Mamaru’s Chocolate Chip Cookies

Nang dahil sa rollback ng gas at LPG, nabuhay ulit ang 13-year old oven ko!

Mas matanda pa ang oven ko kesa kay Keziah ko pero impernes, ayos pa naman ang binubuga nyang init sa loob.

Ang oven ko, maaasahan pa rin. Parang ako. Maalab pa rin. (huwaw!) Mainit. Maningas. Mapusok. Maharot. Charot!

Kung may ikinatuwa talaga ako sa mga nangyayari ngayon, yun ay ang pagbaba ng presyo ng gasul na gamit ko dahil nakakapag-bake na ako ulit.

[singlepic=304,320,240,,][singlepic=305,320,240,,]

Sabi ko nga, pupurgahin ko sa dami ng choco chip cookies at sa peborit nilang choco crinkles ang mga junakis ko hanggang sa magsawa sila.Pero nabigo ako sa plano ko dahil sadyang matakaw ang mga alaga ko at hindi man lang inaabot ng 3 araw ay simot na agad laman ng cookie jar namin. Walang kasawa-sawa sa paglamon ang mga bagets ko.

[singlepic=308,320,240,,][singlepic=309,320,240,,]

Maraming klaseng commercial chocolate chip cookies ngayon pero IBA pa rin siempre ang home-made kasi may kasamang pagmamahal yun. Yung choco chip cookies ko may sangkap na Mamaru’s love na isang mamahaling ingredient. Naks!

[singlepic=307,320,240,,][singlepic=310,320,240,,]

Kung gusto nyong i-try ako ang recipe na ginagamit ko, eto yun:

MAMARU’s CHOCOLATE CHIP COOKIES

  • 1/2 cup butter
  • 1/4 cup white sugar
  • 12 cup brown sugar
  • 1 egg
  • 2 cups all-purpose flour
  • 1/2 tsp salt
  • 1/2 tsp baking soda
  • 3/4 cup chocolate chips/drops

Preheat oven to 375F. Cream butter, sugar together until light and fluffy. Add egg and beat thoroughly. Sift flour, salt and baking soda into mixture and beat. Grease baking sheet. Roll teaspoonfuls of mixture into balls, place on baking sheet and press with a fork. Bake for about 10 minutes until golden brown. Cool and serve.

Makes about 32.

Napakadaling gawin neto. Kahit nakapikit ang isang mata nyo ay yakang-yaka. Kayang-kaya gawin ng kahit ng isang dalagita gaya ng doter kong si Keziah.

Eto na rin ang plano kong ipamudmod sa neborhood ko sa pasko. Kayo, baka balak nyong umorder (sabay alok! lols!).

10 thoughts on “Mamaru’s Chocolate Chip Cookies

  1. Maru! Mag-suggest ka naman ng pwede naming iluto para sa Noche Buena nina Lyzius dito sa Singapore. First time namin magpa-Pasko dito eh mukhang malungkot kaya dadaanin na lang namin sa pagluluto at pag-chibog. Hehe. = D

    Mukhang masarap ‘yang Chocolate Chip Cookies na ‘yan ah. Magawa nga ‘yan.

    The Gasoline Dudes last blog post..Starstruck-ed

    • @The Gasoline Dude,

      nakow! isaw lang ang madalas na handa namin pa pasko. hmmmmn…sige TRY ko magbuklat ng mga recipe books ko. Akala ko ba uuwi kayo sa pasko….lapit lang naman ng Singapore tsaka ang mura na ng ticket di ba? Nways, sige at magsa-suggest ako ng menu. Sana lang hindi ko makalimutan. Lol.

  2. mami bakit hindi mo gawing bisnes yan ngayong kapaskuhan?lols. ayun nga nasabi mo na nga. paorder ako. kaso ang layo ng panggagalingan hahaha 🙂 ipaLBC 🙂

    popoys last blog post..OA

Leave a Reply to The Gasoline Dude Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.