Pag Ako Natigok

Sabado ng umaga nung nangaluluwa kami sa libing ng ate Lyza ko. Nakngwekwek! Habang binabagtas ko yung paliko-likong daan ng sementeryo sabi ko sa mga kasama ko. . .

“it’s final na talaga, pag ako natigok…i-cremate nyo ko!! Wag nyo ko ilibing sa sementeryo! Totoo! At no deal, no deal!! I made up my mind, yun ang gusto ko.”

Ayaw ko talaga yung idea na ililibing ako sa sementeryo na minsan lang sa isang taon lang kung dalawin ng mga mahal sa buhay dahil sa layo ng libingan. Tsaka ang lungkot-lungkot talaga sa sementeryo.

Mas trip ko kung sunugin na lang ang yummylicious and cheap body (murang katawan) ko hanggang sa maging crispy chicken abo tas ilagay na lang kahit sa garapon ng mayonnaise para all-year round ay andito lang ako sa bahay. Pwedeng ipatong lang ang cremated body ko kahit sa ibabaw lang tv stand namin para hindi na kelangan pumunta ng mga bagets ko sa sementeryo. Palagay ko mas praktikal at mas cool ang ganun.

Hanggang lunch time kami sa puntod ng ate ko. After mananghalian….lipat naman kami sa kabilang sementeryo at dun naman kami sa puntod naman ng kuya ko na namayapa lang nung nakaraang July.

Whew! Tagaktak pawis namin sa sobrang init ng araw!Kanya-kanya kaming bitbit ng payong, kanya-kanyang upo habang wala pang masisilungan.Hindi ko alam kung nakailang bote ng sopdrinks ako nung sabado.

Lawit dila ng mga pamangkin kong lalaki at bagsak sa pagod sa kahahakot ng mga gamit namin. Lol.

Moi at ang boylet kong si Kevin

Opsss! siempre kahit nanggigitata kami sa pawis… strike a pose muna ang buong barangay.

Kunyari cool lang kami. Iniisip na lang namin na nasa beach kami at wala sa sementeryo.

Si inday Maru at ang mga amo niya.

Si Mamaru habang nasa-sunburn na. As of this writing…mahapdi pa rin ang likod at mga braso ko. Tsk, galit na naman si Dra. Belo sa akin at hinayaan ko na naman masunog ang balat ko. Sharoot!

27 thoughts on “Pag Ako Natigok

  1. impernes, hindi naman halatang tagatak pawis mo miss sexy maru eh. hahaha.

    paano na lang kung bigla ka yumao? tsk, mawawala na ang Diyosa. lols. hahaha.

  2. mas lalo naman ay kung yung dadaanan mo papunta sa puntod nyo eh maputik at baha at kailangan mong lusungan, maiisip mo pa kung saan galing ang mga katas katas dun. nyaaiks.

    sama ko sayo, papasunog na lang ako at gawing pataba sa punong mangga sa bakuran. at least buhay pa rin ang alaala kapag lumaki na yung puno. hehehe.

    R.J.s last blog post..i believe i can fly…

  3. hello…i got your blog address from badoodles.

    anyway…yeah, mas ok magpa-cremate na lang, kahit mahal ng konti. imagine, ang dami ng ginastos nating salapi sa lahat ng lotion at pamahid sa katawan tas magfifiesta lang ang mga maggotry sa ating flesh?! wag na. tsaka nakaka-claustrophobia pag nasa sementeryo’t nakabaon =)

    have a great week!

    • @judayski, atengggg! salamat sa pagdaan!

      korek ka jan! ang lungkot pa dun sa sementeryo…di ko kakayanin ang lungkot dun at baka ikamatay ko lang. lols!

  4. SIS Maru, sexy mo naman sa suot mo kahit yung mga naka himlay na eh tatayo sa suot mo, palagay ko dami ng kumuha ng PIC sa iyo, buti wala si YUBI bwahahahahaha peace brod

    • @vhonne,

      vhonne naman….natural ang tema ng mga topic ay tungkol sa mga patay…mas OP pag tungkol sa valentines ang pag uusapan. hehehe! tsaka nagmamadali akong mamatay kasi gusto ko ng mabuhay eh.

    • @kaith,

      kaso ang mahal pa ngayon ng magpa cremate. ang presyo yata ay depende kung “crispy, rare or well-done” ang gagawin pag sunog sa katawan. hahah!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.