Bugok Na Itlog

Pramis, mag ta-tatlong oras na akong nakaharap sa “Write Post” ng dashboard ko pero wala pa rin akong maisip na maisulat na topic sa blog ko. Samantalang pag nasa kusina ako habang nagkikiskis ng pwet ng kaldero eh nagkaka-trapik sa isipan ko ang mga ideya sa dami. Andun pa yung panay ang bulong ko sa isip ko ng “i’m going to blog this”.

Oo, pati yung paraan at moral values na dulot ng paglilinis ng pwet ng kawali at kaldero ay parang gusto kong i-blog.Pero pag andito na ako sa harap ng ‘pyuter, syet! biglang nagiging blangko lahat ang nasa ulo ko. Leches!

Enways, eto na at may wento ako.

Bumili ako ng sandosenang itlog ng manok last week. Oo, itlog ng manok. Mahirap na at baka kung anong itlog ang maisip nyo. Manok po, manok!

Habang nag-iinarte ako ng pwesto ko sa pag-upo sa loob ng dyip…basag na pala yung 3 itlog sa loob ng plastic na hawak-hawak ko ng hindi ko man lang namamalayan.

Pagdating sa bahay, hinugasan ko agad yung mga hindi nabasag na itlog para maalis yung lagkit na pumulupot galing sa mga basag. After a couple of days, nang magluluto na sana ako ng brekpas, natuklasan ko na NABUBUGOK pala ang ITLOG pag HINUHUGASAN.

Moral lesson of the story?

Mga tsong, WAG NA WAG KAYO MAGHUHUGAS NG ITLOG!

7 thoughts on “Bugok Na Itlog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *