga friends mo lalo na pag ang karamihan sa kanila ay mga married na. Hindi na sa lahat ng pagkakataon ay magiging abelabol pa din sila. Hays…ang lungkot din minsan pag wala kang activity buddy o partner as default option.

Mga ilan lang yan sa mga cons of being single. Pero para sa akin, the pros of staying single still outweigh the cons.

Here are my PROS:

1. Pag singol ka, hindi ka worried kung mabaho ang morning breath mo, o hindi ka man nakaligo ng buong maghapon. Walang sisita sa yo! Pag gusto mo ang maglakwatsa, anytime ay pwede ka umalis dahil hindi mo na kelangan ang magpaalam pa sa kung kanino at hindi ka worried na baka may magalit sa pag uwi mo. In short, you don’t have to deal with anyone else.

2. Pag singol ka, you can take better care of yourself. Mas marami kang oras para asikasuhin ang sarili.Mas may oras ka sa mga hobbies and interest mo. Mas nakikilala mo ang sarili mo…kung ano ang mga ayaw at gusto mo sa buhay.

3. Marami na rin ang nagtanong kung bakit I look younger kesa sa totoong age ko. Ang sagot ko, I just keep myself – single. Naks! Wahihi! Sa totoo lang malakas maka-losyang ang mga lalaki. Hehe! Pag singol ka, hindi ka masyadong “gamit” pagdating sa sex kasi wala kang responsibilidad na kelangan tugunan pagdating sa biological need ng isang lalaki.

4. Pag pagod ka sa trabaho o sa mga gawaing-bahay at pag gusto mo ang mahimbing at dere-deretsong tulog sa gabi – howel, ipagpapasalamat mo talaga na singol ka dahil walang may mangangalabit sau. Walang may gagapang na kamay. Walang makulit. Pagdating naman sa paggamit ng banyo, walang makikisabay sa pagligo para gahasain ka lang dun, en derpor –walang storbo!

5. Pagdating sa kinita mong pera, nagagawa mo rin ang mga gusto mong pagkagastahan sa pera mo. Walang may mag a-audit sa yo o magkukwenta. Wala kang kinakailangan na pakikibagayan na pag uugali. You always have the so-called freedom and independence!

6. Pag singol ka, ligtas ka sa mga hindi naiiwasan na selosan, sa mga nakakarindi na mga debate at awayan ng mag-asawa. Mas peaceful ang buhay. Nakaka-drain din kasi ng emosyon ang mga lover’s quarrel na yan. Pag singol ka, pwede kang magkaroon ng sangkaterba na crushes, makipag landian o makipag-flirt ng lep en rayt sa opposite sex ng walang naaapakan na asawa o partner. Libreng libre ka makipag kaibigan sa kahit kanino.

7. May isang punto na nakabuti ang pagiging singol ko para sa mga anak ko dahil eversince talaga ay lumaki silang walang nakikitang away o sigawan sa loob ng bahay namin. Walang silang naririnig na bad words o murahan na pwedeng gayahin ng mga bata sa mga magulang. Kahit si Kevin at Keziah….I hardly see them fight or argue. Ang tanging sigawan na naririnig namin dito ay yung kapitbahay namin na talaga naman halos sumabog ang ngala-ngala nung babae sa lakas ng boses pag nagkakasagutan sila ng mister nya o pinapagalitan ang mga anak nya.

Yan! Sabi nila, mas malungkot daw pag singol ka o walang partner. Oo, siguro nga ay may katotohanan yun. Kahit ako ay paminsan-minsan ay nalulungkot din sa pag iisa. Hindi ko naman isinasara ang sarili ko na makapag asawa din balang araw. Pinapangarap ko rin ang matawag na “wife” someday. Pero para sa akin, mas mabuti kung maging kuntento na lang muna ako anong meron ako NGAYON.

See, kung hindi ka talaga masaya kahit sa sarili mo…eh malamang hindi ka talaga magiging masaya kahit magka-partner ka pa. Ang pag aasawa o ang pagiging single ay personal choice mo yun. Siguro nga panis na ang kasabihan na to, pero totoo ‘to at naniniwala ako na:

Wag na wag mo i-asa ang kaligayahan mo sa ibang tao.

