Buhay-Single

screenshot_105

Minsan may nag request sa akin kung pwede daw ay gumawa ako ng blog entry re: pros and cons ng buhay-single or why people choose to stay single.

Maganda yung suggested topic kaso baka naman ulanin ako ng batikos dito sa blog ko. Baka kako may magtaasan ang kilay at sabihin pang Bitter Ocampo lang ako dahil wala akong partner.

Pero sabi ko nga, interesante ang topic at kako kung gagawin ko man ang requested entry na ‘to, pangungunahan ko na lang kayo na I can only speak for myself at hindi ko pwede i-represent ang pananaw ng karamihan. Kung ano man ang sasabihin ko ay base lang sa mga nararamdaman ko, personal opinyon ko at mga pawang katotohanan lang mula sa experience ko as single mom.

Uunahin ko muna babanggitin ang CONS of being single.

1. No sex life.

Pag singol ka, siempre wala kang sex layp at kung meron man ay hindi regular. Pwera na lang siempre kung magpaka-pokpok ka.

Wala akong jowa o fafa sa kasalukuyan kaya natural wala akong ka-chukchakan. At napaka-ipokrita ko naman kung hindi ko aaminin na nakaka-miss din yung may kalampungan. Minsan iniisip ko, siguro kung may mister lang ako….sarap siguro boso-bosohan ni mister habang naliligo. Yung momolestyahin mo sya ng walang kasawa-sawa at tsatsansingan ng walang patumangga gaya ng pagpisil ng butt nya tapos sabay sabi ng “opss! soweee honey… di ko sinasadya.”

Naiisip ko, mas ayus siguro kung may katabi kang nadudukot-dukutan na naka boxer shorts habang natutulog. Yun bang paminsan-minsan ay pinagmamasdan mo ang pagtulog nya tapos pag sobrang nanggigigil ka na sa partner mo eh pwede mong pitik-pitikin o lapirutin nipols nya hanggang sa humantong kayo sa isang pillow fight na ang kadulu-duluhan ay hubo’t hubad na pala kayong pareho ng hind nyo namamalayan. O di ba, parang ang saya-saya. Kaso wiz akong ganung kasayahan dahil nga singol ako. Hays…

2. Special Occassions

  • Birthdays – Pag singol ka, walang nag i-effort na sorpresahin ka na maging kakaiba ang special na araw ng kapanganakan mo. Halimbawa pag birthday mo, wish mo lang na sana ay meron magkukumahog para sau na pasayahin ka. Yun bang maluha-luha ka sa sorpresa kunyari dahil hindi mo inaasahan na dadalhin ka ng sweetheart mo sa mall hindi para ipag-shopping ka kundi dadalhin ka niya sa may bandang food court hindi rin para kumain kundi para maglaro ng Bingo Bonanza para naman daw maiba ang celebration. Nyeee! Howel, kahit papano eh napaiba nga naman at may “creativity” di ba?. Lol!
  • Christmas. New Year. – Pag singol ka, wag ka ng umasa na makakatanggap ka ng special at bonggang regalo para sa yo. Pwera na lang kung ang bonggang regalo na gusto mo ay pag-iipunan mo mismo. Kaya ako, dis coming krismas ay ipapabalot ko na lang sa mamahaling krismas wrapper ang regalo ko para sa sarili ko. At siempre ipapadala ko yun sa sarili ko tapos kunyari ay magu gulat-gulatan ako, at magluha-luhaan habang binubuksan ang gip ko sa pasko.
  • Valentines Day – Pag singol ka at loveless sa araw na to, natural wala kang matatanggap na mga simbolo ng Balentayms – yung bulaklak at tsokolate. Wala kang libreng lafang at higit sa lahat, wala kang tsans na nasa loob ka ng motel sa araw na ‘to.

3. Partners In Crime

Pag singol ka, at ang pagiging singol mo ay isa ka ring magulang – asahan mong mag-isa mong pasan ang daigdig. Gaya ko, solo ko ang lahat ng problema at mag isa akong nagkakamot ng ulo sa mga dumarating na kunsumisyon. As we know, inadequacy of income ang pinakamalaking problema na hinaharap palagi ng mga single-parent lalo na yung mga gaya ko na hindi tumatanggap ng kahit isang singkong duling as child support. Howel, sino nga ba ang hindi nahihirapan sa panahon ngayon? Kung yung mga mag-asawa nga eh madalas din kapusin ng pera eh kami pa kayang mga single moms?

