Pag Ako Natigok

Sabado ng umaga nung nangaluluwa kami sa libing ng ate Lyza ko. Nakngwekwek! Habang binabagtas ko yung paliko-likong daan ng sementeryo sabi ko sa mga kasama ko. . .

“it’s final na talaga, pag ako natigok…i-cremate nyo ko!!  Wag nyo ko ilibing sa sementeryo! Totoo!  At no deal, no deal!! I made up my mind, yun ang gusto ko.”

Ayaw ko talaga yung idea na ililibing ako sa sementeryo na minsan lang sa isang taon lang kung dalawin ng mga mahal sa buhay dahil sa layo ng libingan. Tsaka ang lungkot-lungkot talaga sa sementeryo.

Mas trip ko kung sunugin na lang ang yummylicious and cheap body (murang katawan) ko hanggang sa maging crispy chicken abo tas ilagay na lang kahit sa garapon ng mayonnaise para all-year round ay andito lang ako sa bahay. Pwedeng ipatong lang ang cremated body ko kahit sa ibabaw lang tv stand namin para hindi na kelangan pumunta ng mga bagets ko sa sementeryo. Palagay ko mas praktikal at mas cool ang ganun.

Continue reading