Weekend SMS Jokes

PEDRO: “galing ako sa doktor, nakabili na ko ng hearing aid, grabe ang linaw na ng pandinig ko…”
JUAN: “talaga?!!! magkano bili mo?”
PEDRO: “kahapon lang…”

SMS courtesy of Defpotec

* * *
A Filipino, a Black man, and a White guy are in a bar having a drink.
When a gorgeous woman comes up to them and says,“Whoever can use the words ‘liver’ and ‘cheese’ in a creativesentence can have me for tonight.”
So the White guy says “I love liver and cheese.”
She says “That’s not good enough”
The Black man says “I hate liver and cheese”
She says “That’s not creative”
Finally, the Filipino says “Liver alone, cheese mine!”

Joke courtesy of Bern

Continue reading

Kalokohan Factor

Fan ka ba ng bagong show ng ABS-CBN na Pinoy Fear Factor?

Ako hindi. Ewan ko pero di ko talaga trip ang mga manood ganung eksena na kung anu-ano kahangalan ang pinaggagawa at kung anu-anong nakakasuka na pinagkakain nila.So ewww and so kadiri!

Pakainin ka ba naman ng utak ng kung anu-anong hayop. Kadiri kaya yun! Nyeta! Ino-OFF ko na agad ang TV namin pag Pinoy Fear Factor na. Sa isang banda ay nakakabuti na rin yung show na yun kasi napapaaga ang tulog ni Mamaru ngayon.

Continue reading

SMS Jokes 11.19.08 (Wednesday)

Pacman in war with MILF…
PACMAN: “Sumuko na kayo!”
MILF: “Susuko lang kame pag na-spell mo ang ceasefire!!”
PACMAN: “Tuloy ang laban!! Durugin sila!! Padadalhan ko kayo ng chrysanthemum sa burol nyo!!”
MILF: “Spell chrysanthemum!”
PACMAN: “Pakyu! Sabi ko ROSE!! Bingi!”

SMS courtesy of Jelai

* * *

Juan is taking entrance exam. After looking at the paper, he took off his shoes, shirt, pants and threw them out the window.
Juan: “Why tingin at me? Di ba sabi dito, answer the questions in brief!”

SMS courtesy of Jelai

Continue reading

SMS Jokes 11.18.08 (Tuesday)

Customer: “miss pbili ng condom ung medium”
Tindera: “dito sir, isukat nyo sa fitting room”
Customer: “masikip”
Tindera: “sige lang sir, yan uso ngayon… skinny.”

SMS courtesy of Wow_Kalabaw

* * *

LOLO: “Doc mag aasawa uli ako check nyo nga kong sexually fit pa ako.”
DOC: “Pakita nyo ang sex organ nyo sa akin.”
LOLO: “Alin Doc…yung DILA ba o DALIRI KO?”

SMS courtesy of Wow_Kalabaw

* * *

May isang babae na yumaman sa pagiging Japayuki.Nagpatayo siya ng mataas na building sa Japan.
Bilang souvenir pinangalanan niya ito ng…

“Kenitha Safuki”

SMS courtesy of Wow_Kalabaw

* * *

BOY: “Prangkahin mo nga ako babae ka! 2 yrs na akong nanliligaw syo! Sasagutin mo ba ko o hindi?! ”
GIRL: “Hindi!”
BOY: Hmp! Napakaprangka mo naman.”

SMS courtsey of PRYSS

* * *

Mamaru’s Chocolate Chip Cookies

Nang dahil sa rollback ng gas at LPG, nabuhay ulit ang 13-year old oven ko!

Mas matanda pa ang oven ko kesa kay Keziah ko pero impernes, ayos pa naman ang binubuga nyang init sa loob.

Ang oven ko, maaasahan pa rin. Parang ako. Maalab pa rin. (huwaw!) Mainit. Maningas. Mapusok. Maharot. Charot!

Kung may ikinatuwa talaga ako sa mga nangyayari ngayon, yun ay ang pagbaba ng presyo ng gasul na gamit ko dahil nakakapag-bake na ako ulit.

[singlepic=304,320,240,,][singlepic=305,320,240,,]

Sabi ko nga, pupurgahin ko sa dami ng choco chip cookies at sa peborit nilang choco crinkles ang mga junakis ko hanggang sa magsawa sila. Continue reading