4. Default Option

Pag singol ka, pag gusto mo lumabas para gumimik pero wala wala kang makasama, eh wag na lang. Magmumukha ka lang tanga dun! Ka-imbyerna din yung hindi mo na pwedeng basta basta na lang hilahin ang mga friends mo lalo na pag ang karamihan sa kanila ay mga married na. Hindi na sa lahat ng pagkakataon ay magiging abelabol pa din sila. Hays…ang lungkot din minsan pag wala kang activity buddy o partner as default option.

Mga ilan lang yan sa mga cons of being single. Pero para sa akin, the pros of staying single still outweigh the cons.

Here are my PROS:

1. Pag singol ka, hindi ka worried kung mabaho ang morning breath mo, o hindi ka man nakaligo ng buong maghapon. Walang sisita sa yo! Pag gusto mo ang maglakwatsa, anytime ay pwede ka umalis dahil hindi mo na kelangan ang magpaalam pa sa kung kanino at hindi ka worried na baka may magalit sa pag uwi mo. In short, you don’t have to deal with anyone else.

2. Pag singol ka, you can take better care of yourself. Mas marami kang oras para asikasuhin ang sarili.Mas may oras ka sa mga hobbies and interest mo. Mas nakikilala mo ang sarili mo…kung ano ang mga ayaw at gusto mo sa buhay.

3. Marami na rin ang nagtanong kung bakit I look younger kesa sa totoong age ko. Ang sagot ko, I just keep myself – single. Naks! Wahihi! Sa totoo lang malakas maka-losyang ang mga lalaki. Hehe! Pag singol ka, hindi ka masyadong “gamit” pagdating sa sex kasi wala kang responsibilidad na kelangan tugunan pagdating sa biological need ng isang lalaki.

4. Pag pagod ka sa trabaho o sa mga gawaing-bahay at pag gusto mo ang mahimbing at dere-deretsong tulog sa gabi – howel, ipagpapasalamat mo talaga na singol ka dahil walang may mangangalabit sau. Walang may gagapang na kamay. Walang makulit. Pagdating naman sa paggamit ng banyo, walang makikisabay sa pagligo para gahasain ka lang dun, en derpor –walang storbo!

5. Pagdating sa kinita mong pera, nagagawa mo rin ang mga gusto mong pagkagastahan sa pera mo. Walang may mag a-audit sa yo o magkukwenta. Wala kang kinakailangan na pakikibagayan na pag uugali. You always have the so-called freedom and independence!

6. Pag singol ka, ligtas ka sa mga hindi naiiwasan na selosan, sa mga nakakarindi na mga debate at awayan ng mag-asawa. Mas peaceful ang buhay. Nakaka-drain din kasi ng emosyon ang mga lover’s quarrel na yan. Pag singol ka, pwede kang magkaroon ng sangkaterba na crushes, makipag landian o makipag-flirt ng lep en rayt sa opposite sex ng walang naaapakan na asawa o partner. Libreng libre ka makipag kaibigan sa kahit kanino.

7. May isang punto na nakabuti ang pagiging singol ko para sa mga anak ko dahil eversince talaga ay lumaki silang walang nakikitang away o sigawan sa loob ng bahay namin. Walang silang naririnig na bad words o murahan na pwedeng gayahin ng mga bata sa mga magulang. Kahit si Kevin at Keziah….I hardly see them fight or argue. Ang tanging sigawan na naririnig namin dito ay yung kapitbahay namin na talaga naman halos sumabog ang ngala-ngala nung babae sa lakas ng boses pag nagkakasagutan sila ng mister nya o pinapagalitan ang mga anak nya.

Yan! Sabi nila, mas malungkot daw pag singol ka o walang partner. Oo, siguro nga ay may katotohanan yun. Kahit ako ay paminsan-minsan ay nalulungkot din sa pag iisa. Hindi ko naman isinasara ang sarili ko na makapag asawa din balang araw. Pinapangarap ko rin ang matawag na “wife” someday. Pero para sa akin, mas mabuti kung maging kuntento na lang muna ako anong meron ako NGAYON.

See, kung hindi ka talaga masaya kahit sa sarili mo…eh malamang hindi ka talaga magiging masaya kahit magka-partner ka pa. Ang pag aasawa o ang pagiging single ay personal choice mo yun. Siguro nga panis na ang kasabihan na to, pero totoo ‘to at naniniwala ako na:

Wag na wag mo i-asa ang kaligayahan mo sa ibang tao.