Fan ka ba ng bagong show ng ABS-CBN na Pinoy Fear Factor?
Ako hindi. Ewan ko pero di ko talaga trip ang mga manood ganung eksena na kung anu-ano kahangalan ang pinaggagawa at kung anu-anong nakakasuka na pinagkakain nila. So ewww and so kadiri!

Pakainin ka ba naman ng utak ng kung anu-anong hayop. Kadiri kaya yun! Nyeta! Ino-OFF ko na agad ang TV namin pag Pinoy Fear Factor na. Sa isang banda ay nakakabuti na rin yung show na yun kasi napapaaga ang tulog ni Mamaru ngayon.
Naiintindihan ko naman ang motibo ng mga pa-cute na mga participants dun ( na kelangan ba maganda ang wankata at hindi chaka ang chura?), bukod kasi sa malaking premyo, mas halatang yung pagsikat (siempre mag aartista ang iba sa mga yun pagkatapos) lang ang siguradong habol ng mga sumali.

Hindi ko talaga mainitindihan kung bakit may mga taong gusto ilapit ang mga sarili nila sa kapahamakan. Gustong-gusto nila ang adventure kuno. Hay naku…pero hindi ako naaastigan sa mga ganun.

Trip na trip nila ang makipaglaro kay kamatayan. Eh paano kung kumbaga sa taguan ay maging TAYA palagi si kamatayan at ma “pung!” ka? eh di Yari ka! Trip mo bang maparehas ka netong mga nasa larawan? Hehehe! Kung anu anong kagaguhan kasi ang mga iniisip nila.
Siguro kung magpapaalam ang anak ko na sasali sa mga ganitong kalokohan, pucha! Hihimatayin yata ako. Siempre HINDI ako papayag dahil iniisip ko pa lang ay malamang mauuna ako o ikatigok ko na ang sobrang nerbyos. Madami pa naman matitinong pwedeng pagkaabalahan sa buhay a!









Isang beses pa lang ako nakapanood ng Pinoy Fear Factor sa TFC. Bakit nga ba puro magaganda at gwapo ang kasama dun? Pero naalala ko ‘yung Fear Factor sa States mga Playboy Models naman ‘yung mga kasali minsan. Hehehe. Woot woot! = D
The Gasoline Dudes last blog post..Rich Man’s Game: An Update
Reply
nong una naaastigan ako sa mga ipinapakain sa mga contestant. sa kalaunan, mukang tanga na lang.
a.r.d.y.e.y.s last blog post..please release it, let it go
Reply
isang beses pa lang ako nanood ng Pinoy Fear Factor. May mga bgay lang talaga akong hindi maintindihan sa show.
1. bakit kailangan sa Argentina ginawa? Eh, kung mga hayop, rainforests at anik-anik na insekto eh, meron din namang ganyan dito sa pinas?
2. bakit purus mga seksi at magaganda/gwapo yung mga sumali? sa fear factor na international, hindi naman lahat ng contestants nila drop-dead gorgeous. oo, kinailangan naman sigurong healthy ang mga contestants pero requirement na rin ba na dapat nakakalibog at kapanta-pantasya ang iyong katawan?
ang kyut ng animation =)
siangelnawalangpakpaks last blog post..Mahirap Maging Babae
Reply
ang kulet, hehehe.. naligaw lang po, at natawa-natuwa. pwede po ba kita dagdag blogroll ko? at nang masama na din munti kong blog sa iyo?=)
Reply
ahahaha. dun ako sa animations naaliw. ako, i’ve never seen an episode of that show. tamad ako manood ng tv. kung manonood man, asahan mo either axn, discovery, history, natgeo or biography channel ako. hahaha. (ay minsan pala star din)
antukens last blog post..thanks for the time
Reply
hay naku ganyan talaga mga pinoy, gagawin ang lahat sumikat lang… ndi ko din feel ang mga ganung shows eh… bakit kasi kailangan mapakahirap ng ganun… sabagay no pain no gain nga naman… hayss…
Melais last blog post..Survivor sa US Auto Parts….
Reply
gurl!!! off topic! eye gut sum BIG news for u hehehe, REALLY BIG hehehe go ka sa balay ko, follow follow lang ang link to the BIG news hehehe!
Reply
MARU
reply on November 22nd, 2008 1:01 pm:
@reyna elena, atengggggggggggggg! pinaganda mo ang sabado kooooooooooo! OMG to the nth level talaga! dakota ang nota ni prince willy! bwahahaha!
Reply
reyna elena
reply on November 22nd, 2008 1:16 pm:
@MARU, o ayan! isang taong kaligayahan yan! hahahaha! dakota fanning ateng! hahaha!
reyna elenas last blog post..Breaking News! I mean, BIG NEWS!
Reply
ndi naman mahaba ang blog entry na ito.. pero ang tagal ko sa page na ito…. ahaha.. nag-enjoy ako sa mga animated images.. ahaha… ang kukulit…
ndi ko pa napapanood ung fear factor ng abs-cbn… walang time… kung manonood man ako… ung mga babae lng ang titingnan ko… ahaha…
pinili talaga ung mga magagandang looks… dahil magiging artista mga un…
vhonnes last blog post..PanSayn
Reply
nakikipagtalo ang mata ko dun sa flash ng pagtawid ng mama at doon sa post mo eh, ok yon ah dalawang kwento in one.
Mahalias last blog post..Going With Daddy
Reply